fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mga Impeksyon Sa Ari (Ng Babae)

OB GYNE Doctor

Malusog Na Ari

Ang ari (ng babae) ay isang saradong kalamnan na kanal na umaabot mula sa bulba (vulva)—ang panlabas ng ari ng babae—hanggang sa leeg ng matris (uterus), ang serviks (cervix). Ang kalusugan ng ari ay mahalagang bahagi ng pangkalahatang kalusugan ng babae. Ang mga problema sa ari ay maaaring makaapekto sa iyong pagkamayabong, pagnanais makipagtalik, at kakayahang maabot ang orgasmo.

Ang mga ganap na isyu sa kalusugan ng ari ay maaari ring magdulot ng stress, mga problema sa relasyon, at makaapekto sa iyong kumpiyansa sa sarili. Alamin ang mga senyales at sintomas ng mga problema sa ari, at kung ano ang maaari mong gawin upang maprotektahan ang kalusugan. Ang iba’t ibang mga kadahilanan ay maaaring makaapekto sa kalusugan ng iyong ari, kabilang ang:

  • Ang pagtalik nang walang proteksyon ay maaaring magresulta sa pagkuha ng sexually transmitted infection (STI).
  • Ang marahas na pagtatalik o isang pinsala sa pelvic area ay maaaring magresulta sa vaginal trauma, o mga maliliit na sugat sa ari.
  • Mga kondisyon o paggamot. Ang ilang mga kundisyon, tulad ng endometriosis at pelvic inflammatory disease (PID), ay maaaring maging sanhi ng sakit o kirot habang nagtatalik.
  • Ang paggamit ng ilang mga antibiotics ay nakakadaragdag ng panganib magkaroon ng vaginal yeast infection.
  • Mga kontraseptibong pildoras at mga produktong feminine-hygiene wash. Ang mga kontraseptibong barrier, tulad ng mga condom, ay maaaring maging sanhi ng pangangati ng ari sa ibang babae. Ang mga produktong feminine-hygiene wash ay maaaring maging dahilan ng kawalan ng balanse sa antas ng pH ng ari, na mas nagpapadali makakuha ng impeksyon.
  • Pagbubuntis at panganganak. Kung buntis ka, hindi ka rereglahin hanggang maisilang ang iyong sanggol. Sa panahon ng pagbubuntis, madalas marami ang nailalabas na likido ng ari. Karaniwang magkakaroon ng mga sugat sa ari sa panahon ng panganganak. Ang vaginal delivery ay maaari ring bawasan ang lakas at higpit ng kalamnan sa ari.
  • Mga isyung sikolohikal. Ang pagkabalisa at pagkalungkot ay maaaring mag-ambag sa pagkawala ng nais makipagtalik at nagreresulta sa sakit o kirot habang nagtatalik. Mga trauma tulad ng pang-aabuso na sekswal o isang masakit na karanasang sekswal ay maaari ring humantong sa sakit na nauugnay sa pagtalik.
  • Mga antas ng hormon. Ang mga pagbabago sa antas ng mga hormon ay maaaring makaapekto sa ari. Halimbawa, ang produksyon ng estrogen ay bumababa pagkatapos ng menopos at habang nagpapasuso sa sanggol. Ang pagkawala ng estrogen ay maaaring maging sanhi ng manipis na uterine lining, na reresulta sa sakit o kirot habang nagtatalik.

Normal Na Vaginal Discharge

Ang isang malusog na ari ay gumagawa ng mga likido upang linisin at alagaan ang sarili, na katulad ng kung paano nililinis at kinokontrol ng laway ang kapaligiran ng bibig. Ang mga vaginal secretion na ito ay normal na vaginal discharge. Ang anumang pagkagambala sa maselan na balanse ng mga vaginal secretion ay maaaring gawing mas madali para makakuha ng impeksyon sa ari.

Ang normal na vaginal discharge ay may ilang mga layunin: paglilinis at pagbasa-basa sa ari, at pagtulong upang maiwasan at labanan ang mga impeksyon. Bagaman normal na mag-iba ang kulay, pakiramdam, at dami ng mga likido ng ari sa pag-ikot ng siklo ng regla, may ilang mga pagbabago na maaaring senyales na pala ng isang problema.

Nakakatulong malaman ang mga pagkakaiba sa pagitan ng normal at abnormal na discharge ng ari. Ang mga normal na likido ng ari ay kadalasan manipis, malagkit, at nababanat o makapal at malapot, at dapat sila ay malinaw, puti, o off-white ang kulay.

Impeksyon Sa Ari

Ang mga impeksyon sa ari na maaaring makuha sa pagtalik man o hindi, tulad ng candidiasis (yeast infection), bacterial vaginosis, at trichomoniasis, ay karaniwang mga sanhi ng abnormal na vaginal discharge. Mayroon ring ilang mga STI na maaaring magdulot ng mga pagbabago sa vaginal discharge, tulad ng gonorrhea. Kung may napansing anumang mga pagbabago sa iyong vaginal discharge, o sa palagay mo mayroon kang problema, dapat makita ang doktor sa lalong madaling panahon.

Yeast Infection

Ang candidiasis o yeast infection ay maaaring magresulta sa napakaputi at makapal na vaginal discharge, na kahawig ng cottage cheese. Ang yeast infection ay karaniwang hindi nagiging sanhi ng pagkakaroon ng malakas na amoy ng discharge, ngunit maaaring magresulta ito sa matinding pangangati at hapdi sa ari.

vaginal yeast infection
Image: https://www.macphersontcm.com/single-post/2016/06/18/Vaginal-Yeast-Infection-%E2%80%93-How-TCM-can-help

Bacterial Vaginosis

Ang Bacterial Vaginosis (BV) ay maaaring maging sanhi ng manipis at kulay-abo na vaginal discharge, na mayroong hindi kanais-nais, at malansang amoy.

Trichomoniasis

Ang Trichomoniasis, isang karaniwang STI, ay maaaring maging sanhi ng malakas na amoy. Ang vaginal discharge ay maaaring maging dilaw-berde ang kulay, at maging mabula-bula. Ang Trichomoniasis ay madalas ding nagdudulot ng pangangati sa ari, at kirot kapag umiihi.

Trichomonas-vaginitis
Image: https://stdtestingnearme.org/identify-std-discharge-in-men-and-women-based-on-color-odor-and-consistency/

Mga Payo Para Sa Malusog Na Ari

  • Pagkatapos gumamit ng banyo, palaging magpunas mula sa harap patungo sa likod. Maaaring makatulong ito upang maiwasan ang paglipat sa ari ng mga bakterya mula sa rectum.
  • Magsuot ng panty gawa sa cotton sa araw dahil ang iyong ari ay “nakakahinga” sa cotton. Iwasan magsuot ng panty sa gabi.
  • Iwasang magsuot ng masisikip na pantalon, leggings, at swimming suit nang matagal.
  • Baguhin ang iyong sabon panlaba kung sa palagay mo ay maaaring sanhi ng iritasyon sa iyong ari.
  • Ang latex sa condom at pampadulas na ginagamit sa pagtalik ay maaaring maging sanhi ng iritasyon para sa ilang mga babae. Alamin kung saan ka hiyang.
  • Maligo araw-araw at marahan punasan ang ari bago magsuot ng damit.
  • Huwag gumamit ng mga produktong feminine-hygiene wash o iwasan hugasan ang loob ng iyong ari. Maaari itong maging sanhi ng pagkawala ng balanse sa natural na kapaligiran ng ari.
  • Iwasan ang paggamit ng mga feminine-hygiene sprays/washes, tisyu na may pangkulay o pabango, at mga napkin o tampon na may pabango.

Mga pinagmulan:

https://www.everydayhealth.com/news/vaginal-infection-types/

https://www.webmd.com/women/guide/sexual-health-vaginal-infections#1

Please follow and like us:

603 thoughts on “Mga Impeksyon Sa Ari (Ng Babae)

  1. hi po, ano po bang tawag dun sa nakalawit sa bandang baba ng ari ng babae na itsurang tonsils, mejo namaga po kasi yung akin na makati at mejo masakit pag nakatayo ng tuwid kasi naiipit sya, nahihirapan din ako maglakad dahil dun. Ano po kaya yun at pano mawawala? Salamat.

    1. Hi, Nica! Maraming posibleng sanhi ng iyong nararanasan, gaya ng impeksyon o kondisyon. Doktor lang po ang makakasuri sa inyo at makakapagtukoy kung ano ang tiyak na sanhi. Mabuting makipag-ugnay na kaagad sa OB/GYN ukol dito o magpunta sa malapit na health center para makita ang sanhi at mapayuhan ka kung ano ang angkop na lunas para sa iyong sitwasyon.

  2. hi poh ask ko lang ano pwede gamot sa sobrang pangangati ng loob ng ari ko ilang nah din poh kasi na ganito di ako komportable…salamat poh

    1. Hi, Ced! Hindi po kami maaaring magreseta ng gamot dahil hindi po kami mga doktor. Ang angkop na lunas ay depende sa sanhi, kaya mainam na ikonsulta ito sa malapit na health center.

  3. May nakapa po ako sa may bandang taas ng tingle na parang katulad sa pag may singaw ka sa labi, ano po Kaya pwedeng gawin para mawala to? Pakisagot po samalat,♥️

    1. Hi, Caslie Joyce! Maraming posibleng sanhi ng iyong nararanasan, gaya ng impeksyon o kondisyon. Doktor lang po ang makakasuri sa inyo at makakapagtukoy kung ano ang tiyak na sanhi. Mabuting makipag-ugnay na kaagad sa OB/GYN ukol dito o magpunta sa malapit na health center para makita ang sanhi at mapayuhan ka kung ano ang angkop na lunas para sa iyong sitwasyon.

  4. 3 days na pong namamaga ang right part ng ari ko. before ay nangyayari na ito at ang alam ko po ay pigsa ito kaya hinihintayko lang mahinog at pumutok. Pero ngayon, ay mas masakit at mas malaki ang bukol or maga niya. Mayroon ding maliliit na bukol sa ibang part. Ano po kaya ito?

    1. Hi, Maria! Maraming posibleng sanhi ng iyong nararanasan, gaya ng impeksyon o kondisyon. Doktor lang po ang makakasuri sa inyo at makakapagtukoy kung ano ang tiyak na sanhi. Mabuting makipag-ugnay na kaagad sa OB/GYN ukol dito o magpunta sa malapit na health center para makita ang sanhi at mapayuhan ka kung ano ang angkop na lunas para sa iyong sitwasyon.

  5. Wala naman po akong ibang nararamdaman na masakit talagang nagulat na lang po ako pag tingin ko. May maari po bang gamot dito? Maraming salamat po ulit. Godbless po🙏🙏

  6. Magandang araw po, ask ko lang po about sa green discharge ko nagkaroon po kasi ako nito before ako magkaroon po ng mens then wala na po akong mens but still have a green discharge. First time ko lang po magkaroon ng discharge na kulay na ganto. Sana po ay matulungan nyo ko. Maraming salamat po and Godbless 🙏

  7. Hi po! Help me naman po kung ano itong naranasan ko nitong March 21 po ay nag karoon ako ng regla pero hanggang april 16 po ay meron padin ako april 17 po nawala na at ng mag tatlong araw lang po ay nag talik kami ng asawa ko at may nararamdaman po akong mahapdi na masakit pag nag tatalik kami at pag tapos po namin mag talik mahapdi o makirot po ang pag ihi ko minsan din po kahit di kami nag tatalik ay mahapdi ang pag ihi ko pero minsan po hindi naman mahapdi

    1. Hi, Giezelle! Posibleng kakulangan sa pampadulas ang sanhi ng pananakit habang nagtatalik. Baka makatulong ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para gawing mas swabe at kaaya-aya ang pagtatalik, patagalin ang foreplay, o sumubok ng ibang posisyon. Kung hindi ito nakatulong at nakakaranas ng iba pang sintomas, mabuting makipag-ugnay sa obgyn para masuri kung mayroon bang impeksyon o ibang kondisyon na nagdudulot ng pananakit.

      Mabibili ang EZ Lubricating Jelly sa pangunahing botika at convenience store. Maaari mo rin ito mabili online!
      Lazada: https://www.lazada.com.ph/shop/trust-philippines-1524467118/
      Shopee: https://shopee.ph/trust.premiere.ez

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon