fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mga Payo Para Sa Ligtas Na Pagtatalik

safety tips, safe sex

Ang mas ligtas na pagtatalik ay nagsisimula sa pag-iisip tungkol sa mga peligro sa pagtatalik at paggawa ng mga desisyon para sa mas ligtas na pagtatalik. Tandaan, kung ano man ang sekswal na aktibidad ang gagawin niyo ng kasosyo mo, kailangang laging magkakasundo at konsensual. Ang mga desisyon tungkol sa pagkakaroon ng mas ligtas na pagtatalik ay kasama ang:

  • Ano ang gagawin mo at hindi mo gagawin.
  • Taas ng panganib na kaya mong ibigay pagdating sa mga STI o pagbubuntis.

Kung makikipagtalik ka, mayroon lamang isang paraan upang maprotektahan ang iyong sarili laban sa mga sakit na naipapasa sa pakikipagtalik (STIs), at iyon ay sa pamamagitan ng ligtas o protektadong pakikipagtalik. At hindi lamang ito ginagawa paminsan minsan, o kahit kadalasan; ang ligtas na seks ay kailangang ugaliin sa bawat oras.

Walang uri ng sekswal na aktibidad ang garantisadong 100 porsyentong ligtas: ang mga STI ay hindi laging may mga sintomas, kaya may ilang tao na hindi alam na mayroon na pala sila. Hindi mawawala ang panganib na mabuntis, kahit gumagamit na ng kontraseptibo (nakasalalay ito sa paraang ginagamit, ngunit mababa ang tsansang mangyari).

Ang pinakamahusay at pinakamadaling paraan upang maprotektahan ang iyong sarili mula sa mga STI ay ang paggamit ng alinman sa panlalaking condom o pambabaeng condom.

Kung makikipagtalik ka, may iisang paraan lamang upang maprotektahan ang iyong sarili mula sa mga STI, at iyon ay sa pamamagitan ng pagtalik nang ligtas; hindi lamang paminsan-minsan, o kahit na madalas—Ito ay kailangang ugaliin palagi tuwing magtatalik.

Ang pinakamabuti at pinakamadaling paraan upang maprotektahan ang iyong sarili mula sa mga STI ay ang paggamit ng condom.

Maaari ring gumamit ng mga condom bilang proteksyon sa panahon ng oral sex. Mahalaga ito lalo na kung hindi mo alam ang kondisyon ng kalusugan ng iyong kasosyo o kung ikaw ay mayroong iilang kasosyo. Responsibilidad mong protektahan ang iyong sarili, at narito ang ilang mga payo upang matulungan kang manatiling ligtas:

  • Tamang at laging paggamit ng condom kung magva-vaginal at/o anal sex. Ang mga latex na condom ay ang pinakamahusay na proteksyon laban sa mga STI. Ang paggamit ng kaunting pampadulas na gawa sa tubig kasama ang condom ay gagawing mas ligtas at masarap ang pagtatalik!
  • Regular na magpa-checkup at magpasuri para sa mga STI, lalo na kapag mayroong bagong kasosyo o nagkaroon ng maraming mga kasosyo.
  • Limitahan ang bilang ng mga kasosyo. Mas maraming mga kasosyo na mayroon ka, mas malaki ang tsansang makakuha ng STI o magkaroon ng hindi planadong pagbubuntis. Kung mayroon kang higit sa isang kasosyo, panatilihing ligtas ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagiging matalino at maingat sa paglahok sa mga aktibidad na sekswal.
  • Tiyaking alam mo ang mga karaniwang sintomas ng mga STI. Magbasa tungkol sa iba’t ibang mga STI dito. Ipagbigay-alam kaagad sa iyong doktor kung napansin mo ang anumang mga senyales. Tandaan na maraming STI ang hindi magkakaroon ng mga sintomas, kaya mahalaga pa rin ang pagsuri.
  • Linisin ang iyong mga laruang sekswal, kung ikaw at ang iyong kasosyo ay gumagamit ng anuman. Ang paghuhugas at paglilinis ng iyong mga laruan sa pagitan ng mga gamit ay makakatulong maiwasan ang pagkalat ng mga STI, at ang paggamit ng latex condom kasama ang mga laruan ay makakatulong din na mapanatiling malinis ito. Ang bawat laruan ay maaaring mangailangan ng iba’t ibang mga paraan ng paghuhugas depende sa materyal, kaya maingat na basahin ang mga tagubilin na kasama nila.
  • Iwasan ang ‘douching’ (paghuhugas sa loob ng ari ng babae) dahil nakakatanggal ito ng mga normal na bakteryang proteksiyon sa ari, at pinatataas ang panganib na makakuha ng ilang mga STI.
  • Huwag makipagtalik sa taong ayaw gumamit ng proteksyon, o sa taong may kondisyon sa kalusugan na hindi mo alam.
  • Iwasan makipagtalik kapag ikaw ay na sa ilalim ng impluwensya ng droga o alkohol. Kapag hindi tama ang iyong pag-iisip, madaling gumawa ng mga desisyon na pagsisisihan mo.

Ang aktibidad na sekswal ay mayroon ding emosyonal na mga panganib—ito ay hindi lamang pisikal na paggalaw, ngunit isang emosyonal din, kung bakit napakahalaga na makipag-usap sa iyong kasosyo tungkol sa kung ano ang okay at kung ano ang hindi. Mahalaga rin na tanungin ang iyong sarili kung hanggang saan ka handa, kung ano ang gusto mo, at kung ano ang hinahanap mo sa isang sekswal na relasyon.

Mga pinagmulan:

https://www.optionsforsexualhealth.org/

https://www.healthline.com/health/womans-guide-safe-sex-basics

https://www.plannedparenthood.org/teens/sex/safer-sex#sthash.E2eTz6cp.dpuf

Please follow and like us:

4 thoughts on “Mga Payo Para Sa Ligtas Na Pagtatalik

    1. Hi Mycca! Posibleng kakulangan sa pampadulas ang sanhi ng pananakit habang nagtatalik. Baka makatulong ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para gawing mas swabe at kaaya-aya ang pagtatalik, patagalin ang foreplay, o sumubok ng ibang posisyon. Kung hindi ito nakatulong at nakakaranas ng iba pang sintomas, mabuting makipag-ugnay sa obgyn para masuri kung mayroon bang impeksyon o ibang kondisyon na nagdudulot ng pananakit.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon