fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mga Dahilan Kung Bakit Nabubutas ang Condom

Ang mga condom ay dumadaan sa napaka-striktong pagsusuri para masiguro ang kalidad nito. Ito’y upang masiguro na ang bawat piraso ay magagawa ang kanilang tungkulin, ang protektahan ang gagamit nito laban sa pagkahawa sa sexually transmitted infections (STIs) at mapigilan ang hindi inaasahang pagbubuntis.

Pero, may maliit pa ring porsyento na pwedeng mabutas ang condom. Ito ang ilan sa mga kadahilanan nito.

Dahilan #1: Lagayan

Importante ang maayos na lagayan para sa mga condom upang mapanatili ang kalidad nito. Direktang pagkabilad sa araw, pagtatabi nito sa maiinit na kwarto o mga lugar na pwedeng maging sobrang init o sobrang lamig, o pagtatago nito sa wallet o bulsa ay maaaring maging sanhi upang mas madali itong masira. Ang paglalagay din ng condom sa freezer o refrigerator ay hindi ring mapapanatili ang kalidad nito at maaapektuhan lang ang materyal at kundisyon nito.

Itabi ang mga condom sa tuyong lugar at may katamtamang temperatura, at iwasang maibilad ito sa araw.

Dahilan #2: Expiration Date

Oo, ang mga condoms ay may petsa ng pagkawalang bisa nito o expiration date. Madalas itong makikita sa bawat kahon nito at sa bawat balat ng piraso nito. Ang condom na lampas na sa petsa ng pagkawalang-bisa ay hindi na masisiguro ang kalidad, kaya itapon na ang mga ito at huwag nang gamitin.

Palaging tingnan ang mga expiration date ng mga condom bago gamitin.

Dahilan #3: Maling Pampadulas

Ang paggamit ng dagdag na pampadulas (lube o personal lubricants) ay iminumungkahing gamitin kasama ng condom. Pero, ang paggamit ng mga pampadulas na gawa sa langis (oil-based) ay nakakapagparupok ng condom na gawa sa goma, na nagiging dahilan ng pagkasira nito.

Gumamit ng pampadulas na gawa sa tubig (water-based) dahil ito’y hindi lang nakakadagdag ng dulas at ligaya, nababawasan din nito ang tsansang masira ang condom.

Dahilan #4: Pagbubukas gamit ang matatalim na bagay

Minsan ba’y naramdaman mong sobrang nag-init ka at binuksan mo ang iyong condom gamit ang iyong ngipin? Mali iyan. Ang pagbukas ng mga condom gamit ang matatalim na bagay tulad ng iyong ngipin, matalim na kuko, o gunting ay maaaring magdulot ng pagkasira nito kung hindi ka maingat sa pagbubukas.

Madaling buksan ang mga balot ng condom at mabubuksan ito gamit ang iyong mga daliri gamit ang katamtamang lakas lang.

Dahilan #5: Maling paggamit

Ang gabay sa tamang pagsusuot ng condom ay kadalasang nakasulat sa mismong kahon nito. Ang hindi pagsunod sa mga gabay na ito ay maaaring magdulot ng pagkasira ng condom.

Kurutin nang konti ang dulo ng condom para magkaroon ng espasyo para sa iyong semilya, pagkatapos ay irolyo ang condom sa iyong ari hanggang umabot sa dulo – ito ang pinakamadaling paliwanag para dito. Maaari mong basahin ang mas kumpletong gabay dito.

Dahilan #6: Paggamit ng dalawang condom nang sabay (o pag-ulit sa paggamit nito)

Ang paggamit ng dalawang condom nang sabay ay maaaring magdala ng dagdag na problema kaysa solusyon. Ito ay dahil magkakaroon ng mas maraming kiskisan ang dawalang condom na maaaring maging dahilan ng pagkasira nito.

Sapat na ang isa upang maging protektado sa STIs o hindi inaasahang pagbubuntis.

Ang mga condom din ay pang-isahang gamit lamang. Hindi dapat sila uliting gamitin sa pamamagitan ng pagbaliktad o paghugas nito. Ang bawat kahon din ng condom ay kadalasang naglalaman ng tatlong piraso kaya pwedeng kang magtatlong rounds… o higit pa kung may extra ka box ka.

Basahin rin: Ano ang dapat gawin kapag nasira ang condom?

Pinanggalingan:

https://www.bedsider.org/features/660-how-to-avoid-6-common-condom-problems

https://www.healthline.com/health/healthy-sex/can-condoms-break-without-you-knowing

https://www.plannedparenthood.org/learn/teens/ask-experts/how-often-do-condoms-break

Why do my Condoms Break

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon