fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Iregular Na Siklo Ng Regla

Walang dapat ikabahala kung ang iyong siklo ng regla ay hindi regular paminsan-minsan. Ngunit alam mo ba kung kailan dapat mag-alala at maging mapagmatiyag?

Ang siklo ng regla ay hindi parating palagian tulad ng orasan. Ang ilang babae ay nireregla nang ayon sa iskedyul na tuwing 28 na araw, habang ang iba ay nahihirapan tantiyahin kung kailan sila rereglahin. Ang mga iregular na siklo ay karaniwang hindi dapat nakakabahala, ngunit minsan senyales na ito na mayroon kang problema sa kalusugang reproduktibo.

Ano ang itinuturing na iregular?

Ang karaniwang siklo ng regla ay tumatagal ng 28 araw, ngunit maaari rin itong mag-iba mula 21 hanggang 35 araw. Ang iregular na pagregla ay karaniwang nangyayari lalo na kung ang mga batang babae ay nagsisimulang reglahin pagkatapos ng pagdadalaga, ngunit ang kanilang mga siklo sa kalaunan ay nagiging mas regular at mas madaling tantiyahin habang tumatanda sila. Ang pagregla ay karaniwang tumatagal ng limang araw, ngunit maaaring magtagal mula dalawa hanggang pitong araw.

Tinuturing iregular ang pagregla kung naganap ito nang mas mababa sa 21 araw o higit sa 35 araw na pagitan, o ang pagdurugo ay tumatagal nang higit sa pitong araw. Ang mga iregular na siklo ay maaari ding matukoy sa pamamagitan ng mga nalaktawan na regla, mas marami o mas kaunting pagdurugo kaysa sa normal, at palagiang pagkakaroon ng bahid ng dugo sa pagitan ng mga regla.

Upang matukoy ang haba ng iyong siklo ng regla, bilangin ang mga araw mula sa huling araw ng iyong nakaraan regla hanggang sa unang araw ng iyong susunod na regla. Ang bilang ng mga araw sa pagitan ng bawat pagregla ay ang haba ng iyong siklo. Pare-pareho ba ang iyong siklo o tila hindi regular? Kung malaki ang pag-iiba ng mga agwat ng iyong mga regla bawat buwan, maaaring mayroon kang iregular na siklo.

Ano nga ba ang mga sanhi ng iregular na siklo?

Ang mga iregular na siklo ay maaaring sanhi ng ilang bagay tulad ng stress o kaya mga hindi nakikitang kondisyong medikal:

  • Pagdadalaga at menopos. Normal na makaranas ng paiba-ibang antas ng mga hormon sa loob ng ilang taon pagkatapos ng pagdadalaga at bago ang menopos. Maaaring sanhi ito ng mas mahaba o mas maikling siklo ng regla, at mas madami o mas kaunting pagdurugo.
  • Kontrasepsyon. Ang mga kontraseptibo ay maaaring makaapekto sa siklo ng regla kapag sinimulan mo ang paggamit ng isang pamamaraan. Ang mga pildoras ay maaaring magsanhi sa mas magaan, iregular, o mas madalas na pagregla, habang ang mga injectable ay minsan maaaring ganap na pahintuin ang ilang babae na magregla habang ginagamit nila ang pamamaraan. Ang tansong IUD kung minsan ay maaaring maging sanhi ng mas mabigat, mas mahahabang pagregla. Ang paghinto ng paggamit ng kontraseptibo ay nakakaapekto rin sa siklo. Ang ilan ay maaaring makaranas ng iregular na pagregla o kaya abutin ng anim na buwan bago bumalik sa regular ang siklo. Mahalagang tandaan na ang mga side effect na ito ay hindi nangyayari sa lahat ng babae, at kadalasan ay tumatagal lamang sa mga unang buwan. Bigyan ang iyong katawan ng sapat na panahon upang umayon sa kontrasepsyon.
  • Pagbubuntis o pagpapasuso. Ang nalaktawan na regla ay maaaring senyales ng pagbubuntis (lalo na kung nagkaroon ng hindi protektadong pagtalik). Maaari ring antalahin ng pagpapasuso ang pagbalik ng regla pagkatapos manganak.
  • Pamumuhay. Ang stress, malaking halaga ng pagtaas o pagbawas ng timbang, diyeta, pagbabago sa mga gawain sa pag-eehersisyo, paglalakbay, sakit, o iba pang pagkagambala sa pang-araw-araw na gawain ng isang babae ay maaaring makaapekto sa pagregla.
  • Polycystic ovary syndrome (PCOS). Kapag ang isang babae ay may PCOS, ang mga obaryo (ovary) ay gumagawa ng labis na halaga ng mga androgen (isang panlalaking hormon) at nagreresulta sa pagbuo ng maliliit na mga cyst sa mga obaryo. Ang mga pagbabago sa hormon ay pumipigil sa mga selulang itlog mula sa paghinog, na nakakasagabal sa regular na obulasyon, at nagreresulta sa iregular na pagregla
  • Mga sakit sa teroydeo. Bagaman bihira ang mga ito, maaaring maging sanhi ng iregular na pagregla. Ang thyroid gland ay matatagpuan sa leeg, at gumagawa ito ng mga hormon na nagkokontrol sa metabolismo ng katawan. Ang iregular na pagregla ay nangyayari kapag ang mga antas ng dugo ng teroydeong hormon ay napakababa o napakataas.
  • Iba pang mga sanhi. Bukod sa mga kadahilanan na nabanggit, ang iba pang mga kadahilanan na hindi gaanong karaniwan ay kanser sa matris o serviks, mga gamot tulad ng mga steroid, komplikasyon sa pagbubuntis, sexually transmitted infection (STI), diyabetis, mga fibroid sa matris, o endometriosis.

Ano ang dapat gawin kapag iregular ang siklo ng regla?

Ang mga iregualr na siklo ay kadalasang hindi nangangailangan ng paggamot, ngunit depende ito sa mga pinagbabatayan na mga sanhi. Dapat kang kumunsulta sa iyong tagabigay ng serbisyong pangkalusugan kung:

  • madalas magdugo sa pagitan ng mga regla o pagkatapos ng pagtalik
  • nakakaranas ng matinding pananakit o pangingirot habang nireregla o bago reglahin
  • mabibigat ang pagregla, kung saan kailangan baguhin ang tampon o napkin sa bawat oras o kada dalawang oras, o kailangan gumamit ng parehong napkin at tampon nang sabay
  • nakakaranas ng mabigat na pagdurugo na tumatagos sa kama o damit
  • tumatagal ang regla nang mas mahaba kaysa sa pitong araw
  • ang mga regla ay naging napaka-iregular kahit na regular ang mga siklo dati.
  • Maaaring mangailangan ng ibang kontraseptibo, o ng karagdagang pagsusuri upang malaman kung mayroon kang kakaibang kalagayan sa kalusugan

Kung ang mga iregular na siklo ay nakakaapekto sa iyong pang-araw-araw na gawain, mas mainam na ipakonsulta na ito. Ang iyong siklo ng regla ay maaaring natural na iregular, ngunit posible din na mayroong dahilan na maaaring mangailangan ng atensyong medikal. Kung iyon ang kaso, tamang pagsusuri at paggamot ay maaaring makatulong na maibalik sa regular ang siklo.

Mga pinagmulan: 

http://www.nhs.uk/Conditions/Periods-irregular/Pages/Introduction.aspx

http://www.everydayhealth.com/pms/irregular-periods.aspx

Please follow and like us:

213 thoughts on “Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Iregular Na Siklo Ng Regla

  1. Paano Naman po kapag 7 months na Hindi nireregla?
    It’s because siguro dahil nag gain din po ako Ng weight?
    Ano po bang dapat gawin? I hope mapansin at magsagot.

    1. Hi Angel! Ang weight gain po ay maaaring magsanhi sa pagbabago ng regla gaya ng pagiging irregular. Ngunit, posibleng mayroon ka ring kondisyon na nagsasanhi nito. Isa sa mga karaniwang kondisyon na maaaring magresulta sa pagbabago ng regla ay ang polycystic ovarian syndrome (PCOS). May ibang sintomas pa bang nararanasan? Mainam na magpasuri sa OBGYN para matukoy kung ano ang sanhi ng irregular mens mo at mapayuhan sa angkop na solusyon para sa iyo.

    1. Hi Lorna! Gaya nga po ng inyong nabasa sa artikulong ito, maraming posibleng sanhi ng irregular menstruation at ang tanging paraan para malaman ang talagang sanhi ay ang pagpapasuri sa OBGYN.

  2. Hello po , halos mag 1 1 month na po akong nireregla ang yet malakas pa rin po sya . Bago po ako magkaroon April-May wala po akong regla June nagkaroon po ako July-August wala po and nag karoon po ako ngayung August last week until first week and 2nd week nag stop then meron po ulit ako 3rd week until now po . Ano po ba dapat kung gawin pag ganto po case . Salamat po and sana po mapansin yung concern ko . πŸ™πŸ™

    1. Hi Suzeme! Ang angkop po na solusyon at depende po sa sanhi, at malalaman lang po ang sanhi kapag nagpasuri sa OBGYN. Mainam na magpasuri na sa doktor para masuri at mapayuhan sa angkop na paggamot para sa iyo.

  3. Hi po, ano po bang gamot sa hindi nireregla? Kasi po dati 7months hindi ako niregla, tpos po pag dating nang ilanh araw niregla na po ako, pero last year hanggang ngayon hindi pa po ako ni reregla mag 1year na po, pero sumasakit naman po yung puson ko, pero hindi namn po siya dumadating, ano po ba ang dapat konh gawin? Or dpat kong inomin? Plssss po paki response πŸ˜”

    1. Hi Baby Rose! Maaaring mayroon kang kondisyon na nakakahadlang para sa iyong katawan magregla. Wala pong home remedy para dito, at ang angkop na gamot para sa iyo ay nakadepende kung ano ba ang sanhi ng hindi mo pagregla. Mainam na ikonsulta ito kaagad sa OBGYN para masuri kung may kondisyon ka at mapayuhan ka sa puwedeng lunas para sa iyo.

  4. Hi po meron po ako tanong if Yung regla kopo ay naging 2 times in one month pero irregular ako tapos after non Wala po ako regla Ng isang buwan normal Lang po ba yon 15 years old po

    1. Hi Ann! Tulad nga po ng inyong nabasa sa artikulong ito, maraming posibleng makaapekto sa regla. Kasama rito ang kondisyon, impeksyon, stress, pagbabago sa timbang, biglang pagdiyeta, lifestyle, at iba pa. Wala naman pong malubhang epekto sa kalusugan ang hindi datnan ng regla, maliban na lang kung ang sanhi nito ay isang kondisyon o impeksyon. Kung nababahala at nais malaman ang sanhi, mabuting magkonsulta sa OBGYN ukol dito.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon