Kanser sa Prostate
Ang kanser sa prostate (prostate cancer) ay isa sa mga pinaka-karaniwang anyo ng kanser para sa mga lalaki. Ito ay isang mapanganib na tumor sa prostate. Sa karamihan ng mga lalaki, ang kanser ay lumalaki nang napakabagal. Maraming mga kalalakihan na taglay ang sakit na ito ay hindi malalaman na mayroon sila nito. Ang bagong kanser sa prostate ay limitado sa mismong glandula ng prostate. Karamihan sa mga lalaki na may ganitong uri ng kanser ay maaaring mabuhay ng maraming taon na walang mga problema.
Kanser sa Bayag
Ang kanser sa bayag (testicular cancer) ay isang mapanganib na bukol sa bayag ng lalaki. Kung ikukumpara sa iba pang mga uri ng kanser, bihira ang testicular cancer.
Ang testicular cancer ay maaaring kumalat nang dahan-dahan o mabilis. Karaniwang kumakalat ang ito sa malapit na mga lymph node, baga, atay, buto, at posibleng sa utak.
Ang testicular cancer ay kayang gamutin, kahit na ang kanser ay kumalat na lampas sa bayag. Depende sa uri at lala ng testicular cancer, maaari kang makatanggap ng isa sa maraming lunas, o isang kumbinasyon. Ang regular na pagsusuri sa sariling bayag ay makakatulong upang matukoy nang maaga ang pagkakaroon ng abnormal na tisyu o bukol, kung kailan may pinakamataas na pagkakataon para sa matagumpay na paggamot ng testicular cancer.
Kanser sa Ari
Ang kanser sa ari o penile cancer ay nagsisimula bilang isang paltos sa foreskin, ulo o baras ng ari at pagkatapos ay nagiging isang umbok tulad ng kulugo na naglalabas ng nana.
Ang human papilloma virus (HPV) ay maaaring makadagdag sa panganib ng pagkakaroon ng penile cancer, kung kaya’t mahalaga na gumamit ng condom sa pakikipagtalik.
Ang mga kalalakihan na hindi tinuli nang isilang ay maaari ring magkaroon ng mas mataas na peligro ng pagkakaroon ng penile cancer.
Ilan sa mga palatandaan ng penile cancer ay ang pagkakaroon ng sugat, likido na lumalabas sa ari (discharge), at pagdurugo.
Ang mga ito at iba pang mga palatandaan ay maaaring dulot ng penile cancer o ng iba pang mga kondisyon, kaya siguraduhing kumunsulta sa iyong doktor kung mayroon ka ng mga sumusunod:
- Pamumula, iritasyon, o sugat sa ari
- Bukol sa ari
Pumunta sa iyong doktor kung nagpapakita ka ng mga nabanggit na sintomas.
Mga Pinagmulan: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/prostate-cancer/symptoms-causes/syc-20353087, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/testicular-cancer-care/symptoms-causes/syc-20352986 , https://www.webmd.com/cancer/penile-cancer-overview#1
Hello, ako ay may bukol sa loob ng ulo ng ari nasasalat ko sya pero hindi sya gumagalaw. Namumula ung part kung saan sya nakalagay, kumikirot rin sya paminsan minsan…
Hi Mario! Ang artikulo ay para lang sa impormasyon tungkol sa iba’t ibang kanser na pwedeng makuha ng isang lalaki. Kung sa tingin mo ay mayroon ka, mabuting ipakunsulta na ito sa iyong doktor.
Hi po may bukol po ako sa ilalim nang itlog ko po hindi naman po sya naka dikit sa itlog ko sa mismong ilalim tlga sya matagal nato mga almost 3 to 4 years nato ano po ito? hindi naman sya masakit
Hi jaylord! Mabuting ipakunsulta ito sa iyong doktor upang malaman kung ano talaga ang bukol na ito.
Tanung ko lng poh meron poh kasing bukol sa may bandang puno ng akong ari kapag ka hinawakan sya ay medyo maskit
Hi Leonard! Ang artikulo ay para lamang sa impormasyon tungkol sa kanser sa kalalakihan. Maaaring sintomas ito ng ibang sakit. Mabuting ikunsulta na ito sa iyong doktor.
Pariho tayo ng sitwasyon Leonard .. pumunta ka na ba ng doctor ?
Hello po .. may katanungan po ako may maliit na bukol sa katawan ng aking ari hnd ko po alam kung saan nagmula ito bigla nlang pong nagkaroon ng bukol.. anu po ba sanhi nito.. nagagamot po ba ito o may mga vitamins po ba para mawala ang bukol.. inoobserbahan ko po sya.. almost 2 weeks na po sya…. nagaalala lang po ako.. salamat ponsa sagot ..
Hi Felipe! Mabuting ipakunsulta na ito sa iyong doktor. Sabihin din sa kanya ang mga naging pagbabago sa loob ng 2 weeks na pag-obserba mo upang mas madaling malaman ang iyong kundisyon.
Ano daw po kaya Yung bukol sa may lambi na nasa loob at matigas, ngunit po Wala naman daw pong sakit na nararamdaman?
Hi Darryl! Mas mabuti po na magpatingin kayo sa doktor upang malaman ang iyong kondisyon.
ano po ung sobrang kati ng bayag pati ari as in sobra po tlga ung kati nya
Hi anuna to! Maaari mong basahin ang artikulo na ito upang mas malaman pa ang mga dahilan ng pangangati ng iyong itlog: https://doitright.ph/tl/makating-itlog-karumihan-o-may-medikal-na-dahilan/