Maaari mong isipin na ang pag-ingay habang nagtatalik ay isang personal na kagustuhan lamang. Ngunit sa maraming paraan, may isang malakas na koneksyon sa pagitan ng sekswal na kalusugan at pag-iingay habang nagtatalik. Narito ang limang mga dahilan kung bakit mahalaga para sa pagtatalik ng mga malusog at aktibong sekswal na tao ang hindi maging tahimik.
Nangangahulugan ito na humihinga ka.
Sa init ng sandali, ang paghinga ay dapat na higit pa sa tahimik na paghinga at paghinga ng pang-araw-araw na buhay. Kaya, kung ang iyong paghinga ay naririnig sa pagtatalik, iyon ay isang mahusay na senyales. Ang paghinga nang malalim ay maaaring dagdagan ang kasiyahan, at mapipigilan din nito ang mabilis na pagtapos ng saya. Maaari ring gamitin ang paghinga sa pagkontrol sa bilis ng mga nangyayari; pabilisin ito upang matulungan ka lalong mapukaw, o pabagalin ito upang pahabain ang sesyon.
Senyales ito sa iyong kasosyo na nasisiyahan ka.
Kung ikaw ay tahimik lamang, maaaring magsimulang magtaka ang iyong kasosyo kung gising ka pa, o kung natutuwa ka ba. Kaya huwag mahiya na mag-“ooh” at “ahh”—o kahit na sumigaw! Ang punto ay mahalaga na marinig ka ng iyong kasosyo. Walang seksi sa pagpipigil. Hayaan lamang na natural na dumaloy ang mga tunog. Baka masorpresa mo pa ang iyong sarili.
Pinapanatili ka sa sandali.
Kung ginugol mo lahat ng iyong oras sa pag-iisip tungkol sa pagpapanatiling tahimik upang hindi ka nakakahiya pakinggan, makakalimutan mo ang lahat ng kasiyahan. Sa halip na mag-alala tungkol sa kung gaano ka maingay, hayaan lamang na lumabas ang mga tunog kung saan, kung kailan, at kung paano sila naroroon. Lasapin ang sandali at tamasahin ang ritmo ninyo ng kasosyo mo! Walang ibang nakikinig maliban sa kasosyo mo, at maniwala kang natutuwa siyang marinig ito lahat.
Nailalapit kayo ng kasosyo.
Kung kaya mong sabihin sa iyong kasosyo ano ang gusto mo sa kama, nangangahulugan ito na pakiramdam mo na malapit ka sa kanya at komportable ka sa paggawa nito. Kaya huwag kang mahiya. Kung nasasabi mo ang gusto mo, napapakita mo ang iyong mga hangarin. Walang kahihiyan sa pagpapakita ng mga gusto o sa pagbigay ng ilang mga direksyon.
Nangangahulugan ito na komportable ka sa iyong sekswalidad.
Posible lamang ang lahat kapag may kumpiyansa sa iyong sarili at sa iyong ginagawa—kung ano ang dapat maramdaman ng lahat pagdating sa pagtalik! Kung nababahala ka sa itsura ng iyong katawan, o kung “tama” ba ang ginagawa mo, malamang na magkakaroon talaga ng katahimikan. Ngunit kung may pag-iingay na nagaganap, nangangahulugan na mabuti ang lahat.
Ang pagtalik ay hindi dapat napupuno ng pag-aalala, kawalan ng kapanatagan, o pag-iisip kung ano dapat mangyayari. Sa halip, dapat tungkol ito sa sandali, at sa kasiyahan at kagalakan. Tulad ng iba pang mga pandama, ang tunog ay maaaring maglaro ng isang malaking bahagi sa mga karanasang sekswal. Kaya bakit ipagdadamot sa sarili o sa kasosyo ang anumang kasiyahan? Kung ang pag-ingay ay bago lamang sa iyo, gawin ito nang dahan-dahan; magsimula sa paghinga, gumalaw sa mga tunog, at sa wakas ay magdagdag ng paglambing at pag-usap pagkatapos ng pagtalik. Walang pagmamadali at walang mga patakaran—ito ay tungkol sa kung ano ang nagpapasaya sa iyo.
Pinagmulan:
https://www.pleasuremechanics.com/
https://www.huffpost.com/entry/sounds-during-sex_b_9323758