fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mga Impeksyon Sa Ari (Ng Babae)

OB GYNE Doctor

Malusog Na Ari

Ang ari (ng babae) ay isang saradong kalamnan na kanal na umaabot mula sa bulba (vulva)—ang panlabas ng ari ng babae—hanggang sa leeg ng matris (uterus), ang serviks (cervix). Ang kalusugan ng ari ay mahalagang bahagi ng pangkalahatang kalusugan ng babae. Ang mga problema sa ari ay maaaring makaapekto sa iyong pagkamayabong, pagnanais makipagtalik, at kakayahang maabot ang orgasmo.

Ang mga ganap na isyu sa kalusugan ng ari ay maaari ring magdulot ng stress, mga problema sa relasyon, at makaapekto sa iyong kumpiyansa sa sarili. Alamin ang mga senyales at sintomas ng mga problema sa ari, at kung ano ang maaari mong gawin upang maprotektahan ang kalusugan. Ang iba’t ibang mga kadahilanan ay maaaring makaapekto sa kalusugan ng iyong ari, kabilang ang:

  • Ang pagtalik nang walang proteksyon ay maaaring magresulta sa pagkuha ng sexually transmitted infection (STI).
  • Ang marahas na pagtatalik o isang pinsala sa pelvic area ay maaaring magresulta sa vaginal trauma, o mga maliliit na sugat sa ari.
  • Mga kondisyon o paggamot. Ang ilang mga kundisyon, tulad ng endometriosis at pelvic inflammatory disease (PID), ay maaaring maging sanhi ng sakit o kirot habang nagtatalik.
  • Ang paggamit ng ilang mga antibiotics ay nakakadaragdag ng panganib magkaroon ng vaginal yeast infection.
  • Mga kontraseptibong pildoras at mga produktong feminine-hygiene wash. Ang mga kontraseptibong barrier, tulad ng mga condom, ay maaaring maging sanhi ng pangangati ng ari sa ibang babae. Ang mga produktong feminine-hygiene wash ay maaaring maging dahilan ng kawalan ng balanse sa antas ng pH ng ari, na mas nagpapadali makakuha ng impeksyon.
  • Pagbubuntis at panganganak. Kung buntis ka, hindi ka rereglahin hanggang maisilang ang iyong sanggol. Sa panahon ng pagbubuntis, madalas marami ang nailalabas na likido ng ari. Karaniwang magkakaroon ng mga sugat sa ari sa panahon ng panganganak. Ang vaginal delivery ay maaari ring bawasan ang lakas at higpit ng kalamnan sa ari.
  • Mga isyung sikolohikal. Ang pagkabalisa at pagkalungkot ay maaaring mag-ambag sa pagkawala ng nais makipagtalik at nagreresulta sa sakit o kirot habang nagtatalik. Mga trauma tulad ng pang-aabuso na sekswal o isang masakit na karanasang sekswal ay maaari ring humantong sa sakit na nauugnay sa pagtalik.
  • Mga antas ng hormon. Ang mga pagbabago sa antas ng mga hormon ay maaaring makaapekto sa ari. Halimbawa, ang produksyon ng estrogen ay bumababa pagkatapos ng menopos at habang nagpapasuso sa sanggol. Ang pagkawala ng estrogen ay maaaring maging sanhi ng manipis na uterine lining, na reresulta sa sakit o kirot habang nagtatalik.

Normal Na Vaginal Discharge

Ang isang malusog na ari ay gumagawa ng mga likido upang linisin at alagaan ang sarili, na katulad ng kung paano nililinis at kinokontrol ng laway ang kapaligiran ng bibig. Ang mga vaginal secretion na ito ay normal na vaginal discharge. Ang anumang pagkagambala sa maselan na balanse ng mga vaginal secretion ay maaaring gawing mas madali para makakuha ng impeksyon sa ari.

Ang normal na vaginal discharge ay may ilang mga layunin: paglilinis at pagbasa-basa sa ari, at pagtulong upang maiwasan at labanan ang mga impeksyon. Bagaman normal na mag-iba ang kulay, pakiramdam, at dami ng mga likido ng ari sa pag-ikot ng siklo ng regla, may ilang mga pagbabago na maaaring senyales na pala ng isang problema.

Nakakatulong malaman ang mga pagkakaiba sa pagitan ng normal at abnormal na discharge ng ari. Ang mga normal na likido ng ari ay kadalasan manipis, malagkit, at nababanat o makapal at malapot, at dapat sila ay malinaw, puti, o off-white ang kulay.

Impeksyon Sa Ari

Ang mga impeksyon sa ari na maaaring makuha sa pagtalik man o hindi, tulad ng candidiasis (yeast infection), bacterial vaginosis, at trichomoniasis, ay karaniwang mga sanhi ng abnormal na vaginal discharge. Mayroon ring ilang mga STI na maaaring magdulot ng mga pagbabago sa vaginal discharge, tulad ng gonorrhea. Kung may napansing anumang mga pagbabago sa iyong vaginal discharge, o sa palagay mo mayroon kang problema, dapat makita ang doktor sa lalong madaling panahon.

Yeast Infection

Ang candidiasis o yeast infection ay maaaring magresulta sa napakaputi at makapal na vaginal discharge, na kahawig ng cottage cheese. Ang yeast infection ay karaniwang hindi nagiging sanhi ng pagkakaroon ng malakas na amoy ng discharge, ngunit maaaring magresulta ito sa matinding pangangati at hapdi sa ari.

vaginal yeast infection
Image: https://www.macphersontcm.com/single-post/2016/06/18/Vaginal-Yeast-Infection-%E2%80%93-How-TCM-can-help

Bacterial Vaginosis

Ang Bacterial Vaginosis (BV) ay maaaring maging sanhi ng manipis at kulay-abo na vaginal discharge, na mayroong hindi kanais-nais, at malansang amoy.

Trichomoniasis

Ang Trichomoniasis, isang karaniwang STI, ay maaaring maging sanhi ng malakas na amoy. Ang vaginal discharge ay maaaring maging dilaw-berde ang kulay, at maging mabula-bula. Ang Trichomoniasis ay madalas ding nagdudulot ng pangangati sa ari, at kirot kapag umiihi.

Trichomonas-vaginitis
Image: https://stdtestingnearme.org/identify-std-discharge-in-men-and-women-based-on-color-odor-and-consistency/

Mga Payo Para Sa Malusog Na Ari

  • Pagkatapos gumamit ng banyo, palaging magpunas mula sa harap patungo sa likod. Maaaring makatulong ito upang maiwasan ang paglipat sa ari ng mga bakterya mula sa rectum.
  • Magsuot ng panty gawa sa cotton sa araw dahil ang iyong ari ay “nakakahinga” sa cotton. Iwasan magsuot ng panty sa gabi.
  • Iwasang magsuot ng masisikip na pantalon, leggings, at swimming suit nang matagal.
  • Baguhin ang iyong sabon panlaba kung sa palagay mo ay maaaring sanhi ng iritasyon sa iyong ari.
  • Ang latex sa condom at pampadulas na ginagamit sa pagtalik ay maaaring maging sanhi ng iritasyon para sa ilang mga babae. Alamin kung saan ka hiyang.
  • Maligo araw-araw at marahan punasan ang ari bago magsuot ng damit.
  • Huwag gumamit ng mga produktong feminine-hygiene wash o iwasan hugasan ang loob ng iyong ari. Maaari itong maging sanhi ng pagkawala ng balanse sa natural na kapaligiran ng ari.
  • Iwasan ang paggamit ng mga feminine-hygiene sprays/washes, tisyu na may pangkulay o pabango, at mga napkin o tampon na may pabango.

Mga pinagmulan:

https://www.everydayhealth.com/news/vaginal-infection-types/

https://www.webmd.com/women/guide/sexual-health-vaginal-infections#1

Please follow and like us:

603 thoughts on “Mga Impeksyon Sa Ari (Ng Babae)

  1. Good eve po.. Bakit po kaya after Ng pagtatalik namin Ng partner ko..ayy kumakati po Yung Ari ko..tapos po after 3 days po sumasakit po Yung puson ko.at pagmatapos akong umiihi ay sumasakit po Yong Ari ko..

    1. Hi Jang! Maaaring sanhi ito ng priksyon at kiskisan sa pagtalik, lalo na sa penetrasyon.Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng iyong mga nararanasan.

  2. hi.magandang araw po.may isa akong anak.4yrs old na po.nagamit po ako ng pills b4..nag stop po ako 1st week lng ng january 2020..so nagkaron pa po ako ng mesns. Jan.17 -19.after po umulit na po sya ng march. tas May na po ulit..until now..as of sept.19 .2020.today,.wala pa rin po..anu po ang dahilan..nangyare lamang po .when i stoped taking pills..

    1. Hi Tina! Kapag tuloy-tuloy at tama ang paginom ng pills, normal pong datnan o hindi datnan ng regla. Wala pong kailangan ikabahala at wala po itong malubhang epekto sa kalusugan.

  3. Good eve po. Concern po ako sa ari ko. Parang may kakaiba po kc, na parang ngaun kulang po nakita to. Dlawa na po anak ko. Ung bunso ko bago kulang po naipanganak march.20.2020../so ngaun 1 yr old and running 6 months na po baby ko. Nag pipils din po ako since nung lumipas isang buwan tapos kung nanganak. So isang taon nadin po ako nag pipills. Every month namn po ako nireregla dati. Pero nagloko po nung month of june 3days lang po regla ko tas ang itim po tas sa next month july 2 days lang po . malinaw po ung dugo. At sa august namn . isang araw lang pero patak lang po. The rest wla na po until now. Sabi nila normal lang daw po hnfi regla sa pills na iniinom ko po na bigay ng center para sa breasthfeeding. Ang nakakabahala para sakin po first day of september. May lumalabas na sakin na kulay puti na mabaho like sa likido ng lalaki ganun po ang amoi. Tapos sa panty ko kailangan nagpapalit po ako lage kc ang baho po pag nag tagal s apanty kumakapal sia tas kulay green. Tas sa mga sumusunod na araw nangangati. Nag huhugas namn ako palage tubig lang wlang sabon lage po ako nag huhugas. Tapos ngaun araw lang na ito. Sep.8 sinubukan ko po tegnan vigina ko dhil nadin sa curiosity ko. Ung sa may butas po sa baba po ung daanan ng ari ng lalaki . normal lang po ba na parang may mga laman sia na mga patulis matutulis na para siang nga triangle na nakakabit sa mga laman balat. Parang hndi ko po kc to napapansin dati . normal lang po ito?

    1. Hi Mirasol! Hindi po normal ang tinutukoy na nakita niyo sa bukasan ng inyong puwerta. Mabuting ipasuri na po ito kaagad sa OBGYN para malaman ang sanhi, at mapayuhan sa angkop na lunas para sa iyo. Sa ngayon po, umiwas muna makipagtalik habang hindi pa nasusuri ng doktor.

  4. Hello po bakit po kaya ganun dati naman po bago kme mag talik ng asawa ko may lumalabas na saking madulas ngayon po kasi wala na.. Tapos khit pkiramdam ko na nilabasan na ko pag hinawakan ko vigina ko tuyong tuyo nmn po

    1. Hi Rhona! Marami pong posibleng magsanhi dito, kasama na ang stress, kakulangan sa iniinom na tubig araw-araw, kakulangan sa foreplay, antas ng mga hormon, edad, at gamot (halimbawa nito ay antibiotics). Mainam na uminom ng maraming tubig araw-araw, magbawas sa stress, at patagalin pa ang foreplay tuwing magtatalik. Baka makatulong rin sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant tulad ng EZ Lubricating Jelly para mas kaaya-aya at suwabe ang pagtatalik.

  5. Hello po . Ask ko lang po . Simula ng magtalik kami mg mr. Ko ung akin po lagi na kumakati at humahapdi kahit isang beses lang kmi mag talik sa akin isang linggo . At paghinahawakan at hinuhugasan ko naman sya ay nangangati na para bang gsto kamuti ko nlng

    1. Hi Lesly! Posibleng kakulangan sa pampadulas ang sanhi ng pananakit habang nagtatalik. Baka makatulong ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para gawing mas swabe at kaaya-aya ang pagtatalik, patagalin ang foreplay, o sumubok ng ibang posisyon. Ang pangangati naman po ay maaaring sanhi ng priksyon at kiskisan tuwing penetrasyon, na puwede ring malunasan ng water-based lubricant.

  6. hello po sana po masagot po. ask ko lang po after ko kase reglahin magkakaron ako ng isang butlig na hindi naman masakit tapos po pag nagnanapkin & panty liner ako nangangati po ako ng sobra. tas after kong reglahin magkakaron ng isang butlig then mawawala po after 1 week or 2 weeks. normal po ba yun? natatakot po kase ako kase po sabi ng doctor sakin nung nag ectopic pregnancy ako tinanggal po yung isang fallopian tube ko kaya kaylangan ko daw po magdouble ingat. nababother po ako ng sobra 🙁

    1. Hi Maria Nica! Marami pong posibleng sanhi ng pagbubutlig, at ang angkop na solusyon para dito ay depende sa sanhi. Mainam na makipag-ugnay sa iyong doktor ukol dito para masuri kung hindi ba ito malubha o kung kailangan ng lunas agad-agad. Siguraduhin rin na palaging malinis ang ari – hugasan ito araw-araw gamit ang maligamgam na tubig, at dahan-dahan dampiin para matuyo bago magsuot ng malinis na panty. Iwasan rin ang matagal at madalas na pagsuot ng masisikip na damit.

  7. Hello po ,ask ko lang po bakit po kaya pagkatapos po namin magtalik tas magpapahinga po ng mga 15mins.pagtayo ko para maghugas my nalabas po na parang tubig siya basta ganon po clear white po kasi siya as in naagos po tlaga siya .

    1. Hi Rain! Ito po ay vaginal discharge, na likas na nililikhang pampadulas ng iyong puwerta para gawing suwabe at kaaya-aya ang pagtatalik. Ito po ay nakakatulong sa pag-iwas ng priksyon at kiskisan na kadalasang nagsasanhi ng pananakit o hapdi. Normal po ito tuwing sexually aroused, at walang kailangan ikabahala.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon