fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Kanser sa Kalalakihan

family planning, reproductive health, male cancer

Kanser sa Prostate

Ang kanser sa prostate (prostate cancer) ay isa sa mga pinaka-karaniwang anyo ng kanser para sa mga lalaki. Ito ay isang mapanganib na tumor sa prostate. Sa karamihan ng mga lalaki, ang kanser ay lumalaki nang napakabagal. Maraming mga kalalakihan na taglay ang sakit na ito ay hindi malalaman na mayroon sila nito. Ang bagong kanser sa prostate ay limitado sa mismong glandula ng prostate. Karamihan sa mga lalaki na may ganitong uri ng kanser ay maaaring mabuhay ng maraming taon na walang mga problema.

Kanser sa Bayag

Ang kanser sa bayag (testicular cancer) ay isang mapanganib na bukol sa bayag ng lalaki. Kung ikukumpara sa iba pang mga uri ng kanser, bihira ang testicular cancer.

Ang testicular cancer ay maaaring kumalat nang dahan-dahan o mabilis. Karaniwang kumakalat ang ito sa malapit na mga lymph node, baga, atay, buto, at posibleng sa utak.

Ang testicular cancer ay kayang gamutin, kahit na ang kanser ay kumalat na lampas sa bayag. Depende sa uri at lala ng testicular cancer, maaari kang makatanggap ng isa sa maraming lunas, o isang kumbinasyon. Ang regular na pagsusuri sa sariling bayag ay makakatulong upang matukoy nang maaga ang pagkakaroon ng abnormal na tisyu o bukol, kung kailan may pinakamataas na pagkakataon para sa matagumpay na paggamot ng testicular cancer.

Kanser sa Ari

Ang kanser sa ari o penile cancer ay nagsisimula bilang isang paltos sa foreskin, ulo o baras ng ari at pagkatapos ay nagiging isang umbok tulad ng kulugo na naglalabas ng nana.

Ang human papilloma virus (HPV) ay maaaring makadagdag sa panganib ng pagkakaroon ng penile cancer, kung kaya’t mahalaga na gumamit ng condom sa pakikipagtalik.

Ang mga kalalakihan na hindi tinuli nang isilang ay maaari ring magkaroon ng mas mataas na peligro ng pagkakaroon ng penile cancer.

Ilan sa mga palatandaan ng penile cancer ay ang pagkakaroon ng sugat, likido na lumalabas sa ari (discharge), at pagdurugo.

Ang mga ito at iba pang mga palatandaan ay maaaring dulot ng penile cancer o ng iba pang mga kondisyon, kaya siguraduhing kumunsulta sa iyong doktor kung mayroon ka ng mga sumusunod:

  • Pamumula, iritasyon, o sugat sa ari
  • Bukol sa ari

Pumunta sa iyong doktor kung nagpapakita ka ng mga nabanggit na sintomas.

Mga Pinagmulan: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/prostate-cancer/symptoms-causes/syc-20353087, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/testicular-cancer-care/symptoms-causes/syc-20352986 , https://www.webmd.com/cancer/penile-cancer-overview#1

Please follow and like us:

27 thoughts on “Kanser sa Kalalakihan

  1. Hello. Ano po ba yung maliit na bukol sa ilalim ng ari or likod ng ulo sa ari na maliit kapagckinapa ay bukol na maliit na matigas. Ano po ito

  2. Yung papa kopo sinasabi nya nay bukol sya sa ari sumasakit pag malamig, matagal na po iyon at wala naman syang ibang nararamdaman ano po kaya ang dapat naming gawin?

    1. Hi charlotte! Mabuting ipatingin niyo na ito sa inyong doktor upang makasigurado. Tanungin din kung lumaki ang bukol o kaya’y mas sumakit at sabihin ito sa inyong doktor.

  3. ano po kaya yung maliit na bukol sa katawan ng ari ng lalaki maliit lang na parang pantal pero matigas na parang bato ang laman.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon