fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ovulation Spotting

Ovulation Spotting

Mga siz, sigurado kaming nag-alala ka noong nakaranas ka ng pagdurugo sa mga araw na hindi ka pa dapat datnan ng regla β€” pamilyar ba? Iyon ay maaaring pagdurugo sa obulasyon (ovuation bleeding).

Ang pagdurugo sa obulasyon ay magaan na pagdurugo (spotting) na naranasan mo sa panahon ng obulasyon mo. Ito ay maaaring mangyari sa araw mismo, o sa araw bago o pagkatapos ng obulasyon.

Ang obulasyon ay ang paglabas ng obaryo ng selulang itlog. Ang mga pagbabago sa mga antas ng estrogen ay madalas na nagdudulot ng pagdurugo, na kung minsan ay tinutukoy rin ng mga tao na “estrogen breakthrough bleeding”. Ito ay hindi pangkaraniwan sa mga kababaihan, ngunit ang pagdurugo sa obulasyon ay karaniwang hindi tanda ng anumang seryosong kondisyon.

Paano matukoy ang pagdurugo sa obulasyon

Kung nakakaranas ka ng spotting sa kalagitnaan ng iyong siklo ng regla, maaaring pagdurugo sa obulasyon ito. Kadalasang nangyayari ang obulasyon sa paligid ng ika-11 at 21 na araw pagkatapos ng unang araw ng iyong huling regla, ngunit maaaring mag-iba ito depende sa haba ng siklo ng bawat babae.

Ang spotting ay karaniwang mas magaan kaysa sa regla, ngunit ang kulay nito ay maaaring magbigay ng mga pahiwatig kung ano ang sanhi nito dahil ang bilis ng daloy ng dugo ay tumutukoy sa kulay. Ang pagdurugo sa obulasyon ay maaaring may pagkarosas o pula ang kulay. Kapag ito ay kulay rosas, iyon ay isang senyas na ang dugo ay may kahalong likido ng serviks (cervical fluid). Iyon ay dahil ang mga babae ay karaniwang gumagawa ng mas maraming cervical fluid sa panahon ng obulasyon.

Iba pang mga uri ng pagdurugo

Ang pagdurugo sa obulasyon ay isang uri lamang ng hindi pangkaraniwang pagdurugo, ngunit kadalasan ay hindi dapat ito ikabahala.

Ang ilang mga palatandaan ng pagdurugo sa panahon ng obulasyon ay:

  • Pagdurugo sa panahon ng obulasyon
  • Ang pagdurugo ay nangyayari lamang isang beses bawat buwan, sa halos pare-parehong panahon.
  • Kusang tumigil ang pagdurugo sa loob ng ilang araw, at hindi ito mabigat o masakit.

Ang hindi pangkaraniwang pagdurugo na hindi umaangkop sa pattern na ito ay baka may iba pang sanhi. Ang mga babaeng hindi regular ang siklo ng regla ay maaaring mahirapan matukoy ang pagkakaiba sa pagitan ng hindi pangkaraniwang pagdurugo at ng normal na buwanang regla. Mabuting kumunsulta sa doktor upang malaman ang sanhi kung nakakaranas ka ng mga pagkakaiba sa mga siklo ng regla.

Spotting VS Regla

Kadalasang mas magaan ang spotting kaysa sa regla. Ang spotting ay mas magaan na daloy, rosas, mamula-mula, o kayumanggi ang kulay, at karaniwang tumatagal ng dalawang araw lamang. Habang ang pagdurugo ng regla ay karaniwang may sapat na bigat at dami upang kailanganin ng napkin, tampon, o menstrual cup, at karaniwang tumatagal ng halos limang araw.

Dapat na bang pumunta sa doktor?

Karaniwan, walang dapat alalahanin sa mga spotting na nangyayari sa kalagitnaan ng siklo ng regla, lalo na kung palagi ito nangyayari sa pare-parehong panahon bawat buwan. Ang obulasyon ay isang karaniwang sanhi ng spotting sa gitna ng bawat regla, ngunit hindi lamang ito ang posibleng dahilan.

Mainam na kumunsulta sa doktor kapag nakakaranas ka ng hindi pangkaraniwang pagdurugo. Kung napansin mo rin ang alinman sa mga sumusunod na sintomas, tiyak na dapat nang pumunta sa doktor:

  • Mga pagbabago sa siklo ng regla. Halimbawa, dinadatnan ng regla sa loob ng mas mababa sa 21 araw o higit sa 35 araw na pagitan.
  • Ang pagdurugo ay nagiging mas mabigat o mas magaan kaysa sa dati.
  • Ang labis na pagdurugo, tulad ng pagpuno ng napkin sa loob ng dalawang oras o pagkakaroon ng malalaking buo-buong dugo.
  • Iba pang mga sintomas tulad ng labis na pananakit kapag nireregla, hirap magbuntis, pananakit sa panahon o pagkatapos ng pagtalik, pagkahingal, pagkahilo, o pananakit ng dibdib.
  • Pagdurugo pagkatapos ng menopos.

Ang pagsubaybay sa iyong siklo ng regla ay maaaring makatulong sa iyo na mapansin ang anumang mga pagbabago o abnormalidad, at magpasya kung oras na bang pumunta sa doktor. Makakatulong din ito sa doktor na matukoy kung ano ang posibleng sanhi ng hindi pangkaraniwang pagdurugo.

Mga pinagmulan:

https://www.healthline.com/health/pregnancy/ovulation-bleeding#takeaway

https://www.medicalnewstoday.com/articles/325847.php#summary

Please follow and like us:

92 thoughts on “Ovulation Spotting

  1. Hi po, Gusto ko lang sana alamin kung normal lang ba ang pag spotting? Kakatapos ko lang po reglahin noong April 8 until April 14 and noong April 17 ay nakipagtalik po ako sa asawa ko withdrawal po yung use namin, tas April 19 and 20 is nag spot po ako kulay brown po. Ano po ba ito? Normal lang ba ito?

    1. Hi, Jancy! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo na walang kinalaman sa regla, kasama na rito ang stress, timbang, diyeta, pagbabago sa antas ng mga hormon, at iba pa. Baka makatulong po sa inyo ang pagbabawas sa stress at paggawa ng libangan na nakakarelaks. May ibang sintomas pa po bang nararanasan? Mabuting makipag-ugnay rin sa OB/GYN o malapit na health center para masuri kung ano sanhi nito at mapayuhan ka kung ano pwedeng lunas, lalo na kung nakakaranas ng iba pang sintomas o nahihirapan kumilos sa araw-araw na gawain. Basahin rin po ito: https://doitright.ph/tl/abnormal-na-pagdurugo-ng-ari-ng-babae/

  2. Hi gud pm po,ask ko lng po kttapos ko lng po reglahin mga 2weeks ago n po tapos ngayon spotting ako 3days n po at kulay brown sya at may somthing discharge odor,eh nttakot po mkipag sex,,kpag ganun one time po nakipag sex ako eh may bahid n dugo at medyo msakit kpag kme nagttalik ni jowa ko,ano kya ito msyado akong nag aalaala

    1. Hi, Rosana! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo sa pagtatalik, pero ang karaniwang dulot nito ay priksyon at kiskisan lalo na sa penetrasyon. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo. Basahin po ito: https://doitright.ph/tl/pagdurugo-pagkatapos-ng-pagtalik/

      Mabibili ang EZ Lubricating Jelly sa pangunahing botika at convenience store. Maaari mo rin ito mabili online!
      Lazada: https://www.lazada.com.ph/shop/trust-philippines-1524467118/
      Shopee: https://shopee.ph/trust.premiere.ez

  3. hi poh ask ko Lang poh Sana nagkaroon poh ako NG spotting nung March 31 hanggang April 1 at kinabuladan poh nawala at sumunod poh na araw meron poh ulit at tumagal poh NG 6 days n patak patak Lang at minsan Wala ngun ko lng poh naranasan yung gnun ano poh Kaya Yun..salamat poh

    1. Hi, Taverner! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo na walang kinalaman sa regla, kasama na rito ang stress, timbang, diyeta, pagbabago sa antas ng mga hormon, at iba pa. Baka makatulong po sa inyo ang pagbabawas sa stress at paggawa ng libangan na nakakarelaks. May ibang sintomas pa po bang nararanasan? Mabuting makipag-ugnay rin sa OB/GYN o malapit na health center para masuri kung ano sanhi nito at mapayuhan ka kung ano pwedeng lunas. Basahin rin po ito: https://doitright.ph/tl/abnormal-na-pagdurugo-ng-ari-ng-babae/

  4. hi. nagkaron po ako ng koong feb 16,2021 .tapos po may nangyari sa amin ng asawa ko noong march 14. then hanggang ngayon po hindi pa po ako nagkakaron. tapos mga ilang araw na po ako nag sspotting. possible po ba na buntis po ako?

  5. Hellow po good day po mag ask Lang po ako bakit po dalawang beses ako niregla beast feed po ako first men’s Kopo is January 22 then nag stop po agad sya. Kulay brown po sya na tas. Minsan po medyo marun ang kulay then niregla po ulit ako Ng February 9 medyo red napo sya at malakas napo then nag stop po sya Ng feb15 tas niregla nanaman po ako Ng February 28 at kulay brown po sya at malagkit hindi na nga po ako nag nanapkin dahil mahina naman. Natapos Ng March 5 then niregla nanaman po ako March 17 kulay brown nanaman po normal po ba yun thank you Sana masagot po.

    1. Hi, Rosariel! Maraming pwedeng magdulot ng mga pagbabago sa regla, at kasama rito ang ilang mga impeksyon, sakit, stress, diyeta, at biglaang pagbabago ng timbang. May ibang sintomas pa bang nararanasan? Mabuting makipag-ugnay sa OB/GYN o magpunta sa malapit na health center para magpasuri kung ano ang sanhi at mapayuhan ka kung ano pwedeng solusyon para dito. Baka makatulong rin ito sa iyo: https://doitright.ph/tl/mga-dapat-malaman-tungkol-sa-iregular-na-siklo-ng-regla/

  6. Hello pooo. Ask ko lang po if ano po possible na cause ng spotting ko po. Brown po color nya, nangyare po sya after 5 days po ng period ko. Bale po feb. 4 pk ko nagkaroon then nagstop po nung feb 9 2021. Before feb 14 nakipagtalik po ako sa bf ko tapos po nung feb 16 din po. Mga feb 17 po nag ka spotting po ako tumagal po ng 7days. Nag pt poko ng feb 23 pero negative po. Inaantay konalang po magkaroon ako nxt month. Pero sana po may makasagot po kung bakit ganun po regular po menstruation ko at now kolang po naranasan mag kaspotting.

    1. Hi, Angel! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo na walang kinalaman sa regla, kasama na rito ang stress, timbang, diyeta, pagbabago sa antas ng mga hormon, at iba pa. Baka makatulong po sa inyo ang pagbabawas sa stress at paggawa ng libangan na nakakarelaks. May ibang sintomas pa po bang nararanasan? Mabuting makipag-ugnay rin sa OB/GYN para masuri kung ano sanhi nito at mapayuhan ka kung ano pwedeng lunas. Basahin rin po ito: https://doitright.ph/tl/abnormal-na-pagdurugo-ng-ari-ng-babae/

  7. Good day po dalawang beses po akong niregla nung dec 8 9 10 at nung dec 29 30 31 hanggang january 3 po firstime lang po ako reglahin ng dlwang beses sa isang buwan ,tpoa Simula january 7 hanggang january 23 aras araw nakirot dlwang boobs ko masakit balakang ko at bloated din ako ,pero regular naman po ang regla KO at buwan buwan po ako nireregla 21 to 35 ang cycle ko tapos nung january 25 26 27 28 puro spotting lang po ako kulay pink na may pag ka red lang pawala wala pa at ngayon po january 29 nag ka regla na po ako , ano po kaya to sana po masagot nyo ako salamat po

    1. Hi, April! Maraming pwedeng magdulot ng mga pagbabago sa regla, at kasama rito ang ilang mga impeksyon, sakit, stress, diyeta, at biglaang pagbabago ng timbang. Pero ang pinakamabuting gawin ay ang kumonsulta sa OB/GYN o malapit na health center para matukoy ano ang sanhi nito at mapayuhan kayo kung kailangan ng paggamot.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon