fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Normal lang ba o May Isyung Medikal ang Maugat na Ari?

Bilang mga lalaki, maaaring tinitingnan natin ang ating mga ari ng ilang beses sa isang araw. Normal lang na pansinin ang iyong ari lalo na kung may inaabangang perpormans.

Maaari ring napansin mo na may mga pumuputok na ugat sa iyong Junjun. Huwag kang mag-alala dahil normal lang ito. Lahat ng ari ay may ugat, ang iba’y mas halata, pero kapag may nakita ka sa iyo, hindi ibig sabihin ay kailangan agad ng tulong-medikal.

Ang mga ugat sa ari mo ay kailangan dahil ito ang nagbibigay dugo upang magkaroon ka ng ereksyon, at para rin makabalik ang dugong naipon rito pabalik sa iyong puso. Sa paglipas ng panahon, mga naging karanasan mo sa pagtatalik, pinsala, o operasyon, maaaring magbago ang itsura ng mga ugat na ito.

Ano ang dahilan ng maugat na ari?

May ilang mga kadahilanan kung bakit lumalabas ang ugat sa ari ng lalaki. Ilan rito ay:

  • Kapal ng balat
  • Laki ng ugat
  • Pinakabagong sekswal na aktibidad
  • Edad

Ang mga ugat na ito ay lumalaki at lumalabas tuwing magkakaroon ng ereksyon dahil sa pagdaloy ng dugo rito. Maaaring hindi lumabas ang mga ugat kung ang ari ay malambot.

Maaapektuhan ba ang iyong ejaculation o pagbulalas?

Hindi. Hindi nito naaapektuhan ang orgasmo mo. Ang lakas, dami, o kalidad ng iyong pagbulalas ay hindi direktang naapektuhan ng mga ugat sa iyong ari.

Pero kung may mga natatagong karamdaman ka tulad ng pamumuo ng dugo, maaaring maapektuhan nito ang pagkakaroon mo ng ereksyon.

Kailangan mo bang magpunta sa doktor?

Kadalasan, hindi naman kinakailangan ng medikal na atensyon ang pagkakaroon ng maugat na ari. Pero kung naaapektuhan ka sa itsura nito, maaari mong kausapin ang iyong doktor upang malaman ang dapat gawin.

Bantayan din kung makakaramdam ka pa ng ibang sintomas tulad ng:

  • Pananakit ng ari tuwing may ereksyon o habang nakakaranas ng orgasmo
  • Pamamaga ng ari o ng bayag
  • Matigas ang ugat kapag hinawakan
  • Bukol sa ari o sa bayag

Pinagmulan:

https://www.healthline.com/health/mens-health/veiny-penis

https://www.medicalnewstoday.com/articles/326037

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon