fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Laruang Panglalaki: Gabay sa mga Sex Dolls

Ang mga lalaki ay may mas mataas na libido kaysa sa mga babae, napatunayan na ito ng siyensya. Gayunpaman, hindi magagawa ng lalaki ang makipagtalik kapag nagustuhan nila. Dahil ang pakikipagtalik ay dapat pinagkakasunduan muna ng dalawang panig, o maaaring magdulot ito ng problema.

Ang masturbasyon ay ang pinakaligtas at pinakamagandang paraan para ilabas ang pagnanais na ito. Sa kadalasan, nakakasawa din gamitin ang mga kamay. Kaya naman may mga laruang pangmatanda na ginawa para makatulong dito.

Para sa mga lalaki, may kaunting mapagpipilian, isa na rito ang sex dolls o love dolls.

Ano ang Sex Dolls?

Ang sex dolls o love dolls ay uri ng laruang pantalik, na kadalasa’y para sa mga lalaki, na kahalintulad ng isang tao upang makatulong sa kanilang pagsasalsal o masturbasyon. Maaaring isang buong tao ito o maaaring parte lang tulad katawan o ulo.

Kadalasan, may mga butas ang bibig, ari ng babae (o lalaki), o puwet ng mga manikang ito para magamit sa pagtatalik ng taong gagamit nito. Ang mga manikang ito ay maaari ring bagu-baguhin ang itsura ayon sa kagustuhan ng gagamit nito.

Ang pinagmulan ng mga manikang pantalik na ito ay maaaring mabalikan sa sinaunang Greece, at ang mga French at Spanish na manlalayag ay gumagamit nito lalo na sa mga matagalang biyahe.

Ang mga presyo rin nito ay maaaring magsimula sa mura hanggang sa sobrang mahal, depende sa klase ng sex doll na bibilhin mo.

Uri ng Sex Doll

Pinapalobong Sex Doll – Ang mga pinapalobong sex doll ay kadalasang pinakamurang klase at gawa sa magandang uri ng goma. Hahanginan mo lang ito parang lobo at pwede mo nang gamitin ito.

Silicone Sex Doll – Ang uri ng sex doll na ito ay gumagamit ng silicone upang makagawa ng halos makatotohanan at magandang manika. Kadalasang water-proof ang mga ito at matagal ding masira. Ito rin ang uring sikat sa merkado dahil sa katagalan nito sa industriya.

TPE Sex Doll – Ang TPE sex doll ay gumagamit ng “thermoplastic elastomer” para mas maging makatotohanan ang kutis ng balat ng manika. Matibay at malambot din ang mga ito. Ito rin ay mas mura kumpara sa silicone na manika.

Stuffed Sex Doll – Ito ang maituturing mong malaswang stuffed toy. Ang mga sex doll na ito ay gawa sa tela tulad ng normal na laruang hayop. Ang maganda rito ay mas magaan sila kumpara sa normal na silicone at TPE na manika.

Mga iisipin bago bumili ng sex doll

Budget – Ito ang unang dapat na iniisip mo kung bibili ka ng sex doll. Depende sa gusto mong kalidad, maaaring magkahalaga ang iyong sex doll ng mura hangang sa pinakamahal, kaya isipin mo munang mabuti ito.

Uri ng sex doll – Ang pangunahing materyales na gagamitin sa iyong sex doll ay makakaapekto sa presyo at kasiyahan na mararamdaman mo rito. Maapektuhan rin nito ang tibay, pakiramdam sa balat, at ang kabuuang kalidad nito.

Itsura – Ilista mo ang lahat ng gusto mong maging itsura ng iyong sex doll. Magtatagal ang mga ito ng mahabang panahon kaya hanapin ang iyong talagang magugustuhan (tulad ng laki ng dibdib, baywang, itsura ng mukha, atbp.). May mga tindahan ding gumagawa ng pagpapasadya.

Tindahan/Pagawaan – Maghanap ka ng mga beripikadong mga tindahan o pagawaan upang masigurado ang kalidad ng mga manika. Maaari rin silang tumulong na maipadala ng sikreto ang iyong manika diretso sa iyong pinto.

Normal lang ba gumamit ng sex doll?

May mga tao mang makakita rito bilang nakakakilabot, sa huli, sila ay laruang pangkasiyahan pa rin, kaya normal pa rin na gamitin ito ng isang tao.

Ang mga sex doll ay nakakatulong sa masturbasyon, isang bagay na dapat tanggapin ng tao dahil nakakatulong ito sa mga lalaki na matutunan ang katawan ng babae ng hindi natatakot sa negatibong epekto.

May ilan din na masasabing hindi ito nalalayo sa mga laruan ng babae tulad ng vibrator. Parehas lang sila ng gamit, magbigay-aliw at matutunan ang katawan ng gumagamit nito.

Bagaman may mga taong iniisip ito bilang pangtuturing sa babae na parang isang gamit, isipin din natin na makakatulong ito sa lalaki na matutunan ang katawan ng isang babae at aralin ang pagpipigil, magkaroon ng mas magandang relasyon, at magkaroon ng kamalayan sa kinikilos nila habang nakikipagtalik.

Ligtas ba gumamit ng sex doll?

Ito ay depende sa gumagamit at sa gumawa nito, pero sa kadalasan, ligtas naman ang mga ito. Alalahanin din ang materyales na ginamit dito at tingnan kung may allergies kang maaaring lumabas (kung meron ka man).

Tulad ng ibang mga laruang pantalik, maaaring makapagpasa ng sexually transmitted infections (STI) ang mga sex doll kaya iwasang ipahiram ito at palaging linisin ng mabuti.

Kailangan mo bang bumili?

Maraming dahilan ang mga taong bumibili nito. Maaaring dahil nagtataka lang o bilang isang kagamitan na makakatulong sa pag-iisa.

Madali lang silang mabili mula sa mga sikat na online stores o sa mismong mga website ng gumagawa ng sex doll. Maaari ka agad pumili ng mga magagandang klaseng manika rito, o kausapin ang kanilang customer support para sa mga pagpapasadya. Kadalasan, tago ang pagkakabalot ng mga ito na parang regalo mo sa pasko, hindi malalaman kung ano’ng nasa loob hangga’t hindi mo binubuksan.

Kung ano pa man ang dahilan, ang pagbili ng sex doll ay nasa desisyong ng bawat isa. May ilang mga nagsasama rin na isinama ang sex doll sa kanilang relasyon at nagbukas ng mga bagong daan para sa kanila at nagpatibay pa ng kanilang pagsasama.

Konklusyon

Ang sex doll ay mga laruan lamang ng mga taong naghahanap ng ligaya. Ang makita ang sexdoll bilang nakakakilabot pero nakakaakit na manika o bilang isang potensyal na kapareha ay nasa tao na lamang.

Ang mga manikang ito ay nakakatulong sa mga lalaki sa iba’t ibang paraan. Maaari itong makatulong sa kanilang kumpiyansa, masanay ang kanilang sekswal na perpormans, o maging labasan ng emotion.

May mga bersyon rin nito na para sa mga pangangailangan ng babae. Pareho lang sila ng mga positibong epekto, at makakapagsanay din ang mga babae kung paano sila kikilos sa kama habang napapasaya sila.

At dahil din sa teknolohiya, maaari rin nating tingnan na magkakaroon ng sex doll na may artipisyal na talino sa hinaharap, iyong may kakayahang magsalita o gumalaw, hindi katulad ng mayroon ngayon.

Tandaan lamang na laging hiwalay ang pantasya sa realidad, at handa ka na para rito!

Pinagmulan:

https://medium.com/@realdoll/what-are-the-4-different-types-of-sex-dolls-d3dad500a770

https://www.lovecorner.ph/content/6-faqs

https://sextoyeducation.com/best-sex-dolls/

https://citizenjournal.net/are-sex-dolls-sex-positive/

https://sexyrealsexdolls.com/pages/top-reason-buy-real-sex-doll

https://sexyrealsexdolls.com/blogs/blog-news-sex-dolls-community/things-to-consider-before-buying-a-sex-doll

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon