fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ovulation Spotting

Ovulation Spotting

Mga siz, sigurado kaming nag-alala ka noong nakaranas ka ng pagdurugo sa mga araw na hindi ka pa dapat datnan ng regla — pamilyar ba? Iyon ay maaaring pagdurugo sa obulasyon (ovuation bleeding).

Ang pagdurugo sa obulasyon ay magaan na pagdurugo (spotting) na naranasan mo sa panahon ng obulasyon mo. Ito ay maaaring mangyari sa araw mismo, o sa araw bago o pagkatapos ng obulasyon.

Ang obulasyon ay ang paglabas ng obaryo ng selulang itlog. Ang mga pagbabago sa mga antas ng estrogen ay madalas na nagdudulot ng pagdurugo, na kung minsan ay tinutukoy rin ng mga tao na “estrogen breakthrough bleeding”. Ito ay hindi pangkaraniwan sa mga kababaihan, ngunit ang pagdurugo sa obulasyon ay karaniwang hindi tanda ng anumang seryosong kondisyon.

Paano matukoy ang pagdurugo sa obulasyon

Kung nakakaranas ka ng spotting sa kalagitnaan ng iyong siklo ng regla, maaaring pagdurugo sa obulasyon ito. Kadalasang nangyayari ang obulasyon sa paligid ng ika-11 at 21 na araw pagkatapos ng unang araw ng iyong huling regla, ngunit maaaring mag-iba ito depende sa haba ng siklo ng bawat babae.

Ang spotting ay karaniwang mas magaan kaysa sa regla, ngunit ang kulay nito ay maaaring magbigay ng mga pahiwatig kung ano ang sanhi nito dahil ang bilis ng daloy ng dugo ay tumutukoy sa kulay. Ang pagdurugo sa obulasyon ay maaaring may pagkarosas o pula ang kulay. Kapag ito ay kulay rosas, iyon ay isang senyas na ang dugo ay may kahalong likido ng serviks (cervical fluid). Iyon ay dahil ang mga babae ay karaniwang gumagawa ng mas maraming cervical fluid sa panahon ng obulasyon.

Iba pang mga uri ng pagdurugo

Ang pagdurugo sa obulasyon ay isang uri lamang ng hindi pangkaraniwang pagdurugo, ngunit kadalasan ay hindi dapat ito ikabahala.

Ang ilang mga palatandaan ng pagdurugo sa panahon ng obulasyon ay:

  • Pagdurugo sa panahon ng obulasyon
  • Ang pagdurugo ay nangyayari lamang isang beses bawat buwan, sa halos pare-parehong panahon.
  • Kusang tumigil ang pagdurugo sa loob ng ilang araw, at hindi ito mabigat o masakit.

Ang hindi pangkaraniwang pagdurugo na hindi umaangkop sa pattern na ito ay baka may iba pang sanhi. Ang mga babaeng hindi regular ang siklo ng regla ay maaaring mahirapan matukoy ang pagkakaiba sa pagitan ng hindi pangkaraniwang pagdurugo at ng normal na buwanang regla. Mabuting kumunsulta sa doktor upang malaman ang sanhi kung nakakaranas ka ng mga pagkakaiba sa mga siklo ng regla.

Spotting VS Regla

Kadalasang mas magaan ang spotting kaysa sa regla. Ang spotting ay mas magaan na daloy, rosas, mamula-mula, o kayumanggi ang kulay, at karaniwang tumatagal ng dalawang araw lamang. Habang ang pagdurugo ng regla ay karaniwang may sapat na bigat at dami upang kailanganin ng napkin, tampon, o menstrual cup, at karaniwang tumatagal ng halos limang araw.

Dapat na bang pumunta sa doktor?

Karaniwan, walang dapat alalahanin sa mga spotting na nangyayari sa kalagitnaan ng siklo ng regla, lalo na kung palagi ito nangyayari sa pare-parehong panahon bawat buwan. Ang obulasyon ay isang karaniwang sanhi ng spotting sa gitna ng bawat regla, ngunit hindi lamang ito ang posibleng dahilan.

Mainam na kumunsulta sa doktor kapag nakakaranas ka ng hindi pangkaraniwang pagdurugo. Kung napansin mo rin ang alinman sa mga sumusunod na sintomas, tiyak na dapat nang pumunta sa doktor:

  • Mga pagbabago sa siklo ng regla. Halimbawa, dinadatnan ng regla sa loob ng mas mababa sa 21 araw o higit sa 35 araw na pagitan.
  • Ang pagdurugo ay nagiging mas mabigat o mas magaan kaysa sa dati.
  • Ang labis na pagdurugo, tulad ng pagpuno ng napkin sa loob ng dalawang oras o pagkakaroon ng malalaking buo-buong dugo.
  • Iba pang mga sintomas tulad ng labis na pananakit kapag nireregla, hirap magbuntis, pananakit sa panahon o pagkatapos ng pagtalik, pagkahingal, pagkahilo, o pananakit ng dibdib.
  • Pagdurugo pagkatapos ng menopos.

Ang pagsubaybay sa iyong siklo ng regla ay maaaring makatulong sa iyo na mapansin ang anumang mga pagbabago o abnormalidad, at magpasya kung oras na bang pumunta sa doktor. Makakatulong din ito sa doktor na matukoy kung ano ang posibleng sanhi ng hindi pangkaraniwang pagdurugo.

Mga pinagmulan:

https://www.healthline.com/health/pregnancy/ovulation-bleeding#takeaway

https://www.medicalnewstoday.com/articles/325847.php#summary

Please follow and like us:

92 thoughts on “Ovulation Spotting

  1. Nagkaroon ako Ng 24 tas normal nmn sya ,Jaya lng pagkaraan Ng 1week nagkaroon ako Ng spotting din reregla ako ulit ako ngaun??possible ba Yun? Na buntis ako??

    1. Hi Jansen! Marami pong posibleng dulot ng spotting, tulad ng kondisyon, impeksyon, biglang pagbabago sa timbang, stress, at iba pa. oktor lang po ang makakasuri sa inyo at makapagtukoy kung ano ang tiyak na sanhi. Mabuting makipag-ugnay na kaagad sa OB/GYN ukol dito o magpunta sa malapit na health center para makita ang sanhi at mapayuhan ka kung ano ang angkop na lunas para sa iyong sitwasyon. Baka makatulong rin po ito sa inyo: https://doitright.ph/tl/abnormal-na-pagdurugo-ng-ari-ng-babae/

  2. Hi po.. nag spotting po ako noong nov. 24 25 25.. bago po xa medyo lumakas noong 27 at 28. Pero hindi po gaanu kalakasan.. then huminto po ng 29 akala ko tapos na. Pag ka dec. 2 after ko po umihi ay nag spotting po ulit ako n may halong dark brown at pinkish po.. nahihilo po ako na masakit po ang puson, balakang at mga paa ko po.. posible po ba na buntis ako?

  3. Hello po good evening matatanong lang po ssna ako kasi ngkaroon po kasi ako ng spotting dalawang beses ngayon lang buwan na to 9days after ng period ko ngka spotting ako din kanina rin po ng spotting ko first lang po kasi nangyari sakin to, tanong ko lang po if normal lang ba yan or buntis po ba ako? ..sana po may mka sagot sa mga tanong ko .. thank you 🙏

  4. Hi Hindi po kami nagsex…kiss lng po at hinimas himas ko hanggang labasan sya….may cell din na kaunti napupunta sa kamay koa t pinunas ko sa apnts ko nakakabuntis po ba Yun? Mga 1 hour nun panyagari na paghimas nag cr ako para maghugas pwet ko… mabubuntis ba ako ng Ganon?

  5. Hi. Just wanna know if possible bang pregnant ako? Kasi bago ako datnan nagkaroon ng bleeding. And nag stop, then kinabukasan dinugo na po ako… for 2 days madami din my buo buo din and medyo masakit like light pain unlike pag nagkakaroon talaga ako masakit super. Pero this month nov… hindi. And after puro nalang siya spotting dark brown 3days na po. Balak ko na din po mag pt. kaso po sabi sakin di daw po ako buntis kasi po nagkaroon naman po ako. Hoping may makasagot. Thank you.

  6. Hello po ask ko po, maari ba akong mabubtis if 3 days lang mens ko pero dinatnan nako ng 17 ang regla ko ay 18. Tapos mahina lang siya and bago po ako dtnan masakit ulo ko. At medyu mayroon maliliit na blood clot bago lumakas regla ko

    1. Hi Jessica! Kapag ika’y niregla, ito ay tiyak na senyales na hindi ka buntis. Ngunit, puwede rin naman pong magpregnancy test pagkalipas ng isang linggong hindi pa rin nireregla mula sa araw na karaniwang dinadatnan ka para po sa katahimikan ng iyong isip at para makasiguro.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon