ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

May mga Posisyon bang Makakabawas sa Tsansa ng ‘Di Inaasahang Pagbubuntis?

couple, pregnancy, positions, sex

Hindi natin maikakaila na may mga panahon na sobrang madikit tayo sa ating kapareha, gusto nating mas maging malapit. Kaya napapaisip tayong makipagtalik ng walang proteksyon.

Pero siyempre, guguluhin tayo ng mga posibilidad ng hindi inaasahang pagbubuntis, kaya mapaptanong tayo ng, “May mga posisyon bang makakabawas ng tsansang makabuntis?”

Karamihan ng posisyon ng pagtatalik na may kinalaman sa pagpasok sa ari ng babae ay maaaring humantong sa pagkabuntis. Iyan ay dahil ang sperm cell ay kayang lumangoy sa kahit anong direksyon at hindi napipigilan ng gravity ng mundo kapag nagsimula na ito.

Kapag ang sperm ay nakapasok na sa pwerta ng babae, kahit papaano pa ito nakapasok doon, ipapaubaya mo na lang ito sa tsansa bago may isang maswerteng manlalangoy ang mag-pertilisa sa itlog naghihintay sa uterus ng isang babae. Dagdag pa rito, maaaring may mga sperm cell na kasama sa “precum” ng isang lalaki, ang likas na pampadulas ng ari ng lalaki.

May ilang mga taong naniniwala na ang “cowgirl” o babae sa ibabaw na posisyon o iba pang nakatayong posisyon ay nababawasan ng malaki ang tsansa ng pagkabuntis, ngunit ito ay mali. Tulad nga ng nasabi kanina, kayang lumangoy ng sperm cell sa kahit saang direksyon, kahit pataas.

Sa madaling salita, ang kahit anong hindi protektadong pakikipagtalik sa pwerta ng babae, sa kalaunan, ay maaaring humantong sa pagkabuntis.

Gayunman, ang pakikipagtalik sa pamamagitan ng bibig o puwit ay kailanmang hindi magreresulta sa pagbubuntis dahil walang egg cells na naghihintay sa tumbong o sa bibig (o tiyan kung magpapasiyang lunukin). Ibig sabihin, kung ang lalaki ay makikipagtalik at magpapaputok sa puwit o sa bibig, walang pagbubuntis na mangyayari.

Kaya kung gusto mong makipagtalik ng walang pangamba sa hindi inaasahang pagbubuntis, maaari mo siyang papasukin sa iyong bibig o sa likod na pinto.

Pinagmulan:

https://www.bedsider.org/features/95-um-can-i-get-pregnant-if

https://www.webmd.com/baby/features/truth-about-sexual-positions-getting-pregnant

Do Certain Sex Positions Avoid or Cause Pregnancy?

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon