fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Nakakataba Ba Ang Kontraseptibo?

Minsan nagiging komplikado ang pagdedesisyon kung gagamit ba ng pills, lalo na kung nag-aalala ka tungkol sa pagdaragdag ng timbang.

Tinigil mo bang gumamit ng pildoras dahil may nagsabi sa iyo na nakakataba ito?

Palaging magkakaroon ng mga babae na may masamang karanasan sa kontraseptibo, ngunit sila ay karaniwang kakaibang kaso lamang, at hindi ibig sabihin na mararanasan rin ng lahat.

Tandaan ang dalawang bagay na nakasaad dito tungkol sa kontraseptibo at pagtaba:

Katotohanan #1 Ang mga babaeng gumagamit ng pildoras ay hindi mas tumataba kaysa sa mga babaeng hindi gumagamit ng kontraseptibo.

Paulit-ulit nang mayroong mga pag-aaral tungkol dito, at lahat sila ay nagpapakita ng iisang bagay—ang mga pildoras ay hindi sanhi ng pagtaba.

Ang katotohanan ay ang bawat isa sa mga pamamaraan na ito ay maaaring magamit nang walang panganib na tataas ang timbang.

Gayunpaman, kung talagang nag-aalala tungkol dito, mayroong mga pildoras na makakabawas sa posibilidad na madagdagan ang timbang.

Katotohanan #2 Ang iniksyon ay maaaring humantong sa pagtaas ng timbang para sa ilang mga babae.

Ang iniksyon ay maaaring maging sanhi ng pagtaas ng timbang para sa halos isang-kapat ng mga gumagamit.

Ang isang kamakailang pag-aaral ay nagpakita na sa unang anim na buwan ng paggamit, 1 sa 4 na gumagamit ng iniksyon ay bumigat nang 5 porsyento o higit pa sa kanilang panimulang timbang.

Gayunpaman, ang karamihan sa mga babae na gumagamit ng iniksyon ay maaaring mapanatili ang kanilang timbang sa pamamagitan ng malusog na pagkain at regular na ehersisyo. (Mga bagay na dapat nating gawin!)

Pinagmulan:

https://helloclue.com/articles/sex/birth-control-and-weight-gain

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon