fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ovulation Spotting

Ovulation Spotting

Mga siz, sigurado kaming nag-alala ka noong nakaranas ka ng pagdurugo sa mga araw na hindi ka pa dapat datnan ng regla — pamilyar ba? Iyon ay maaaring pagdurugo sa obulasyon (ovuation bleeding).

Ang pagdurugo sa obulasyon ay magaan na pagdurugo (spotting) na naranasan mo sa panahon ng obulasyon mo. Ito ay maaaring mangyari sa araw mismo, o sa araw bago o pagkatapos ng obulasyon.

Ang obulasyon ay ang paglabas ng obaryo ng selulang itlog. Ang mga pagbabago sa mga antas ng estrogen ay madalas na nagdudulot ng pagdurugo, na kung minsan ay tinutukoy rin ng mga tao na “estrogen breakthrough bleeding”. Ito ay hindi pangkaraniwan sa mga kababaihan, ngunit ang pagdurugo sa obulasyon ay karaniwang hindi tanda ng anumang seryosong kondisyon.

Paano matukoy ang pagdurugo sa obulasyon

Kung nakakaranas ka ng spotting sa kalagitnaan ng iyong siklo ng regla, maaaring pagdurugo sa obulasyon ito. Kadalasang nangyayari ang obulasyon sa paligid ng ika-11 at 21 na araw pagkatapos ng unang araw ng iyong huling regla, ngunit maaaring mag-iba ito depende sa haba ng siklo ng bawat babae.

Ang spotting ay karaniwang mas magaan kaysa sa regla, ngunit ang kulay nito ay maaaring magbigay ng mga pahiwatig kung ano ang sanhi nito dahil ang bilis ng daloy ng dugo ay tumutukoy sa kulay. Ang pagdurugo sa obulasyon ay maaaring may pagkarosas o pula ang kulay. Kapag ito ay kulay rosas, iyon ay isang senyas na ang dugo ay may kahalong likido ng serviks (cervical fluid). Iyon ay dahil ang mga babae ay karaniwang gumagawa ng mas maraming cervical fluid sa panahon ng obulasyon.

Iba pang mga uri ng pagdurugo

Ang pagdurugo sa obulasyon ay isang uri lamang ng hindi pangkaraniwang pagdurugo, ngunit kadalasan ay hindi dapat ito ikabahala.

Ang ilang mga palatandaan ng pagdurugo sa panahon ng obulasyon ay:

  • Pagdurugo sa panahon ng obulasyon
  • Ang pagdurugo ay nangyayari lamang isang beses bawat buwan, sa halos pare-parehong panahon.
  • Kusang tumigil ang pagdurugo sa loob ng ilang araw, at hindi ito mabigat o masakit.

Ang hindi pangkaraniwang pagdurugo na hindi umaangkop sa pattern na ito ay baka may iba pang sanhi. Ang mga babaeng hindi regular ang siklo ng regla ay maaaring mahirapan matukoy ang pagkakaiba sa pagitan ng hindi pangkaraniwang pagdurugo at ng normal na buwanang regla. Mabuting kumunsulta sa doktor upang malaman ang sanhi kung nakakaranas ka ng mga pagkakaiba sa mga siklo ng regla.

Spotting VS Regla

Kadalasang mas magaan ang spotting kaysa sa regla. Ang spotting ay mas magaan na daloy, rosas, mamula-mula, o kayumanggi ang kulay, at karaniwang tumatagal ng dalawang araw lamang. Habang ang pagdurugo ng regla ay karaniwang may sapat na bigat at dami upang kailanganin ng napkin, tampon, o menstrual cup, at karaniwang tumatagal ng halos limang araw.

Dapat na bang pumunta sa doktor?

Karaniwan, walang dapat alalahanin sa mga spotting na nangyayari sa kalagitnaan ng siklo ng regla, lalo na kung palagi ito nangyayari sa pare-parehong panahon bawat buwan. Ang obulasyon ay isang karaniwang sanhi ng spotting sa gitna ng bawat regla, ngunit hindi lamang ito ang posibleng dahilan.

Mainam na kumunsulta sa doktor kapag nakakaranas ka ng hindi pangkaraniwang pagdurugo. Kung napansin mo rin ang alinman sa mga sumusunod na sintomas, tiyak na dapat nang pumunta sa doktor:

  • Mga pagbabago sa siklo ng regla. Halimbawa, dinadatnan ng regla sa loob ng mas mababa sa 21 araw o higit sa 35 araw na pagitan.
  • Ang pagdurugo ay nagiging mas mabigat o mas magaan kaysa sa dati.
  • Ang labis na pagdurugo, tulad ng pagpuno ng napkin sa loob ng dalawang oras o pagkakaroon ng malalaking buo-buong dugo.
  • Iba pang mga sintomas tulad ng labis na pananakit kapag nireregla, hirap magbuntis, pananakit sa panahon o pagkatapos ng pagtalik, pagkahingal, pagkahilo, o pananakit ng dibdib.
  • Pagdurugo pagkatapos ng menopos.

Ang pagsubaybay sa iyong siklo ng regla ay maaaring makatulong sa iyo na mapansin ang anumang mga pagbabago o abnormalidad, at magpasya kung oras na bang pumunta sa doktor. Makakatulong din ito sa doktor na matukoy kung ano ang posibleng sanhi ng hindi pangkaraniwang pagdurugo.

Mga pinagmulan:

https://www.healthline.com/health/pregnancy/ovulation-bleeding#takeaway

https://www.medicalnewstoday.com/articles/325847.php#summary

Please follow and like us:

86 thoughts on “Ovulation Spotting

  1. hello po dinatnan po ako nung september 15-21 po tas nagkaroon po ulit ako nung 26. mahina lang po ito at hindi nakakapuno sa napkin. hanggang ngayon po papatak patak na lang. ano pong ibig sabihin nito? kailangan na po akong pumunta sa doktor?

    1. Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo, kasama na rito ang stress, timbang, diyeta, pagbabago sa antas ng mga hormon, at iba pa. Baka makatulong po sa inyo ang pagbabawas sa stress at paggawa ng libangan na nakakarelaks. Mabuting makipag-ugnay na sa OB/GYN o malapit na health center para masuri kung ano sanhi nito at mapayuhan ka kung ano pwedeng lunas, lalo na kung nakakaranas ng iba pang sintomas o nahihirapan kumilos sa araw-araw na gawain. Basahin rin po ito: https://doitright.ph/tl/abnormal-na-pagdurugo-ng-ari-ng-babae/

  2. Hello po, annie po 21 yrs old. Niregla po ako nung 22-26 then this morning may mga dugo dugo po sa panty ko na pinkish ang kulay. Nakakaranas narin po ako ng pagkahilo at panankit ng ulo. Netong mga nakaraang araw madalas sumasakit puson ko. Minsan pakiramdam ko naduduwal ako pero wala naman. Possible po ba na pregnant ako?

  3. Hello po, gusto po lang po itanong. Nung august po hindi po kasi ako dinatnan. Pero nagpipills po ako. Nung september 5 dinatnan na po ako, malakas po may buo buo pa pong dugo ang nalabas, hanggang september 10 po ako nagkaroon pero mahina na po ang mga pahuling araw kumbaga hindi na po nakakapuno ng napkin. Tapos po september 21, kahapon pag ihi ko po napansin ko puno na ung pundiyo ko nang kulay brown na dugo. Hindi sya kasing lansa ng regla medyo iba ang amoy nya sa regla. Nagnapkin po ako madami dami po sya pero hindi po siya patak patak lang. Hanggang ngayon po september 22 meron padin po kaunti? Ano po kaya ito?

    1. Hi, Ashley! Normal na makaranas ng ilang mga pagbabago sa regla at siklo ng pagregla, pati na rin ang paminsang minsang spotting, lalo na kung bago pa lang sa paginom ng pill. Ito ay dahil nag-a-adjust ang iyong katawan sa pagbabago ng mga antas ng hormones. Pansamantala lang ito at mawawala rin kapag nakapag-adjust na ang iyong mga hormones, na kadalasang nangyayari sa loob ng tatlong buwan. Ipagpatuloy lang po ang paginom ng pills. Basahin rin po ito: https://doitright.ph/tl/breakthrough-bleeding-habang-nagpipills/

  4. Hi magtatanong lang po sana ako. Last mens ko ay noong july 11 tapos hindi ako dinantnan noong august tapos ngayonh sep7 nagkaroon ako ng mahinang regla. Parang spotting lang po. Ano po kaya ang sanhi nito?

    1. Hi, Joverth! Maraming pwedeng magdulot ng mga pagbabago sa regla, at kasama rito ang ilang mga impeksyon, sakit, stress, diyeta, at biglaang pagbabago ng timbang. May ibang sintomas pa bang nararanasan? Mabuting makipag-ugnay sa OB/GYN o malapit na health center para magpasuri kung ano ang sanhi at mapayuhan ka kung ano pwedeng solusyon para dito. Baka makatulong rin ito sa iyo: https://doitright.ph/tl/mga-dapat-malaman-tungkol-sa-iregular-na-siklo-ng-regla/

      Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo na walang kinalaman sa regla, kasama na rito ang stress, timbang, diyeta, pagbabago sa antas ng mga hormon, at iba pa. Baka makatulong po sa inyo ang pagbabawas sa stress at paggawa ng libangan na nakakarelaks. May ibang sintomas pa po bang nararanasan? Mabuting makipag-ugnay rin sa OB/GYN o malapit na health center para masuri kung ano sanhi nito at mapayuhan ka kung ano pwedeng lunas, lalo na kung nakakaranas ng iba pang sintomas o nahihirapan kumilos sa araw-araw na gawain. Basahin rin po ito: https://doitright.ph/tl/abnormal-na-pagdurugo-ng-ari-ng-babae/

  5. ako po si mae regular po regla ko ngayon kolang naranasan yung pagdugo na onti lamg tapos ilang minuto nawala din at hindi nato nasundan ano pabang tawag don di parin po ako nireregla pero lagi po ako nilalabasan nang white means

    1. Hi, Mae! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo na walang kinalaman sa regla, kasama na rito ang stress, timbang, diyeta, pagbabago sa antas ng mga hormon, at iba pa. Baka makatulong po sa inyo ang pagbabawas sa stress at paggawa ng libangan na nakakarelaks. May ibang sintomas pa po bang nararanasan? Mabuting makipag-ugnay rin sa OB/GYN o malapit na health center para masuri kung ano sanhi nito at mapayuhan ka kung ano pwedeng lunas, lalo na kung nakakaranas ng iba pang sintomas o nahihirapan kumilos sa araw-araw na gawain. Basahin rin po ito: https://doitright.ph/tl/abnormal-na-pagdurugo-ng-ari-ng-babae/

      1. Hi maam. sana masagot mo katanungan ko. Mag tatanong lang nung last month September 01 nag mens po ako huminto ng sep. 05 tapos nag contact kami ng mister ko nung sep 8 at 14 tapos pag sep 23 may lumabas na spotting kulay dark brown na may halong red at white tumigil sya hanggang oct 4 pero yung spotting on and off siya. Kasi actually ang date ng mens ko is oct 1 kaso huminto spotting ko is oct. 4 tapos pag October 14 meron na naman dugo na lumabas kaso konting lang ang kulay niya is pinaghalong kulay dark brown and red tapos pag October 15 nag contact kmi ni mister lumabas ang dugo ang daming dugo lumabas kulay fresh na dugo pero ilang minuto huminto din sya nag spotting nalang ulet ano kaya ito? Buntis na ba ako?

  6. Ako po si carla, 28 taong gulang at nag nanais po na magka baby kaya po nag calendar method po ako para alam ko kung kailan ako fertile. Hindi po ba’t may 6 na araw na ovulation day ang babae sa unang araw po ng ovulation ko ay nag subok kami ng partner ko ngunit po after namin mag love making ay nag discharge ako blood na ma pinkish ang lumabas saakin. Ano po kaya ang ibig sabihin nito.!

    1. Hi, Carla! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo sa pagtatalik, pero ang karaniwang dulot nito ay priksyon at kiskisan lalo na sa penetrasyon. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo. Basahin po ito: https://doitright.ph/tl/pagdurugo-pagkatapos-ng-pagtalik/

      Mabibili ang EZ Lubricating Jelly sa pangunahing botika at convenience store. Maaari mo rin ito mabili online!
      Lazada: https://www.lazada.com.ph/shop/trust-philippines-1524467118/
      Shopee: https://shopee.ph/trust.premiere.ez

  7. Patanong namn po. August 5 po ang first day ng mens ko. Minsan po umaabot ng 7 days bago tuluyang matapos ang daloy ng dugo. Subalit after 7 days may discharge padin po sakin na parang pinkish na blood. 10 days na po ngayon mula ng magmens ako.. ngayon palng po ako nakaexperience ng ganito. Ano po kaya ang ibig sabihin nito?

    1. Hi, Lelet! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo na walang kinalaman sa regla, kasama na rito ang stress, timbang, diyeta, pagbabago sa antas ng mga hormon, at iba pa. Baka makatulong po sa inyo ang pagbabawas sa stress at paggawa ng libangan na nakakarelaks. May ibang sintomas pa po bang nararanasan? Mabuting makipag-ugnay rin sa OB/GYN o malapit na health center para masuri kung ano sanhi nito at mapayuhan ka kung ano pwedeng lunas, lalo na kung nakakaranas ng iba pang sintomas o nahihirapan kumilos sa araw-araw na gawain.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon