fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mga tips para sa labing-labing sa bawat kwarto ng bahay

Tips and tricks for sex in every part of the house

Hindi maiiwasan na darating sa punto na parang boring na ang inyong sex life ni partner, lalo na kung live-in kayo. Paulit-ulit na lang ang nakagawian sa kwarto… ngunit iyon ay kung hindi niyo naisipan ilabas sa kwarto ang harutan!

Gawing mas exciting ang mga bagay at ibahin mula sa karaniwan sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa labas ng kwarto. Maraming hiwaga ang nagtatago sa bawat sulok ng iyong bahay, kaya i-explore niyo ang mga ‘to.

Landian sa kusina

Ibang uri ng gutom ang mabubusog niyo sa kusina ngayong gabi!

‘Yung kusina na siguro ‘yung huling lugar na maisipan mong magpa-sexy. Ngunit iyon ang dahilan kung bakit ito ay mas kapana-panabik na lugar para lumandi. Mayroon itong iba’t ibang surface na pwede niyong pag-eksperimentuhan.

Ang receiving partner ay maaaring umupo sa counter ng kusina, habang ang giving partner ay maaaring magsagawa ng oral, anal, o vaginal sex.

Source: refinery29.com/en-ca/best-places-to-have-sex-at-home 

Maaari ka ring makipagtalik nang nakatayo kapag si receiving partner ay sumandal at gamitin ang counter o refrigerator para sa suporta, habang ang giving partner ay mag-pepenetrate mula sa likod.

Anuman ang gawin mo, siguradong handa ka sa masarap na kainan!

Bebetime sa banyo

Bebetime sa banyo? Pwedeng pwede!

Paborito ng karamihan ang shower sex. Pareho kayong basa at hubad! Medyo mahirap nga lang ang pakikipagtalik nang nakatayo dahil madulas sa banyo. Ngunit kung gagawin nang tama, nakakapanabik ito nang sobra-sobra!

Maaari kang tumayo sa likod ng iyong partner at gamitin ang iyong mga kamay upang haplusin ang kanilang katawan. At kung dominant ka, maaari mo ring ipitin ang iyong partner sa pagitan ng shower wall at ng iyong katawan — talagang sexy iyon!

Maglagay ng plastik na upuan sa iyong shower, at ang receiving partner ay uupo sa kandungan ng giving partner. Ibubuka ng receiver ang kanilang mga binti para pwede mag-penetrate o mag-genital stimulation.

Source: refinery29.com/en-ca/best-places-to-have-sex-at-home 

Ngunit kung hindi ka makapagdala ng upuan sa shower, maaari ka pa ring makipagtalik habang nakatayo (mag-ingat lang).

Maaaring hawakan ng giving partner ang isa sa mga binti ng receiving partner para sa mas madaling pag-penetrate, sa ari man o anus. Para naman sa oral shower sex, ganun rin ang posisyon na kailangan niyong gawin. Ang kaibahan ay ang giving partner ay luluhod sa harap upang makapag-oral sex sa receiving partner, at ang receiver partner ay maaaring isampa ang kanyang paa sa balikat ng kanyang partner.

Piyestahan sa pintuan

Mas nakakasabik ‘pag ‘di mo alam kung mayroon bang biglang kakatok sa inyong pinto!

Maaaring gamitin ng receiving partner ang pinto para sa suporta habang sila ay nakayuko paharap, at ang giving partner naman ay maaaring mag-perentrate mula sa likuran. Maaaring gamitin ng receiver ang hawakan ng pinto para sa suporta habang nakakakapit ang giver sa kanilang baywang para sa mas malakas at malalim na penetrasyon.

Source: refinery29.com/en-ca/best-places-to-have-sex-at-home 

Kainan sa dining room

May ibang klaseng kainan ang pwede niyong gawin mamaya sa dining room!

Kung ang iyong mesa ay malaki at sapat na matibay para sa dalawa, maaari kayong tumungtong gumawa ng ibang klase ng Missionary, kung saan ang mga paa ng receiving partner ay nakadantay sa mga balikat ng giver.

Pero ‘di nga rin naman sexy isipin na baka masira ‘yung mesa. Kaya, ang isa pang posisyon na maaari niyong gawin ay umupo ang receiving partner sa gilid ng mesa at ibalot ang kanilang mga binti sa mga balakang ng giver, habang nangyayari ang penetration.

Ganun rin sa oral sex. Dito, ang giver ay maaaring umupo sa isang upuan na nakaharap sa ari ng receiver, at magpatuloy na kainin ang kanilang partner.

Sarap at saya sa sala

Ang sala ay ang pinakamagandang lugar para sa Netflix and chill dahil maaari kang gumawa ng maraming posisyon sa sopa.

Ang isang kapana-panabik na posisyon na maaari mong gawin sa sopa ay tinatawag na Alternative Wheelbarrow. Nakaupo sa sopa ang giver. Ang receiving partner ay naka-straddle sa kanilang partner, na nakatalikod sa giver. Maaari ring ilagay ng receiver ang kanilang mga kamay sa sahig at i-arch ang kanilang likod para sa higit na kontrol at mas malalim na penetration.

Source: refinery29.com/en-ca/best-places-to-have-sex-at-home 

Harutan sa hagdan

Oo, matutulungan ka ng hagdanan na maabot ang climax — literal.

Ikaw at ang iyong partner ay dapat tumayo nang magkaharap. Ang receiving partner ay magtataas ng isang paa at gagamitin ang mas mataas na hakbang para sa suporta, o maaari rin nilang ibalot ito sa balakang ng giving partner.

Source: refinery29.com/en-ca/best-places-to-have-sex-at-home 

Ang iyong bahay ay puno ng maraming mga posibilidad upang gawin itong masayang sexual playground para sa inyong magpartner. Ang kailangan lang ay imahinasyon, pagkamalikhain, at komunikasyon para buhayin ang inyong sex life at magkaroon ng magandang karanasan nang magkasama!

Mga pinagmulan:

Javay. (September 8, 2020). 6 Sex Positions for Every Room of the House. Sex with Emily. https://sexwithemily.com/sex-tips-every-room-in-the-house/ 

Henriques, S. (November 29, 2012). New Sex Positions for Every Room in the House. Woman’s Day. https://www.womansday.com/relationships/sex-tips/advice/g989/new-sex-positions/?slide=1 

Engle, G. (November 27, 2019). The Best Sex Positions for Places That Aren’t the Bed. Healthline. https://www.healthline.com/health/healthy-sex/best-sex-positions-for-places-that-arent-the-bed 

Stieg, C. (December 4, 2018). How To Have Sex In Every Room In Your House. Refinery29. https://www.refinery29.com/en-ca/best-places-to-have-sex-at-home#slide-1 
Men’s Health Staff. (April 2, 2020). 6 Sex Positions To Try In Every Room Of The House. Men’s Health. https://www.menshealth.com.au/sex-positions-around-the-house/

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon