ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mga Pangunahing Kaalaman Sa Mas Ligtas Na Pagtatalik

Ang mas ligtas na pagtatalik ay nagsisimula sa pag-iisip tungkol sa mga peligro sa pagtatalik at paggawa ng mga desisyon para sa mas ligtas na pagtatalik. Tandaan, kung ano man ang sekswal na aktibidad ang gagawin niyo ng kasosyo mo, kailangang laging magkakasundo at konsensual. Ang mga desisyon tungkol sa pagkakaroon ng mas ligtas na pagtatalik ay kasama ang:

  • Ano ang gagawin mo at hindi mo gagawin.
  • Taas ng panganib na kaya mong ibigay pagdating sa mga STI o pagbubuntis.

Walang uri ng sekswal na aktibidad ang garantisadong 100 porsyentong ligtas: ang mga STI ay hindi laging may mga sintomas, kaya may ilang tao na hindi alam na mayroon na pala sila. Hindi mawawala ang panganib na mabuntis, kahit gumagamit na ng kontraseptibo (nakasalalay ito sa paraang ginagamit, ngunit mababa ang tsansang mangyari).

Hindi lahat ng uri ng aktibidad na sekswal ay may parehong mga panganib. Ang vaginal at anal sex ay ang may pinakamalaking panganib na mahawa o makahawa ng STI, ngunit mas mababa ang posibilidad sa oral sex, at ang mga bagay tulad ng paghalik, sabayang pagbati (mutual masturbation), at ‘dry humping’ ay mas ligtas. Narito ang mga paraan upang gawing mas ligtas ang pagtatalik:

  • Para sa vaginal sex, gumamit ng kontraseptibo at condom.
  • Para sa anal sex, gumamit ng condom at pampadulas na gawa sa tubig.
  • Para sa oral sex, gumamit ng condom upang takpan ang ari ng lalake.
  • Magpasuri para sa mga STI, lalo na kung hindi mo alam ang kondisyon ng kalusugan ng iyong kasosyo.

Ang aktibidad na sekswal ay mayroon ding emosyonal na mga panganib—ito ay hindi lamang pisikal na paggalaw, ngunit isang emosyonal din, kung bakit napakahalaga na makipag-usap sa iyong kasosyo tungkol sa kung ano ang okay at kung ano ang hindi. Mahalaga rin na tanungin ang iyong sarili kung hanggang saan ka handa, kung ano ang gusto mo, at kung ano ang hinahanap mo sa isang sekswal na relasyon.

Pinagmulan:

https://www.plannedparenthood.org/teens/sex/safer-sex#sthash.E2eTz6cp.dpuf

Please follow and like us:
error

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon