fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Makating Itlog: Karumihan o May Medikal na Dahilan?

Nangangati ba ang mga bayag mo? Maaari hindi ito nakakabahala agad pero ito’y pwedeng senyales ng malalang problema o kinakailangan mo nang magpalit ng briefs.

Ang problemang ito ay hindi bihira, kung saan ang pang-araw-araw na gawain ay maaaring magdulot nito. Ito ay maaaring isawalang-bahala, kahit na gaano pa ito nakakairita.

Pero hindi pa rin mawawala na maaari itong sintomas ng posibleng sexually transmitted infection (STI) o iba pang kumplikasyon.

Tingnan natin ang mga posibleng dahilan ng makating bayag.

Mababang Kalinisan

Ang pawis ay maaaring magdulot ng pagkati, lalo na kung ika’y gumawa ng pisikal na aktibidad tulad ng pagtakbo, jogging, o mga trabahong manwal. Ang hindi pagpapalit ng underwear (lalo na kung pawisan) ay maaaring magdulot ng pangangati.

Ugaliin ang pagkakaroon ng mas malinis na hygiene sa pamamagitan ng pagligo araw-araw at pagpapalit sa malinis na damit ay malaking bagay upang mabawasan ang tsansa ng pangangati ng ari.

Kung sakaling ang pangangati ay magpatuloy, ilista kung ano pa ang ibang nararamdaman at ipakunsulta sa doktor.

Chafing

Ang chafing ay resulta ng matagalan na kiskisan ng balat sa damit, kadalasan ay resulta ng pangmatagalan na pisikal na aktibidad tulad ng pagtakbo, pagbisikleta, o kahit paglalakad.

Nagreresulta ito ng iritasyon sa apektadong lugar. Makikita ring ang lugar na ito na namumula at kakaibang pakiramdam sa balat. Sa malalang kaso, maaari itong magdulot ng mga maliliit na sugat na may kaunting pagdurugo.

Ang kondisiyong ito ay madaling magamot sa pamamagitan ng pagamit ng losyon o pulbohan ang apektadong lugar. Kung nagsugat, lagyan ng bendahe para maiwasan ang impeksyon iba pang iritasyon at hayaang gumaling ng kusa.

Allergy

Ang pangangati ng iyong bayag ay maaaring mula sa allergy na marahil ay hindi mo alam na mayroon ka o hindi mo lang napansin. Maaari itong galing sa iyong sabon, losyon, o iba pang ginagamit mo sa balat. Maaari ring sa damit mo o underwear.

Subukang tingnan ang mga ginamit na materyales o ingredients ng mga ginagamit mo sa balat mo o maghanap ng kapalit na damit. Kung magpapatuloy ang pangangati, ipatingin na sa doktor o medikal na eksperto.

Hadhad

Isa ito sa mga madalas na dahilan kung bakit makati ang bayag. Ang hadhad ay mula sa isang fungi na nabubuhay sa mga mabasa-basang lugar tulad ng ari, puwit, singit, at pagitan ng puwit.

Ang hadhad ay madaling magamot ng mga nabibiling antifungal cream sa mga botika. Ngunit, kung nagpatuloy ang pangangati pagkatapos gumamit nito, ipakunsulta na sa doktor.

Candidiasis

Ang kondisiyong ito ay isa sa mga madalas na impeksyong fungal na maaaring mangyari sa iyong ari. Ito ay galing sa “candida fungi”, isang uri ng fungi na nakatira sa intestine ng tao.

Kapag ang fungi na ito ay nawalan ng kontrol, ito ang nagiging dahilan ng candidiasis. Para sa mga babae, ito rin ay nagdudulot ng “yeast infection”, kaya siguradong makati ito kapag naipasa sa bayag ng lalaki. Mas mabuting magpakunsulta sa doktor upang mabigyan ng karampatang gamot.

Kuto sa bulbol o crabs

Ang kuto sa bulbol (o mas kilala bilang crabs) ay ang mala-abong kuto na tumitira sa buhok sa ari, sa palibot ng ari, at iba pang magaspang na buhok sa katawan.

Ito ay naipapasa sa pakikipagtalik o ang paggamit ng mga kagamitang kontaminado nito tulad ng tuwalya at briefs.

Madali itong magamot ng mga nabibiling pangtanggal ng kuto sa botika o mga gamot na preskripsyon ng doktor. Kakailanganin mo pa ring suklayin paalis o kalbuhin ang iyong bulbol upang maalis ang mga patay na kuto at ipagawa rin ito sa iyong kapareha.

Kulugo sa ari

Ang kulugo sa ari ay isang sexually transmitted disease na madalas ay dahil sa human papillomavirus (HPV). Madalas itong nakikita sa paligid ng ari at sa singit.

Ang mga kulugong ito ay nagdudulot ng pangangati. Ito rin ay maaaring masyadong maliliit at maaaring hindi mo mapansin kahit itong kumalat at dumami na.

Maaari itong magamot ng mga ointment na sasabihin ng iyong doktor, kaya ipakunsulta ang mga ito para makakuha ng preskripsyon.

Gonorrhea

Ang gonorrhea ay isa sa mga kilala at madalas na sexually transmitted infection at maaaring magdulot ng pangangati at pamamaga ng iyong bayag. Maaari rin itong kumalat sa bibig, lalamunan, puwit, at iba pang parte ng ari.

Isa pa sa sintomas nito ay ang sakit o parang nasusunog na pakiramdam kapag umiihi, ibang kulay na inilalabas ng ari, at pananakit ng bayag (lalo na kung paisa-isa).

Mapapagaling ito ng mga gamot na kailangan ng preskripsyon, pero dapat ay maipagamot ito agad upang maiwasan ang permamenteng pinsala tulad ng pagkabaog.

Chlamydia

Ang chlamydia ay isa ring madalas na sexually transmitted infection na naipapasa sa pakikipagtalik ng walang proteksyon. Ito ay dinudulot ng bacterial infection.

Maaari nitong gawing namamaga at makati ang bayag ng lalaki, pati na rin pananakit ng ari kapag umiihi, kakaibang kulay na inilalabas ng ari, at pagdurugo o pagtulo ng likido ng puwit.

Ang impeksyong ito ay mapapagaling ng mga tamang gamot. Kumunsulta sa iyong doktor upang maibigay ang tamang gamot. Sa kasamang palad, habang ginagamot ito ay inaabisuhang huwag muna makipagtalik ang pasyente ng isang linggo o higit pa.

Trichonomiasis

Trichonomiasis o trich ay isang sexually transmitted infection na idinidulot ng bacteria na tinatawag na “trichomonas vaginalis”. Kahit na mas madalas sa mga babae, ang impeksyon na ito ay maaaring maipasa sa hindi protektadong pakikipagtalik.

Nagdudulot ito ng pamamaga at iritasyon sa parte na may impeksyon. Ito rin ay nagdudulot ng pangangati ng loob ng ari ng lalaki, kakaibang kulay na likidong inilalabas, at sakit kapag umiihi o nilalabasan.

Sa ilang mga paggagamot, pwede itong mapagaling. Kakailanganin mong ipakunsulta sa iyong doktor ito upang mabigyan ng karampatang gamot. Hindi ka rin makikipagtalik ng isang linggo habang ginagamot ito.

Herpes

Ang herpes ay isang pangkaraniwang uri ng sexually transmitted disease na maaaring maipasa sa pamamagitan ng hindi protektadong pakikipagtalik o sa pagdikit sa balat.

Kaya nitong gawing napakakati ang ari at ang bayag. Maaari rin itong magdulot ng pagkapagod, parang nasusunog na pakiramdam kapag umiihi, at magkaroon ng paltos sa ari.

Para magamot ang herpes, kinakailangan nito ng mga gamot na inirereseta ng doktor. Kahit na gumaling na ito, kakailanganin pa rin ng pangmatagalan na paggagamot upang maiwasan ang paglala nito.

Scabies

Scabies ay isang impeksyon na dinudulot mga maliliit na insektong “Sarcoptes scabiei”. Maaari itong makuha kung didikit ka sa taong mayroon nito.

Maaari itong magdulot ng pangangati at pagpapantal, hindi lamang sa iyong ari, pati na rin sa parte ng katawan na dadapuan nito. Aktibo rin ang mga ito tuwing gabi, kaya asahang lalong mangangati ang mga parteng apektado nito sa ganitong oras.

Ang mga doktor ay maaari kang resetahan ng ointment, losyon, o cream upang gamutin ito. 

Konklusyon

Ang pagkakaroon ng kalinisan sa katawan ay malaking bagay upang maiwasan ang pangangati ng bayag, lalo na sa mga lalaking laging may ginagawang pisikal o trabaho nang pangmatagalan, tulad ng mga atleta at bodybuilder.

Magandang ideya rin na binabantayan ang sariling sekswal na kalusugan. Bantayan ang mga naging kapareha sa pakikipagtalik at ipakunsulta agad sa doktor kung ano man ang nararamdamang kakaiba.

Pinagmulan:

https://www.healthline.com/health/itchy-balls#treatments

https://www.menshealth.com/health/a19536913/itchy-crotch/

https://www.medicalnewstoday.com/articles/319086.php#treatment

Please follow and like us:

33 thoughts on “Makating Itlog: Karumihan o May Medikal na Dahilan?

  1. doc nag try po ako gumamit ng milcu pra mwala ang pagkati ng aking bayag at sa tingin ko po ay effective naman sya,ask ko lg po f ok lg po ba gamitin ito?wala po bang side effects?

    1. Hi Luis! Mabuting ikonsulta niyo ito sa inyong doktor upang makaiwas din sa ibang kumplikasyon na dala ng mga ganitong produkto at malaman mo din ang dahilan ng pangangating nararamdaman mo.

  2. Doc, ano po kayang dahilan ng paglabas ng butlig butlig sa aking bayag. Para silang mga kagat ng lamok at nag kukulay itim kapag natutuyo na

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon