fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Limang Nakamamanghang Katotohan Tungkol sa Sex!

Ang pakikipagtalik, sa kaalaman ng karamihan, ay masaya at kaaya-ayang gawin nang may kapareha o kahit mag-isa lamang.

Pero ang pakikipagtalik ay higit pa sa lukut-lukot at basang kumot, maingay at maligayang mga ungol, at pagsasama ng dalawang katawan. Mayroon pang iba rito!

Alamin pa natin ang mga kamangha-manghang katotohanan tungkol sa sex!

Nakakabawas ito ng Stress

Pagod dahil sa stress? Isang sesyon ng pakikipagtalik lang ang katapat niyan. Ayon sa pag-aaral ng Biological Perspective, ang mga taong nakipag-vaginal intercourse bago gumawa ng nakakapagod na gawain ay may mas mababang lebel ng stress kumpara sa mga hindi gumawa nito o nagbati lamang.

Ang karaniwang pagtatalik ay may 100-500 na pagbayo

Oo, may pangkaraniwang dami ng pagbayo ang isang sesyon ng pakikipagtalik, tulad na lamang ng may ilang dami ng pagdila bago maubos ang lollipop. Ayon sa pag-aaral ng Royal Society Open Science, nasa 100-500 na pagbayo ang nangyayari kada pagtatalik.

Kaya sa susunod na tatanungin ka kung gaano ka tumatagal sa kama, pabiro mong sabihin na mga 500 na pagbayo lang naman.

Ang sperm ay may bilis na 7 pulgada kada oras

Alam natin na magagaling lumangoy ang mga sperm. Pero alam mo ba kung gaano sila kabilis? Ang sperm ng tao ay may todong bilis na 7 pulgada kada oras, iyan ay kapag walang tulong galing sa katawan.

Pero hindi naman ibig sabihin nito ay kailangan ng isang oras ng sperm upang maabot ang itlog ng babae. Maraming pag-aaral ang nagpatunay na may mga sperm na kayang maabot ang itlog matapos ang ilang minuto pagkatapos nitong makapasok sa ari ng babae.

Nakabubuti sa puso ang pagtatalik

Bumibilis ang tibok ng puso mo tuwing nakikipagtalik dahil sa pagkasabik at ligaya, pero hindi lang pala ito nagtatapos dito. Ayon sa pag-aaral ng Journal of Epidemiology and Community Health, ang madalas na pakikipagtalik ay nagreresulta sa mas mababang tsansa ng pagkamatay sa atake sa puso. Ayon sa pag-aaral, mas kaunti ang tsansa ng mga lalaking nakikipagtalik nang dalawa o higit pang beses kada linggo kaysa sa mga lalaking may mas kaunting bilang ng pakikipagtalik.

Nakakabawas ng tsansa ng cancer

Maraming pag-aaral ang nagsasabing nakakabawas ng tsansa ng prostate cancer ang madalas na pakikipagtalik. Sa pag-aaral ng BJU International, ang mga may edad na lalaki na madalas nakikipagtalik o kahit nagbabati lang ay may mas mababang tsansa na makakuha nito. Ayon din sa Journal of the American Medical Association, ang mga lalaking nasa edad 20 pataas na may madalas na pagbulalas ay may mas kaunting tsansang magkaroon ng prostate cancer.


Pero, ang pinakaimportanteng dapat malaman ay ang ligtas na pakikipagtalik. Ang paggamit ng condom at iba pang kontrasepsyon, at pag-aalaga sa mga pangangailangan mo at ng iyong kapareha ay ang susi sa mas masayang relasyon. Magbasa pa tungkol sa safe sex dito.

May alam ka pa bang nakakamanghang katotohanan tungkol sa pakikipagtalik? I-comment mo na dito!

Sources:

https://www.health.com/sex/weird-sex-facts

https://www.healthline.com/health/surprising-facts-about-sex

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon