fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mga Hindi Dapat Sabihin ng Lalaki Pagkatapos Makipagtalik

Katabi mo ang iyong kapareha na nagpapahinga pagkatapos nyong magtalik, at dinadamdam ang mga sandali ng inyong intimasyon.

Ang katahimikan sa inyong dalawa habang kayo’y nagpapahinga ay maaaring mag-udyok sa iyo ng pagsasabi ng hindi kanais-nais pakinggan at masira ang sandaling inyong pinagsasamahan.

Ito ang ilan sa mga dapat mong iwasang sabihin pagkatapos makipagtalik:

“Higit iyon sa aking inaasahan”

Tunog man itong pagpupuri, pero maaari rin itong mangahulugang “mababa lang ang inaasahan ko pero nalampasan mo ito.” Oo, maaaring masabing papuri ito, pero subukang sabihin ito sa paraang may kaunting romansa at lambing.

“Nagustuhan mo ba iyon?”

Kapag tinanong mo ang tanong na ito, magmumukhang hindi mo binigyan ng atensyon ang iyong kapareha. Ang kaniyang paghinga, pag-ungol, pagkilos, at ekspresyon ng mukha ay mga senyales sa kung anong naramdaman nya habang nakikipagtalik sayo.

Maging kumpiyansa sa nagawa mo sa kama, habang nakatingin sa mukha ng kapareha mong puno ng ligaya. Huwag mong tanungin kung nagustuhan nila, tanungin mo kung gusto pa nila ng pangalawa.

“Nagmamadali ako”

Ang pagmamadaling umalis pagkatapos ng masayang pakikipagtalik o ang pagsasabing may importante kang gagawin kinabukasan ay siguradong makakasakit sa iyong kapareha.

Huwag agad na umalis pagkatapos ng pakikipagtalik upang hindi masira ang inyong relasyon. Bigyan mo pa sya ng oras (mga isang oras o dalawa) at makipaglambingan.

“Salamat”

Mabuting asal ang pagsasabi ng salamat kapag nakatanggap ng bagay na maganda, pero hinding-hindi dapat ito sabihin pagkatapos makipagtalik. Maaaring magtunog transaksyon ang pagtatalik niyo.

Kaysa magsabi ng salamat, subukang magsabi ng nakakakilig na mga salita. Pwede nitong mapawi ang katahimikan at gawing mas nakakakilig ang lambingan.

Ano ang dapat MONG gawin pagkatapos makipagtalik

Kaysa matulog agad, maraming mga gawain ang pwede niyong gawin pagkatapos ng pagtatalik upang mas mapatibay ang inyong relasyon. Ilan sa mga ito ay:

  • Patuloy na pakiligin siya – Kung may gusto pa ipagawa ang kapareha mo pero hindi mo na kaya dahil sa refractory period, maaari mo siyang pasiyahin gamit ang iyong daliri o labi. Ipinapakita nito na may pakialam ka sa nararamdaman ng kapareha mo, kaya dagdag puntos ito sa inyong relasyon.
  • Kausapin ang iyong kapareha – Kahit medyo nakakailang, ang pakikipag-usap sa inyong kapareha pagkatapos ng pagkikipagtalik ay makakatulong upang mas mapaganda ang susunod niyong pagtatalik. Alamin ang nagustuhan nila at sabihin ang nagustuhan mo. Malayo rin ang mararating ng mga papuri mo.
  • Maligo nang sabay – Ang pagligo ng sabay ay isa sa pinakamagandang gawain pagkatapos makipagtalik. Binabawasan nito ang tsansang magkaroon ng impeksyon at ginagawang mas presko ang pagtulog.

Sources:

https://www.nzherald.co.nz/lifestyle/10-things-men-should-and-shouldnt-do-after-sex/RMJ5A4KA6EZ7LSLZJMULVYXWVY/

https://www.askmen.com/sex/sex_tips/worst-things-to-say-after-sex.html

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon