fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Kilalanin Ang Iyong Mga Breast Friend

breast

Ang iyong mga suso ay parte ng iyong anatomiyang reproduktibo at anatomiyang sekswal. Itinuturing silang mahalagang parte ng reproduksyon dahil ito ang ginagamit ng mga ina para mapainom ng gatas ang kanilang mga sanggol.

Pagdating naman sa anatomiyang sekswal, ang mga suso ay karaniwang sensitibo sa mga haplos at itinuturing erogenous zone, at parte ng sekswalidad ng karamihan ng tao. Sa ilan, ang mga suso ay parte ng kanilang gender at sexual identity. Ang mga suso ay madalas ring dulot ng mga insecurity sa katawan.

Sa karamihan ng mga araw ng iyong buhay, hindi naman sekswal ang iyong mga suso. Sa katunayan, pumapangalawa lang ito sa pangunahing tungkulin na magpasuso sa sanggol, kahit na hindi mo ito kasalukuyang ginagawa.

Anong Mayroon Ang Breast Friend

Para sa mga isinilang na babae, ang mga suso ay apat na pangunahing laman: connective tissue, fat, milk glands (tinatawag ring lobules), at milk ducts.

Ang mga isinilang na lalake ay mayroong suso rin. Pero ang pinagkaiba ng suso ng babae at lalake ay base sa mga antas ng mga hormon (lalo na ang estrogen) kaya ang mga suso ng mga lalake ay hindi kasing litaw gaya ng mga babae. Wala ring kakayahan magpasuso ng sanggol ang mga suso ng lalake.

Ang mga suso ay makikita sa taas ng rib cage, ibabaw ng dibdib o mga pectoral muscle, at nakakapit sa katawan sa tulong ng mga ligament (litid).

Walang kalamnan ang mga suso mismo; sa ilalim lamang ng mga ito mayroong kalamnan, na tinatawag ay mga pectoral muscle. Ang nagbibigay ng hugis sa mga suso ay ang mga lamang taba at glandula.

Ang mga mammary gland at milk duct

Ang mga mammary gland (lobules) ay nasa mga bulsa ng mga taba sa pagitan ng mga litid ng suso, na patungo rin sa mga milk duct.

Ang bawat suso ay mayroong mga 15 hanggang 20 milk duct sa likod ng areola, na kinokonekta ang mammary gland sa utong. Ang mga milk duct na ito ay responsable sa paglikha ng gatas ng sanggol habang at pagkatapos ng pagbubuntis.

Ang areola at mga Montgomery gland

Ang tawag sa maitim na parte sa gitna ng suso at paligid ng utong ay ang areola. Karaniwang paniniwala na ang sukat ng areola ay dapat “tumugma” sa laki ng suso. Ngunit, hindi nakabase sa laki ng suso ang laki ng areola. Puwedeng malaki ang suso na mayroong maliit na areola, o maliit na suso na mayroong malaking areola.

Kung tiningnan mo nang malapitan ang areola, may mga makikita kang maliliit na parang butlig; ang tawag dito ay mga Montgomery gland. Minsan puwede rin sila lumitaw sa mismong utong. Normal ang mga ito at hindi kailangan alisin.

Ang utong

Para sa karamihan, ang utong ay bahagyang nakausli (at lalong lumilitaw kapag giniginaw o natuturn on). May ilan naman na mayroong inverted nipple, o ang tinatawag na “bulag.”

Anong sanhi ng “bulag” na utong?

Ang “bulag” na utong ay patag o paloob ang turo, imbes na palabas. Puwedeng sa isang suso lang ito o pareho. Walang kailangan ikabahala kung ganito ka ipinanganak. Pero kung napansin ito kamakailan lang o nangyari lang nung medyo may edad ka na, mainam na ikonsulta ito sa doktor para matukoy kung senyales ito ng kondisyong medikal.

Hugis

Baka iba ang itsura ng iyong mga suso kumpara sa litrato sa itaas, at dahil ‘yan sa katotohanan na ang mga suso ay maaaring magkakaiba-iba ang hugis at laki. May ibang mga suso na pabilog, at may iba naman na medyo paahaba o patalas ang itsura. Puwede ring medyo lawlaw medyo tirik ang mga suso.

Walang “perpektong” hugis at laki ng mga suso na mas may “pakinabang” kaysa sa iba. Gaya ng pagiging iba-iba ng ating mga mukha, iba-iba rin ang mga suso ng bawat indibidwal.

Maaaring hindi proporsyonal ang laki ng mga suso sa buong katawan, o maiba mula sa hugis ng iyong katawan. Puwedeng magkaroon ng maliit na suso ang malalaking tao, o malaking suso ang mga maliliit o payat na tao.

Puwede ring hindi pantay ang makabilang suso, kung saan hindi parehas ang kanilang laki at hugis. Karamihan sa mga babae ay mayroong mga asymmetrical breast, at normal lang talaga ito.

Laki

Nakasalalay sa iyong genetika ang laki ng iyong mga suso. Ang mga pisikal na katangian tulad ng laki ng suso at hugis ng katawan ay depende sa lahi ng iyong pamilya.

Hindi lalaki ang mga suso gamit ang mga cream, kahit gumamit ka pa ng oral contraceptive pill. May ilan na naniniwala na lumaki raw ang kanilang suso mula noong uminom sila ng pill, pero sanhi lang ito ng water retention na mawawala rin maya-maya.

Sabi-sabi ng mga tao na nakakalaki daw ng suso ang paginom ng gatas o soy milk. Ang mga inumin na ito ay naglalaman ng mala-estrogen na sangkap, na ginagaya ang epekto ng estrogen sa katawan. Hindi pa sapat ang mga saliksik para mapatunay kung talaga bang may epekto ang soy milk at ibang produkto gawa sa gatas sa paglaki ng mga suso.

Walang magagawa ang mga lotion, cream, gamot, masahe, o ehersisyo ng kalamnan sa dibdib sa paglaki ng mga suso. Tandaan na hindi nakabase sa laki ng mga suso ang iyong halaga! Ika’y perpekto kung ano ka man ngayon.

Anong makakaapekto sa laki ng mga suso

Edad. Kung ano ang itsura ng iyong mga suso noong ika’y tinedyer ay maiiba habang tumatanda ka. Maaaring lumaki o lumiit at malaki ang tsansa na lumawlaw.

Timbang. Naiiba ang cup size at lapad ng pangangatawan kapag nababago ang timbang. Puwedeng akyat o bumaba ang iyong bra size kapag tumaba o pumayat.

Mga antas ng hormon. Panandaliang lumalaki at namamaga nang bahagya ang mga suso bago reglahin. Dahil ito sa paglaki ng mga breast duct at milk gland na sanhi ng estrogen at progesterone.

Nakakaapekto rin sa laki ng mga suso ang mga hormon kapag buntis. Ang estrogen, progesterone, at prolactin at ay nakakahikayat sa paglikha ng gatas. Maaaring patuloy na lumaki ang mga suso habang tumatagal ang pagbubuntis bilang paghahanda sa paggagatas.

Kapag narating na ang menopos, bumababa ang antas ng estrogen. Maaaring magresulta ito sa pagliit at paglawlaw ng mga suso.

Mga pinagmulan:

https://www.scarleteen.com/article/advice/abreast_the_basics_of_boobies

https://www.healthline.com/health/can-you-increase-your-breast-size-by-eating-certain-foods

https://www.healthline.com/health/montgomerys-tubercles

https://www.webmd.com/women/inverted-nipples-causes#:~:text=Breast%20surgery%20or%20other%20injury,nipple%20to%20turn%20inward%20too.&text=Your%20nipples%20formed%20when%20you,That%20pulls%20your%20nipple%20inward.

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon