ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Kung Bakit Ka Dapat Matulog Nang Hubad

Here's Why You Should Sleep Naked

Tiyak na hindi mo naisip na ang pagtulog nang hubad ay maaaring makatulong na mapabuti ang iyong kalusugan. Ito ay talagang may ilang mga benepisyo na hindi kaginhawaan lamang.

Mas mahimbing ang tulog

Hindi ba lahat tayo ay nakakatulog nang mas mahimbing kapag komportable? Ayon sa National Sleep Foundation, ang temperatura ay may kinalaman sa pagtulog nang mas mabuti. Ang mas malamig na kwarto ay makakatulong na mapabuti ang kalidad ng iyong pagtulog. Sa katunayan, iminumungkahi ng mga eksperto na ang perpektong temperatura ng silid-tulugan nasa 15-19 ° C.

Ang pagtulog nang hubad ay nagbibigay-daan sa iyong katawan na magpalamig at maging malaya mula sa mga damit pagkatapos ng mahabang araw! Ang pagiging hubad sa kama ay nagpapahintulot sa iyo na madama ang masarap na pakiramdam ng malambot na mga sapin ng kama na humahaplos sa iyong balat at mas madali marelaks kapag walang mga damit na nakakapigil sa iyong galaw.

Mas mabilis makatulog

Bukod sa mas mahimbing ang tulog, maaari ka ring makatulog nang mas mabilis kung matulog ka nang hubad. Sinasabi ng mga eksperto sa National Sleep Foundation na ang temperatura ng katawan ay may mahalagang papel sa iyong circadiam rhythm, ang likas na “orasan” ng iyong katawan na kumokontrol sa pagtulog at paggising mo.

Ang paglamig ay nagpapahiwatig sa iyong katawan na ito ay oras ng pagtulog, at natutulog na hubad – na nagpapababa sa temperatura ng iyong katawan – makakatulong sa iyo na makatulog nang mas mabilis.

Inaangat ang kumpiyansa sa sarili

Ang pagtulog nang hubad ay nagbibigay-daan sa iyo na maging mas ugnay sa iyong pisikal na katawan. Nalaman ng isang pag-aaral na ang pagkakaroon ng ilang oras na hubad ay nakatulong sa pag-angat ng kumpiyansa sa sarili at pangkalahatang imahe ng katawan. Ang paghubad sa pagtulog ay isang mahusay na paraan upang yakapin ang pagmamahal sa sarili!

Nakakaiwas sa yeast infection

Ang pwerta ay may mainit at maumidong kapaligiran, at ang pagtulog nang nakadamit o nakapanty ay humahadlang sa daloy ng hangin. Sa ganitong kondisyon mas madali para sa yeast na dumami at maghantong sa yeast infection.

Ang natutulog nang hubad ay nagbibigay-daan na mahanginan ang pwerta at manatiling malusog. Mahusay na bigyan ito ng kaunting oras na malaya sa mga damit pagkatapos ng buong araw na nababalot.

Nagtataguyod ng pagkamayabong ng lalaki

Nalaman ng isang kamakailang pag-aaral na ang mga lalaki na nagsusuot ng mga boxers ay may mas mataas na bilang ng esperma kumpara sa mga nagsusuot ng masikip na salawal.

Maaaring ito ay dahil ang maluwag na damit na panloob tulad ng boxers ay tumutulong na mapanatiling presko ang mga bayag at sa mainam na temperatura para sa kalusugan ng esperma.

Ang isa pang paraan upang mapanatiling presko ang mga bayag sa gabi at pagbutihin ang bilang ng esperma ay ang pagtulog nang hubad. Pakawalan rin ang mga balls!

Nagpapabuti ng relasyon

Habang ang seks ay mahusay sa paraan para mas mapalapit sa kasosyo, ang simpleng pagtulog nang hubad na magkasama ay sapat din upang mas mapasaya ang inyong buhay pag-ibig.

Ipinapakita sa isang pag-aaral na ang direktang pakikipag-ugnay nang balat-sa-balat sa iyong kasosyo ay naghihikayat sa katawan na lumikha ng oxytocin. Ang hormon na ito ay nauugnay sa pagbabawas ng stress, pagpapabuti ng pangkalahatang kalusugan, at pagpapalakas ng koneksyon sa pagitan mo at ng iyong kasosyo.

Ang paghawak sa iyong kapareha ay mahusay para sa inyong kalusugan at relasyon — kaya tamasin ang mga benepisyo sa pamamagitan ng pagtulog nang magkasamang hubad!

Paano ba matulog nang hubad

Ang pagtulog nang hubad ay simple lang: alisin ang mga damit at saka matulog na. Ngunit kung ito ay ang una mong pagkakataon na gawin ito, baka hindi ka pa komportable sa simula.

Maaari kang magsimula sa pamamagitan ng unti-unting pagbabawas ng mga damit na isusuot mo gabi-gabi. Halimbawa, maaari mong subukan na matulog nang nakashirt at damit na panloob muna, hanggang sa maging komportable na matulog nang hubad. Ikaw bahala sa diskarte kung paano mo ito gagawin.

Kung nais mong gawing mas pribado ang pakiramdam, makakatulong sa iyo maging komportable ang mas madilim na silid-tulugan.

Maaari ring gumawa ng pagkakaiba ang iyong mga sapin. Ang malambot at magaan na mga sapin ay mas presko at komportable, habang ang magaspang at makating tela ay maaaring makaabala sa iyo.

Ang pagligo sa mainit na tubig bago matulog ay maaari ring makatulong na marelaks ka.

Kung hindi mo magagawa, narito ang pwede mong gawin

Ang pagtulog nang nakasuot ng masisikip na damit ay talagang hindi komportable at hindi maganda para sa iyong kalusugan. Ang pagtulog nang hubad ay kasiya-siya at kapaki-pakinabang, ngunit kung minsan may mga kadahilanan na hadlangan ka sa paggawa nito.

Ang pagsusuot ng maluluwag na damit gawa sa koton, seda, o linen ay maaari ring panatilihing presko ang iyong balat kapag natutulog. Gayundin, siguraduhin na ang iyong isusuot tuwing gabi ay malinis.

Ang pagtulog nang hubad ay may maraming mga benepisyo para sa pangkalahatang kalusugan, ngunit hindi lahat ay maaaring gawin ito gabi-gabi. Saan ka man komportable, ang mahalaga ay makakakuha ka ng sapat at kalidad na pagtulog bawat gabi.

Mga pinagmulan:

https://www.medicalnewstoday.com/articles/325300.php#what-to-wear-if-not-sleeping-naked

https://www.healthline.com/health/benefits-of-sleeping-naked#vaginal-health

https://flo.health/menstrual-cycle/lifestyle/sleep/sleeping-naked

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon