Tulad ng iba pang nasusulat rito sa “Do It Right!”, marami ang pwedeng maging anyo ng kasiyahang sekswal. Ngunit para sa ilang mga tao, ang unang anyo ng seksuwal na kasiyahan na kanilang nararanasan ay sa pamamagitan ng pagbabati.
Ang pagbabati ay karaniwang tumutukoy sa paghawak, paghimas, at paghaplos sa sariling katawan, kabilang ang mga organong seksuwal, para sa seksuwal na kasiyahan.
Ang pagbabati para sa kapwa lalaki at babae ay malusog, at isa sa mga pinakamahusay na paraan upang maging bihasa tungkol sa iyong seksuwalidad.
Ito rin ay mahalaga upang matuto tayo na pahalagahan ang ating sariling katawan.
Maaari rin itong gamitin bilang praktis upang gumaling sa kama, para sa susunod na kasama mo ang iyong sekswal na partner ay bihasa ka na.
Ang pagbabati ay nakakatulong rin sa ating kakayahan na magkaroon ng orgasmo, nakatutulong na mabawasan ang stress, magkaroon ng pagpapahalaga at positibong imahe sa sarili, at pagbutihin ang seksuwal na kasiyahan.
Ang mga taong may positibong pananaw sa kanilang katawan, pagtatalik, at pagbabati ay mas may pagkakataon na maprotektahan ang kanilang sarili mula sa mga impeksyong naipapasa sa pagtatalik, at hindi napapanahong pagbubuntis.
Ang pag-aaral nang higit pa tungkol sa seksuwal na anatomiya ay makakatulong sa pag-unawa sa pagbabati.
Kahit na may magandang mga benepisyo ito sa iyong sekswal na kalusugan, kailangan mo pa ring obserbahan ang dami ng iyong pagbabati sa isang linggo o araw. Wala mang minumungkahing dami kada araw ang mga klinika, dapat ay may malay pa rin sila sa kung paano ito nakakaapekto sa kanilang buhay.
Kung ikaw ay madalas magbati ngunit nananatiling maayos ang iyong kalusugan at masayang buhay, ituloy mo lang ito. Ngunit, kung ito’s nakakaapekto na ng negatibo sa iyong pamumuhay, sa puntong nakakasama na sa iyong mga relasyon sa ibang tao, kailangan mo ng kumunsulta sa isang “sex therapist”.
Pinagmulan: https://www.plannedparenthood.org/learn/sex-and-relationships/masturbation
https://www.webmd.com/men/guide/male-masturbation-5-things-you-didnt-know#1
nakakabaog ba ang masyadong pag babati
Hi Tox1c! Wala pong sapat na pag-aaral na nakakapagdulot ng pagkabaog ang pagbabati.
nakakaliit po ba pag nagbabati habang naliligo?
Hi joseph! Wala pong pag-aaral na makakapagsabing nakakaliit ng ari ang pagbabati.
masama po ba na sumobra sa 5 beses na pagjajakol sa isang araw?
Hi anonymous! Tulad ng nasusulat sa artikulo, wala pong masama sa pagbabati kahit na ilang beses pa ito. Ang importante ay hindi ito nakakaaapekto sa iyong pang-araw-araw na gawain at relasyon sa ibang tao.
Epekto po ba ng sobrang pagbabati ang biglang hindi pagtigas ng ari kapag nagtatalik?
Hi Anonymous! Maaari pong maging dahilan ito dahil sa refractory period na nararanasan ng isang lalaki o ang pagpapahinga ng katawan nila sa mga sekswal na aktibidad pagtapos ng orgasm, lalo na po kung magbabati siya bago kayo magtalik.
Bakit ganon kahit nakakailang beses na ko magbati sa isang araw ang bilis ko pa rin labasan :(((
Hi Erwan! Maaaring nagmamadali ka masyado o kaya’y may iba pang dahilan. Subukang praktisin ang pagpigil ng paglabas ng iyong semilya.
Bakit sumasakit ang itlog kapg sumobra sa pagbabati
Hi Jonjon! Tulad po ng sinabi ninyo, sumobra po ang pagbabati niyo. Ang pananakit ng itlog ay dahil sa katagalan ng dugo sa inyong ari na dapat nakabalik na pagkatapos nang isang ejaculation.
Masama ba ito?
Hi Jerald! Kung ipapagpatuloy ang ganitong gawain, maaari pong makaramdam ng ganitong pananakit nang paulit-ulit. Ang pagkakaroon ng moderasyon sa pagbabati ang sagot para rito.
Bakit may tumubo sa ari ko na maliit na puti parang singaw?
Hi Joseph kaligod! Ang artikulo ay tungkol sa pagbabati, maaari bang sa tingin mo ay dahil ito sa pagbabati mo? Maaari mo itong ipatingin sa iyong doktor upang mas makasiguro sa kung ano ang iyong nararamdaman.
Kapag nag babati ako yung mga ugat ko lumalaki among sulosyon dito?
Hi Unknown Secret! Normal lang po ang pagkakaroon ng malalaking ugat sa iyong ari lalo na kung may ereksyon ka. Ito ay dahil dumadaloy ang dugo mo sa iyong ari upang patigasin ito.