fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mga hindi masyadong sexy na bagay na baka ginagawa niyo, mga sis!

sex mistakes

Tama ang sino mang nagsabi na ang relasyon ay kailangan ng sikap ng magpartner, at ganun na rin pagdating sa sex life! Wala namang perpektong tao, at kahit sa palagay mo mapagmahal kang partner, pwede ka pa ring magkaroon ng mga hindi kaaya-ayang pag-uugali — kahit sa kwarto.

Wala namang tama o maling paraang para makipagtalik basta’t ito’y may pahintulot, pero may ilang bagay na hindi kaaya-aya at mas mainam na iwasan ito. Ito ang mga ugaling dapat baguhin kung nais painitin ang labing-labing at masiguro na ikaw at iyong partner ay nag-e-enjoy.

Pagiging tahimik

Huwag mahiya, sis! Ang komunikasyon, sa loob man o labas ng kwarto, ay mahalaga sa anumang relasyon. Hindi malalaman ng iyong partner kung nasasarapan ka o kung tama ang kanilang ginagawa kapag tahimik at hindi ka gumagalaw. Ang pag-iingay habang nakikipagtalik ay nakakatulong sa iyong partner na malaman kung ano ang gusto mo at kung ika’y komportable at nag-e-enjoy.

Tip: Pwedeng gumamit ng mga salita tulad ng “yes,” o “gusto ko ‘yan,” mga tunog gaya ng pag-ugong o paghinga nang malalim, o mga galaw tulad ng paggiling ng balakang.

Pagiging pasibo

Palagi na lang bang inaasa sa partner na gumawa ng first move? Baguhin mo na ‘yan ngayon! Mas masaya ang labing-labing kapag magkasundo kayo ni partner at pareho kayong nagkukusang pasayahin ang isa’t isa.

Baka isa sa inyo ay may mas mataas na sex drive, pero hindi dapat responsibilidad ng iyong partner lamang ang pagpapasimuno ng labing-labing. Magpahiwatig at subukang magsimula ng susunod niyong labing-labing! Baka magulat ang iyong partner, pero mararamdaman nila na sila’y espesyal.

Tip: Ibulong sa kanya kung gaano mo siya kinasasabikan ngayon o kung ano ang gusto mong gawin sa kanya sa kwarto.

Pagiging makasarili

Ang IYONG orgasmo ay hindi dapat ang tanging layunin. Gaya nga ng sinabi kanina, ang mga relasyon ay kailangan ng sikap ng parehong magpartner, pati na rin sa pakikipagtalik. Dapat magbigay at tumanggap, pero hindi naman kailangan pantay ang lahat ng ginagawa. Baka gusto mo ang oral sex pero hindi mo ito ginagawa sa iyong partner dahil ayaw niya ‘to — okay lang ‘yan basta’t napag-usapan at napagkasunduan niyo.

Makakatulong rin ang pagtatanong sa iyong partner kung ano ang kanyang gusto. Huwag isipin na alam mo na ang lahat ng gusto ng iyong partner, at kung ano ang nagustuhan niya nung nakaraan ay gusto niya pa rin tuwing makikipagtalik. Maging bukas sa mga sasabihin ng iyong partner dahil makakatulong ang mga ‘to na pabutihin ang karanasan ninyong dalawa

Tip: Kung mayroon kayong hindi mapagkasunduan, mabuting pag-usapan niyo ito nang mabuti bago pa ang labing-labing. Pwedeng magkasundo sa isang bagay upangpara pareho pa rin kayong mag-e-enjoy.

Lumilipad ang isip

Minsan ba’y inaabot mo ang teleponopara i-check ito? Ang pagpopokus sa sandali at pag-e-enjoy sa matalik na karanasan kasama ang iyong partner ay makakasiguro na magiging masaya ito. Kapag lumilihis ang mga mata sa telepono, nakakagambala ito sa ritmo at sa sandali, at napaparamdam sa iyong partner na mas interesado ka sa iyong teleponoselpon kaysa sa makipagtalik sa kanya.

Tip: Gumawa ng eksena na malaya sa anumang gambala bago kayo maglabing-labing. Patayin ang telepono (o itago muna ito pansamantala) at i-lock ang pinto, lalo na kung mayroong mga bata. Kapag napapansing lumilipad ang isip habang nasa kama, ibalik ang atensyon sa iyong paghinga o kung paano ka hinahawakan ng iyong partner.

Pagpepeke ng O

Oo naman, ayaw mong masaktan ang damdamin ng iyong partner kaya pinepeke mo na lang ang orgasmo. Pero hindi ito makakatulong na mapabuti ang iyong partner at ang karanasan! Lalo kang mahihirapan maabot ang tunay na orgasmo kung palagi itong pinepeke, at makakaapekto ito sa koneksyon mo sa iyong partner.

Tip: Alamin kung ano ang nakakapukaw at nakakapagpasaya sa iyo, at ipagbigay alam ito sa iyong partner. Pwede mo rin siyang

gabayan habang nakikipagtalik sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang gaya ng “ituloy mo ‘yan,” o “bilisan mo.”

Paulit-ulit ang gawain

Kapag nakaugaliang paulit-ulit at pare-pareho ang ginagawa tuwing nakikipagtalik, nagiging boring na ito kalaunan. Kapag sumunod sa iisang pormula, nawawala na ang sabik at sorpresa sa sex life! Baguhin ang mga gawain at sumubok ng ibang bagay paminsan-minsan.

Tip: Sumubok ng ibang posisyon, magtalik nang ibang oras, o gawin ito sa ibang bahagi ng bahay. Pwede mo ring irekomenda sa iyong partner ang paggamit ng mga sex toys o subukan ang role playing. Maging malikhain!

Hindi sinasabi sa iyong partner kung gaano ka nasiyahan

Proud ang mga partner kapag napasaya nila ang kanilang partner. Gusto nila kapag baliw na baliw ang kanilang partner sa kanila, lalo na pagdating sa kwarto! Masarap sa kanilang pakiramdam kapag pinapaalam sa kanila kung gaano kasaya ang labing-labing, at nakakapagbigay ito sa kanila ng ideya kung ano ang gusto mo sa susunod.

Tip: Kapag tapos na kayo sa kama, pwede kang masabi ng mga bagay gaya ng “ang galing mo ngayon,” o “nababaliw talaga ako kapag [ano ang nagustuhan mo].”

Mga pinagmulan:

https://www.huffpost.com/entry/5-bad-sex-habits-you-must_b_8638826

https://www.thiloyarmay.org/en/ladies-4-signs-that-show-you-are-bad-in-bed/

https://www.webmd.com/sex-relationships/features/signs-bad-lover

https://www.thehealthy.com/sex/never-do-in-bed/

https://www.everydayhealth.com/sexual-health/reasons-you-should-never-fake-orgasm/

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon