fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Masama Ba Ang Pagbabati?

reproductive health, family planning, sexual arousal, sexual pleasure, masturbation, pagbabati

Tulad ng iba pang nasusulat rito sa “Do It Right!”, marami ang pwedeng maging anyo ng kasiyahang sekswal. Ngunit para sa ilang mga tao, ang unang anyo ng seksuwal na kasiyahan na kanilang nararanasan ay sa pamamagitan ng pagbabati.

Ang pagbabati ay karaniwang tumutukoy sa paghawak, paghimas, at paghaplos sa sariling katawan, kabilang ang mga organong seksuwal, para sa seksuwal na kasiyahan.

Ang pagbabati para sa kapwa lalaki at babae ay malusog, at isa sa mga pinakamahusay na paraan upang maging bihasa tungkol sa iyong seksuwalidad.

Ito rin ay mahalaga upang matuto tayo na pahalagahan ang ating sariling katawan.

Maaari rin itong gamitin bilang praktis upang gumaling sa kama, para sa susunod na kasama mo ang iyong sekswal na partner ay bihasa ka na.

Ang pagbabati ay nakakatulong rin sa ating kakayahan na magkaroon ng orgasmo, nakatutulong na mabawasan ang stress, magkaroon ng pagpapahalaga at positibong imahe sa sarili, at pagbutihin ang seksuwal na kasiyahan.

Ang mga taong may positibong pananaw sa kanilang katawan, pagtatalik, at pagbabati ay mas may pagkakataon na maprotektahan ang kanilang sarili mula sa mga impeksyong naipapasa sa pagtatalik, at hindi napapanahong pagbubuntis.

Ang pag-aaral nang higit pa tungkol sa seksuwal na anatomiya ay makakatulong sa pag-unawa sa pagbabati.

Kahit na may magandang mga benepisyo ito sa iyong sekswal na kalusugan, kailangan mo pa ring obserbahan ang dami ng iyong pagbabati sa isang linggo o araw. Wala mang minumungkahing dami kada araw ang mga klinika, dapat ay may malay pa rin sila sa kung paano ito nakakaapekto sa kanilang buhay.

Kung ikaw ay madalas magbati ngunit nananatiling maayos ang iyong kalusugan at masayang buhay, ituloy mo lang ito. Ngunit, kung ito’s nakakaapekto na ng negatibo sa iyong pamumuhay, sa puntong nakakasama na sa iyong mga relasyon sa ibang tao, kailangan mo ng kumunsulta sa isang “sex therapist”.

Pinagmulan: https://www.plannedparenthood.org/learn/sex-and-relationships/masturbation
https://www.webmd.com/men/guide/male-masturbation-5-things-you-didnt-know#1

Please follow and like us:

18 thoughts on “Masama Ba Ang Pagbabati?

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon