ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mga Kontraseptibo Para Sa Bagong Kasal

Maaari handa ka para maging asawa, ngunit hindi pa handa para maging magulang, at mabuting gumamit ng kontraseptibo upang maiwasan ang hindi planadong pagbubuntis.

1. Tansong IUD

Ang pamamaraang ito ay hindi lamang para sa mga ina; maaari rin itong gamitin ng mga babaeng hindi pa nabubuntis o nanganganak. Ang tansong IUD ay 99 porsyentong epektibo at nangangailangan lamang ng napaka-onting responsibilidad, kaya ito ay maganda para sa mga bagong kasal na laging maraming ginagawa. Sa sandaling matanggal ito, ang pagkamayabong ay naibalik kaagad. Hindi ito gumagamit ng hormon, at maaaring tumagal hanggang sampung taon.

Isang payo: magpalagay ng IUD ilang buwan bago ang kasal upang mabigyan ng oras ang katawan maakma sa pamamaraang ito.

2. Pildoras

Ang mga pildoras ay madaling mabibili sa mga nangungunang botika, at madaling simulan o ihinto ano mang oras. Maaaring mabuntis kaagad kapag tinigil inumin ito. Mabisa nang 99 porsyento kung ginagamit nang tama, at 91 porsyentong  epektibo sa karaniwang paggamit.

3. Implant

Ang implant ay naglalaman lamang ng progestin, at ito ay isang maliit na plastik na may 3.5 sentimetrong haba, at nagbibigay ng hanggang sa tatlong taong proteksyon laban sa pagbubuntis. Ipinapasok ito ng mga doktor sa itaas na bahagi braso, at sa sandaling ito ay naipasok, halos hindi nangangailangan ng anumang responsibilidad mula sa iyo upang ito ay gumana (maliban sa pagbalik sa doktor kapag kailangan na itong palitan, o kapag napagdesisyonan mong ipatanggal). Ito ay higit sa 99 porsyentong epektibo, at madaling mabuntis kapag tinanggal ito.

4. Condom

Ang mga condom ay maaaring hindi nauugnay sa buhay may-asawa, ngunit dapat rin! Kung hindi sigurado kung kailan nais magkaroon ng anak, ang mga condom ay magbibigay sa iyo ng kakayahang pumili, at maaaring gawing mas masaya ang pagtatalik dahil sa mga iba’t ibang amoy at pakiramdam na meron ito.

Pinagmulan:

https://www.brides.com/story/best-birth-control-for-married-couples

Please follow and like us:
error

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon