fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mga Bagay Na Dapat Malaman Tungkol Sa Pag-Aagwat Ng Mga Anak

birth spacing

Mahalaga ang family planning sa buhay ng mga magkapartner, kasal man o live-in.

Kasama sa family planning ang pag-iwas sa hindi planadong pagbubuntis, at pag-aagwat sa pagitan ng mga pagbubuntis ayon sa kagustuhan ng magkapartner.

Tinatawag na close interval ang agwat na anim na buwan hanggang isang taon. Ang agwat naman na limang taon o higit pa ay tinuturing na long interval. Parehong may panganib para sa ilang kondisyon sa kalusugan ang close at long interval.

Ano ang mga panganib?

  • Premature birth
  • Magbalat ang inunan mula sa matres bago pa manganak
  • Mababa ang timbang ng sanggal pagkapanganak
  • Mga congenital disorder
  • Autism
  • Problema sa dami ng likas na gatas ng ina (dahil hindi sapat ang panahon para gumaling ang ina bago pa magbuntis uli)

Wala masyadong panganib kapag magkakalayo ang pagbubuntis, ngunit mas mataas ang tsansa ng preeclampsia at maging obese ang sanggol kapag siya’y tumanda.

Ang preeclampsia ay isang komplikasyon sa pagbubuntis, at naaapektuhan ang perhong ina at sanggol. Ito ay alta presyon, na sinamahan ng problema sa iba pang organo sa katawan, karaniwang sa atay o bato.

Ano ang pinakamabuting agwat sa pagitan ng mga pagbubuntis?

Para mas mababa ang tsansa para sa komplikasyon at iba pang problema sa kalusugan, iminumungkahi ng mga eksperto na 18 hanggang 24 buwan pero hindi lalagpas sa limang taon pagkatapos ng naunang sanggol ang agwat ng susunod na pagbubuntis.

Walang perpektong panahon o ‘perfect timing’ ‘ika nga nila, kahit sa pagbubuntis. Ang pinakamabuting panahon para magkaroon ng anak ay kung kailan parehong handa at parehong hangad ito ng magkapartner. Hindi rin naman lubos na makokontrol kung kailan mabubuntis, pero makakatulong ang paggamit ng kontrasepsyon para mabuti ang kanilang mga desisyon para sa pamilya.

Mga pinagmulan:

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/getting-pregnant/in-depth/family-planning/art-20044072

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon