Kung gumagamit ka ng pildoras o hindi, marahil ay narinig mo na ang mga sabi-sabi tungkol sa maaari at hindi maaaring gawin nito
At kahit na ikaw mismo ay may karanasan sa pildoras, maaaring mahirap ihiwalay ang katotohanan mula sa bagay na walang katotohanan. Narito ang mga nangungunang hindi pagkakaunawaan, at mga sabi-sabi na umiiral sa Pilipinas tungkol sa mga pildoras.
Katha #1 Nakakataba ang mga pildoras.
Ipinapakita ng pag-aaral na sa antas ng populasyon, ang paggamit ng mga modernong pildoras ay HINDI nagiging sanhi ng pagtaas ng timbang. Sinuman na nagsasabi sa iyo na ang pagtaas ng timbang ay palaging nangyayari bilang isang epekto ng mga pildoras ay tiyak na hindi alam ang pinaka-bagong balita!
Bakit umiiral pa rin ang ganitong sabi-sabi kahit hindi siya suportado ng kahit anong patunay batay sa siyensya? Maaaring dahil ang mga dating pormula sa pinakaunang mga pildoras ay may mas mataas na antas ng mga hormon kaysa sa mga modernong bersyon at kung minsan ay pakiramdam ng mga gumagamit ay mas mabigat o busog sila. Ang isa pang kadahilanan ay maaaring likas na dumadagdag ang timabang habang tumatanda, na aabuting isa hanggang dalawang pounds bawat taon.
Habang pinatunayan ng mga saliksik na karaniwang hindi nadadagdagan ang timbang ng mga babaeng gumagamit ng pildoras kaysa sa mga hindi, ang lahat ay magkakaiba. Mas kilala mo ang iyong katawan kaysa sa sinuman, kaya huwag mag tiis sa isang kontraseptibo na hindi ka komportable. Makipag-usap sa iyong tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan tungkol sa iba pang mga kontraseptibong pagpipilian.
Katha #2 Ang pildoras ay sanhi ng kanser.
Nakakatakot para sa mga taong nais gumamit ng kontraseptibo na isipin na kailangan nilang pumili sa pagitan ng pag-iwas sa pagbubuntis at pagprotekta sa kanilang pangmatagalang kalusugan. Sa kabutihang palad, ang sabi-sabi na ito ay lubos na hindi makatotohanan. Ang paggamit ng pildoras ay hindi nagiging sanhi ng kanser—sa katunayan, maaari rin niyang bawasan ang panganib ng ilang uri. Ang pildoras ay hindi nagiging sanhi ng kanser sa suso o kanser sa utak, at ang iyong pagkakataon na magkaroon ng kanser sa obaryo, kanser sa matris, at kanser sa colon ay talagang mas mababa kung gumagamit ka ng pildoras sa nakaraan.
Katha #3 Nawawala ang iyong kakayahan mabuntis dahil sa pildoras.
Hindi lang ito mali, mapanganib—minsan naririnig ng mga tao ang katha na ito at iniisip na mayroong “panahon ng biyaya” kapag hindi sila nabuntis kahit na huminto sila sa paggamit ng pildoras.
Mga dekada ng pananaliksik ay nagpakita na ang mga pildoras ay hindi nakakaapekto sa pagkamayabong. Maliban na lamang kung gumagamit ka ng iba pang uri ng kontraseptibo, babalik ang iyong kakayahan mabuntis halos kaagad pagkatapos ihinto ang pildoras. Kahit na para sa mga babae na tuloy-tuloy uminom ng pildoras nang walang pahinga para sa pagregla, ang kanilang regla ay karaniwang bumalik sa loob ng 32 araw lamang matapos ang paghinto sa pag-inom.
Katha #4 Ang pildoras ay nagdudulot ng paglaglag.
Minsan dahil sa patuloy na debate sa bansang ito tungkol sa pagpapalaglag at kontraseptibo, ang mga pasyente ay maaaring makakuha ng ideya na ang mga pildoras ay maaaring maging sanhi ng mga pagpapalaglag kung ginamit ng isang buntis.
Ang pildoras ay HINDI nagdudulot ng pagpapalaglag, at HINDI rin naaapektuhan ang paglaki ng nabuong sanggol kung ininom ng isang buntis. Ang isang pagbubuntis na naitatag na ay hindi mapapahamak o makukunan sa pamamagitan ng paggamit ng pildoras. Sa sandaling napertilisa ang isang selulang itlog at nakatanim na sa matris, ang mga pildoras ay nawawalan ng bisa sa pagbubuntis.
Pinagmulan:
https://www.bedsider.org/features/1028-5-myths-about-the-pill-busted