ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Kulugo Sa Ari – HPV

genital warts, hpv, human papillomavirus, sti, sexually transmitted infection, reproductive health, family planning

Mayroong higit sa 100 iba’t ibang mga uri ng human papillomavirus (HPV), ngunit iilan lamang ang sanhi ng kulugo sa ari. Ang iba pang mga uri ng HPV ay maaaring maging sanhi ng kanser sa serviks.

Ang HPV ay isa sa mga pinakakaraniwang STI sa Pilipinas. Karamihan sa mga tao ay kusang gumagaling ang impeksyon, ngunit may iilang nahawaan ng HPV ang nagkakaroon ng mga kulugo sa ari. May ilang mga babae naman na nagkakaroon ng kanser sa serviks o anus dahil napabayaan ang HPV nang hindi ginagamot, habang ang mga lalaki ay posibleng magkaroon ng kanser sa anus o ari, o kaya mga kanser sa ulo at leeg.

Paano Ito Makuha

Ang anumang pakikipag-ugnay sa balat ng mga nahawaang lugar ay maaaring makapasa ng HPV, kahit na ang taong may HPV ay walang nakikitang kulugo o iba pang mga sintomas. Maaari mo ring makuha ito mula sa oral, vaginal, o anal sex.

Ang bakuna laban sa HPV na mayroon sa Pilipinas ay pwedeng makuha ng kahit sino anuman ang kasarian, ngunit bihirang banggitin ito ng mga doktor sa mga binata.

Ano Ang Mga Sintomas

Karamihan sa mga taong mayroon nito ay hindi alam na nahawaan na pala sila dahil walang mga sintomas.

Kahit na ang mga taong may uri ng HPV na nagdudulot ng kulugo sa ari ay maaari walang makitang kahit ano.

Ang ilang mga tao ay maaaring makakita ng mga maliliit na bukol sa loob o sa paligid ng mga ari, o anus. Ang mga kulugo ay maaaring lumago nang kumpol-kumpol at mangati.

Paano Ang Pagsuri Nito

Para sa mga babae, ang mga klinika ay maaaring gumawa ng simpleng pagsusuri na tinatawag pap smear upang tingnan kung may mga abnormalidad sa serviks (naguumpisang kanser o ganap na kanser). Kung sa palagay mong mayroon kang mga kulugo, titingnan ng doktor ang iyong ari gamit ang isang maliwanag na ilaw upang masuri.

Paano Mapupuksa Ito

Kadalasan, ang HPV ay gumagaling nang kusa. Ang mga kulugo ay maaaring mawala nang kusa rin.

Kung hindi sila nawala, o nakakaabala na sa iyo, maaaring alisin ng iyong doktor ang mga kulugo.

Mayroon ding ilang mga gamot na pwedeng magamit sa bahay para mawala ang kulugo.

Kahit na ang mga kulugo ay nawala o tinanggal, ang mikrobyo ay maaaring manatili sa iyong balat, at pwede pa ring kumalat sa iba.

Kung hindi natuklasan o nagamot, ang ilang mga uri ng HPV ay pwedeng maging sanhi ng kanser sa serviks, na siyang pinakakaraniwang kanser sa mga kababaihan sa Pilipinas na may edad na 15-44.

Ang HPV ay maaaring makahawa sa mga lugar na hindi sakop ng condom, kaya ang condom ay maaaring hindi lubos na mapoprotektahan ka laban sa HPV.

Ang pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang HPV ay ang pagkuha ng bakuna ng HPV, na napatunayang epektibo sa Pilipinas.

Mga pinagmulan:

http://www.teensource.org/std/hpv-genital-warts

https://www.hpvcentre.net/statistics/reports/PHL.pdf?t=1559474177321

https://consumer.healthday.com/sexual-health-information-32/human-papillomavirus-hpv-news-756/gay-men-underestimate-their-risks-from-hpv-754834.html

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon