fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mga dapat mong malaman tungkol sa pakikipagtalik pagkatapos manganak

What is sex after childbirth like?

Ang mga unang linggo pagkatapos manganak ay ang pinakamahirap na panahon para sa ina, unang panganganak man o hindi. Kinakapa mo pa ang mga pang-araw-araw na gawain, halos bawat minuto ay nakatutok ka sa iyong sanggol, at kulang na kulang ka pa sa tulog.

Halos hindi mo na rin na-iisip ang laguyo at pakikipagtalik sa mga oras na ito — at okay lang ‘yon! Kailangan ng sapat na panahon para gumaling ang katawan, kahit na normal delivery o C-section ang iyong panganganak. At dahil lahat ng iyong atensyon ay napupunta sa iyong anak, mahirap ring makakuha ng pagkakataon na makipagtalik sa iyong partner.

Pero kapag handa ka na, narito ang ilang mga bagay na dapat mong malaman tungkol sa pakikipagtalik pagkatapos manganak.

Kailan ako pwede makipagtalik ulit?

Ang iyong katawan ay dumaan sa iba’t ibang pagbabago. Kaya, kailangan ring bigyan ito ng oras para magpahinga at gumaling.

Wala namang tiyak na bilang ng araw kung kailan ka pwede makipagtalik uli. Ngunit, karamihan ng

mga doktor ay iminumungkahi na maghintay ng apat hanggang anim na linggo pagkatapos manganak.

Kapag sinabihan ka na ng iyong doktor na maaari ka na uli bumalik sa mga aktibidad na sekswal, tandaan na may ilan pang mga bagay na dapat mong isaisip maliban sa paggaling ng katawan.

Naga-aadjust rin kayo sa dagdag na miyembro ng pamilya, sa pabago-bagong iskedyul o kakulangan ng tulog, at sa mga pagbabago sa pang-araw-araw na gawain. Kaya hindi rin naman kailangan magmadali na makipagtalik uli.

Paano naaapektuhan ng panganganak ang karanasan ng pakikipagtalik?

Kumpara sa dati, iba ang iyong magiging karanasan ng pakikipagtalik sa unang mga tatlong buwan pagkatapos manganak. May ilang mga pagbabago sa una, pero bubuti rin naman ang mga ito habang tumatagal.

Maaaring iba-iba ang karanasan ng bawat babae, kaya hindi tiyak na mailalarawan kung ano ang iyong pwedeng maramdaman. Pero ang ilan sa mga karaniwang problema sa mga unang pagkakataon ay:

  • Pagkatuyo ng pwerta
  • Pananakit
  • Labis na pagkapagod
  • Pagdurugo
  • Mababang sexual desire
  • Pansamantalang kawalan ng pagkalastiko ng vaginal tissue
  • Perineal tear or episiotomy

Ano ang pwede kong gawin para mas ma-enjoy uli ang pakikipagtalik?

Pwede pa rin naman magkaroon ng masayang sex life pagkatapos manganak. Pero kahit na sinabi na ng doktor na maaari kang makipagtalik uli, dahan-dahanin mo lang at huwag madaliin ito — baka lalong mapatagal lang ang iyong paggaling.

Narito ang ilang payo para gawing mas komportable para sa’yo ang pakikipagtalik:

  • Patagalin ang foreplay. Mas maraming oras at istimulasyon ang kailangan ng iyong pwerta para lumikha ito ng sapat na lubrikasyon.

Gumamit ng lubricant. Napakalaking tulong nito para sa vaginal dryness habang nag-aadjust pa ang mga antas ng hormones. Gumamit ng water-based lubricant tulad ng EZ Lubricating Jelly. Mainam ito sa mga sensitibo ang balat at sa paggamit ng condom.

Mag-Kegel exercises. Mga simpleng ehersisyo ito na nakakatulong pabutihin ang daloy ng dugo at ibalik ang lakas ng mga pelvic floor muscles.

Hanapin ang tamang posisyon. May posibilidad na ang mga posisyon na na-eenjoy mo dati ay hindi komportable pagkatapos manganak. Sumubok ng iba’t ibang posisyon para mahanap kung alin ang komportable para sa iyo.

Kausapin ang iyong partner. Iba man ang karanasan ng pakikipagtalik pagkatapos manganak, pero ‘di naman ito masama palagi o panghabambuhay. Pwede pa rin maging masaya at nakakasabik ang iyong sex life, pero dapat bukas kayo ng iyong partner na pag-usapan kung ano ang komportable at ‘di komportable. Tandaan na ang pakikipagtalik ay dapat masaya at nakalulugod. Hindi mo dapat tinitiis ang anumang sakit.

Gaano kabilis akong pwedeng mabuntis uli?

Pwede kang mabuntis nang mas maaga kaysa sa iyong inaasahan. Ayon sa isang saliksik, ang mga ina na hindi nagpapasuso ay nakaranas na ng obulasyon sa ika-anim na linggo pagkatapos manganak — may iba naman na mas maaga pa.

Ang mga hormonal benefits ng pagpapasuso ay maaaring magsilbi bilang “natural” na kontrasepsyon (na tinatawag na lactation amenorrhea method) para sa mga ina na wala pang anim na buwan mula nung nanganak, exclusively breastfeeding, at hindi pa nireregla.

Ngunit, 1 sa 4 na ina lamang ang nakakagawa ng LAM nang tama. Ibig sabihin nito na mataas pa rin ang tsansa na mabuntis kahit na nagpapasuso.

Gumamit ng postpartum contraception

Kung nais makipagtalik pero hindi pa handa na mabuntis uli, iminumungkahi na gumamit ng mabisang kontraseptibo

Ang ilan sa mga kontraseptibo na inirerekumenda sa mga nagpapasusong ina ay mga condoms, progestin-only pills, at postpartum IUD. Hingin ang payo ng iyong doktor kung nais mo gumamit ng postpartum contraception.

Pag-isipan ang pag-aagwat ng pagbubuntis

Kapag masyadong maagang nabuntis uli pagkatapos manganak, tumataas ang panganib para sa ilang komplikasyon tulad ng mga birth defects at premature birth. Iminumungkahi ng isang saliksik na dapat 18 hanggang 24 buwan pero hindi lalampas ng limang taon pagkatapos ng live birth, kung nais magbuntis muli.

Kung pinag-iisipan na magkaroon ng isa pang baby, kumonsulta sa iyong doktor para mapayuhan ka base sa iyong kalusugan at medikal na kasaysayan.

Mga pinagmulan:

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/labor-and-delivery/in-depth/sex-after-pregnancy/art-20045669

https://www.lauvette.ph/health/sex-after-giving-birth-when-can-you-have-sexcapades-again/

https://www.healthline.com/health/pregnancy/sex-after-birth

https://www.whattoexpect.com/first-year/postpartum-health-and-care/sex-after-birth/

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon