fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Limang Payo Para sa Mga Lalaki Upang Gumaling sa Kama

Maraming mga lalaki ang gustong mapasaya ang kanilang kapareha sa kama. Gusto nilang mapanatiling masaya ang kanilang kapareha, maging ito ma’y tungkol sa pagsubok ng mga bagong bagay o lampasan ang kanilang limitasyon.

Bagaman maraming mabibiling pills na pampasigla sa mga botika para sa mabilisang epekto, may mga pwedeng gawin ang mga lalaki upang mas gumaling ang perpormans nila sa kama na ang epekto ay pangmatagalan o di kaya’y panghabang-buhay.

Ito ang ilang payo upang gumaling sa kama:

Payo #1 Maging mas aktibo

Ang pagpapawis at page-ehersisyo ay maraming magandang dulot sa iyong libido o libog. Kahit na malakas din magpapapawis ang pakikipagtalik, ang araw-araw na ehersisyo ay magpapatibay ng iyong katawan at buhay.

Hindi ibig sabihin ay dapat ka nang pumunta sa gym at doon mag-ehersisyo. Isang 30 minutong jogging o ang paglalaro ng aktibong sports tulad ng basketball o volleyball ay sapat na.

Payo #2 Kumain ng mas madaming prutas at gulay

Ang pagkain ng gulay at prutas ay makakatulong sa iyong pangkalahatang kalusugan. Pero para sa iyong sekswal na buhay, ang pagkain ng prutas o gulay na maganda sa daloy ng dugo ay mas kinakailangan.

Halimbawa, ang sibuyas at bawang ay maganda sa daloy ng dugo, pero nakakabaho ito ng hininga, kaya alagaan mo din ang iyong bibig. Ang mga saging ay may mga magagandang nutrisyon na nakakababa ng presyon ng dugo at dagdagan ang iyong sekswal na perpormans.

Payo #3 Bawasan ang Stress at Pagkabalisa

Ang stress at pagkabalisa sa iyong perpormans ay maaaring magdulot ng hindi masayang pagtatalik. Ang pagbabawas nito ay malaking tulong sa iyong libido.

Maaaring makatulong sa pagbabawas ng stress ang pag-ehersisyo. Ang pakikipag-usap din sa iyong kapareha ay malaking tulong upang mabawasan ang iyong stress.

Para sa pagkabalisa sa perpormans, mabuting magsimula ng dahan-dahan sa pamamagitan ng foreplay at iba pang mga bagay na makakapagbigay sa’yo ng kumpiyansa bago pasukin ang kanyang kweba.

Payo #4 Magbati upang mas tumagal

Ang pagbabati (masturbasyon) ay may malaking tulong sa pagkakaroon ng tibay sa kama. Makakatulong ito upang makontrol mo at ma-praktis ang iyong mga orgasmo upang maiwasan ang maagang ejaculation o pagbulalas. Tuwing nagsasanay, pigilin ito habang iniisip na ginagawa niyo ito ng iyong kapareha upang maiwasan ang maagang ejaculation.

Payo #5 Bantayan ang mga matagal ng sakit

Kung may mga matagal ka nang mga sakit tulad ng erectile dysfunction o diabetes, mabuting ipatingin ito sa iyong doktor upang malaman kung paano ang paggamot dito o kung paano pangasiwaan ito nang mabuti. 

Kapag nabigyan ng tuonang pansin ang mga sakit na ito, malaki ang maitutulong nito sa iyong sekswal na perpormans.

Kung may nararamdaman ka namang hindi normal, mabuti ring ikonsulta sa iyong doktor upang malaman ang tunay mong kalagayan at mabigyan ka ng karampatang paggagamot.

Pinagmulan:

https://www.healthline.com/health/male-sexual-performance

https://www.medicalnewstoday.com/articles/322338#Outlook

https://www.forhims.com/blog/boost-sexual-performance

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon