fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Normal Ba Ang Pagbabati?

family planning, reproductive health, masturbation

Magpakatotoo tayo, ang usapan tungkol sa pagbabati ay nakakailang at marami sa atin ang hindi kumportableng pag-usapan ito. Gayunpaman, ito ay isang normal na aktibidad.

Sa katunayan, higit sa 90% ng kalalakihan at kababaihan ang ginawa ito at maraming tao ang regular na nagbabati. Hindi ibig sabihin nito na sila ay may diperensya o may mali sa kanila, nangangahulugan lamang ito na sila ay normal na tao.

Bagaman alam natin na ang pagbabati ay hindi isang masamang gawain, maraming mga alamat at sabi-sabi tungkol dito kung kaya’t mahirap itong pag-usapan. Para sa karamihan ng mga tao, ang kanilang unang kasiya-siyang seksuwal na karanasan ay sa pamamagitan ng pagbabati.

Karaniwan ba ang pagbabati?

Karamihan ng mga tao ay nagbabati! Kahit na hindi pinag-uusapan ng mga tao ang tungkol dito, gawain ito ng mga tao sa lahat ng edad, kasarian, at seksuwalidad. Sa katunayan, bago pa man maabot ang pagbibinata, maaaring natural na matuklasan ng mga bata na ang pagpindot sa kanilang mga maselang bahagi ng katawan ay maaaring magbigay ng magandang pakiramdam. Bagaman ito ay normal, mahalagang tandaan na dapat itong gawin nang pribado.

Ang mga tao ay nagbabati para sa iba’t ibang mga kadahilanan — upang mag-relaks, upang matuklasan kung ano ang nagpapasaya sa kanila, upang maglabas ang seksuwal na tensyon, o pasiyahin ang kanilang sarili kung wala ang kanilang kasosyo. Ngunit ang karamihan sa mga tao ay ginagawa ito dahil masarap ito sa pakiramdam. At sa katunayan, para sa marami, ito ang unang beses na nakaranas sila ng orgasmo, at lalo na para sa mga kababaihan, dito nila natutuklasan kung paano sila nasisiyahan kapag hinahawakan.

Bagaman may mga maling akala na ang pagbabati ay para lamang sa mga nakababata o walang karelasyon, ang katotohanan ay parehong mga tao na walang asawa at nasa isang relasyon ang gumagawa nito. Ang ilang mga tao ay mas madalas na magbati kaysa sa iba, at may ilan namang pinipili na huwag magbati. Sa huli, ang pagbabati ay isang personal na pagpapasya.

Ano ang sinasabi ng pananaliksik?

Ayon sa isang kamakailan lamang na pag-aaral sa mga may sapat na gulang, 38% ng mga babae ang nagsabing nagbati sila sa loob ng nakalipas na taon, habang 61% naman para sa mga lalaki. Ang mga pagsusuri mula sa iba pang mga bahagi ng mundo ay nagpapakita na 95% ng mga lalaki at 81% ng mga babae ang nagbabati.

Sa Pilipinas, ang pagbabati ay nananatiling isang mahirap na paksa at nakakahiyang aktibidad, lalo na sa mga kababaihan. Sa atin, maraming mga lalaki ang umaamin sa pagbabati dahil bagaman mayroon pa ring konting kahihiyan tungkol sa paksa, ang pagbabati ng lalaki ay itinuturing ng marami na normal, nakakatawa, o kinakailangan. Gayunpaman, ang pagbabati ng babae ay tinitingnan pa rin na hindi katanggap-tanggap o nakakahiya, tulad ng maraming mga paksa na may kaugnayan sa seksuwalidad ng babae. Maraming babae ang nakakaranas ng pagpuna at panghuhusga pagdating sa pagpapasaya para sa kanilang sariling seksuwalidad.

Ngunit ito ang lagi mong dapat tandaan — maraming mga benepisyo ang pagbabati, sa kabila ng lahat ng mga maling akala na umiiral tungkol dito. Ang pagbabati ay hindi nagiging sanhi ng pagkabaog (infertility), hindi nito pinapaliit ang ari, at hindi nito ginagawang imoral ang isang tao. Sa katunayan, ang pagbabati ay isa sa mga pinakaligtas na paraan upang makaranas ng seksuwal na kaligayahan dahil walang panganib na mabuntis o makakuha ng STI. Ipinakita din sa isang pananaliksik na ang pagbabati ay nakakabawas ng stress, seksuwal na tension, at nakakatulong para sa mas maayos na tulog. Napapawi nito ang panreglang pulikat (cramp) at maaaring magpalakas ng kalamnan sa balakang (pelvic area).

Ang pagbabati ay nakakatulong din upang maunawaan kung ano nakapagpapasaya sa iyo sa seksuwal na paraan — saan mo gustong mahawakan? Gaano karaming presyon ang nasisiyahan ka? Ang pagsasanay ng pag-orgasmo nang mag-isa ay nakakatulong na gawing mas madali ito kasama ang kapareha, dahil maaari mong sabihin o ipakita sa kanila kung ano ang masarap sa iyong pakiramdam.

Pinagmulan: https://www.plannedparenthood.org/learn/teens/sex/masturbation/masturbation-good-you

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon