fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Lip Lovin’: Pagpapahalaga sa iyong Ari

Female genitals

Ang mga vulva, panlabas na parte ng iyong ari, at lahat ng iba pang bahagi nito ay bukod tangi. Iba-iba ang mga sukat, hugis, kulay, pati na rin amoy.

Maraming babae ang nagtataka kung normal ba ang kanilang ari. Sa katunayan, wala naman talagang “normal” na ari. Kung itsura ang pinag-uusapan, karaniwang ang labia (o “vaginal lips”) ang tinutukoy ng mga babae at iyan ang nagbibigay ng natatanging itsura ng ari. Ang mga labia ay hindi lamang para sa itsura; may malaking parte ang mga ito sa kalusugang sekswal at reproduktibo.

Mga kayang gawin ng labia mo

Ang labia majora ay ang mga malaman na panlabas na labi ng iyong vulva, habang ang labia minora ay ang mga panloob na labi na patungo sa bukasan ng puwerta.

Ang mga panloob at panlabas na labia ay pinipigilan ang mga bacteria na makapasok sa puwerta, at nakadadagdag sa sensasyong nararamdaman sa mga sekswal na aktibidad.

Parehong namamaga at nagiging mas sensitibo ang mga panloob at panlabas na mga labia kapag sexually aroused, na pinagmumulan ng sensasyong sekswal. May mga sebaceous glands sa mga panloob na labia para sa karagdagang lubrikasyon habang nakikipagtalik.

Anong itsura mo?

Ang natatanging normal sa mga labiaay ang pagiging normal na iba-iba ang itsura nito sa iba’t ibang tao!

May iba na ang kanilang mga panloob na labia ay mas mahaba kaysa sa mga panlabas na labia, habang sa iba naman, ang kanilang panlabas na labia ay malaman at mas litaw — pwede rin naman na ang mga bahagi ng panloob o panlabas na labia ay hindi pantay.

Nagkakaroon ng pagkakaiba-iba dahil iba-iba rin ang ating mga genes na minamana mula sa mga biyolohikal na magulang. Hindi natin mapipili kung anong magiging itsura at kulay ng ating ari.

Narinig mo na rin siguro ang paniniwala na ang mga babaeng mas litaw ang panloob na labia ay sexually active. Hindi ito makatotohanan dahil walang kinalaman ang itsura ng iyong ari sa iyong sex life o halaga bilang babae. Umiwas sa mga taong wala namang labia pero maraming nasasabing di naman totoo ukol dito!

Iyong tunay na kulay

Karaniwang mas maitim ang mga panloob at panlabas na labia kaysa sa mga parteng nakapalibot dito. May ilan na mamink-mink o may pagkalila ang mga labia, at ang iba naman ay may pagkakayumanggi o mamula-mula. Lahat nito ay normal, at walang iisang katampatang kulay.


Mapapansin mo rin na ang clitoris at panloob na labia ay nangingitim kapag ika’y nakakaramdam ng pagkapukaw na sekswal, at dahil ito sa pagdami ng daloy ng dugo sa ari. Kapag ika’y nag-orgasmo na o hindi na napukaw, babalik rin ang mga ito sa karaniwang kulay.

Huwag mag-alala kung biglang nagbago ang kulay, karaniwang nararanasan ito ng mga babae. Pero kung nakapansin ng mga sintomas tulad ng pangangati, pamamaga, at kakaibang amoy o discharge, oras nang ikonsulta ito sa doktor.

Mga pinagmulan:

https://www.scarleteen.com/article/advice/giveem_some_lip_labia_that_clearly_aint_minor

https://www.healthline.com/health/womens-health/lopsided-vagina

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon