fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Nakakaapekto ba ng Pagkamayabong ang mga Hormonal na Kontraseptibo?

fertility, contraceptive, family planning, reproductive health

Ang mga babae na wala pang 30 taong gulang ay talagang mayabong—ang kanilang kakayahang magbuntis ay hitik na hitik sa panahong ito.

Ngunit, maraming pa ring mga babae ang napapatanong: ang paggamit ba ng kontraseptibo ngayon ay makakaapekto sa pagkamayabong balang araw?

Ang sagot: hindi.

Ang lahat ng mga reversible contraceptives ay makakatulong na maiwasan ang pagbubuntis habang ginagamit ang mga ito. Ngunit, walang pangmatagalang epekto sa kakayahang mabuntis kapag hininto na ito.

Pills

Ang mga pills ay hindi nakakaapekto sa pagkamayabong, kahit ilang taon mo pa gamitin. Sa katunayan, may saliksik na nagpapakita na kapag mas matagal gumamit ng pills ang isang babae, mas mataas ang kanyang tsansa na mabuntis sa susunod na anim na buwan hanggang isang taon mula sa pagtigil ng pag-inom ng pills.

Ngunit, ang siklo ng regla ay maaaring abutin ng 3-12 buwan bago bumalik sa normal.

Injectables

Maaaring abutin ng isa’t kalahating taon bago bumalik ang normal na siklo ng regla mula sa huling turok ng injectables. Pero hindi ito nakakaapekto sa pagkamayabong at posibleng mabuntis bago pa bumalik sa normal ang siklo ng regla.

Implants

Ang mga implants ay hindi nakakaapekto sa pagkamayabong. Kapag ito’y natanggal na, halos agad-agad ring bumabalik ang kakayahan mabuntis at normal na siklo ng regla.

Pinagmulan:

https://www.bedsider.org/features/76-birth-control-and-infertility-does-using-birth-control-hurt-my-chances-of-getting-pregnant-later

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon