fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ovulation Spotting

Ovulation Spotting

Mga siz, sigurado kaming nag-alala ka noong nakaranas ka ng pagdurugo sa mga araw na hindi ka pa dapat datnan ng regla — pamilyar ba? Iyon ay maaaring pagdurugo sa obulasyon (ovuation bleeding).

Ang pagdurugo sa obulasyon ay magaan na pagdurugo (spotting) na naranasan mo sa panahon ng obulasyon mo. Ito ay maaaring mangyari sa araw mismo, o sa araw bago o pagkatapos ng obulasyon.

Ang obulasyon ay ang paglabas ng obaryo ng selulang itlog. Ang mga pagbabago sa mga antas ng estrogen ay madalas na nagdudulot ng pagdurugo, na kung minsan ay tinutukoy rin ng mga tao na “estrogen breakthrough bleeding”. Ito ay hindi pangkaraniwan sa mga kababaihan, ngunit ang pagdurugo sa obulasyon ay karaniwang hindi tanda ng anumang seryosong kondisyon.

Paano matukoy ang pagdurugo sa obulasyon

Kung nakakaranas ka ng spotting sa kalagitnaan ng iyong siklo ng regla, maaaring pagdurugo sa obulasyon ito. Kadalasang nangyayari ang obulasyon sa paligid ng ika-11 at 21 na araw pagkatapos ng unang araw ng iyong huling regla, ngunit maaaring mag-iba ito depende sa haba ng siklo ng bawat babae.

Ang spotting ay karaniwang mas magaan kaysa sa regla, ngunit ang kulay nito ay maaaring magbigay ng mga pahiwatig kung ano ang sanhi nito dahil ang bilis ng daloy ng dugo ay tumutukoy sa kulay. Ang pagdurugo sa obulasyon ay maaaring may pagkarosas o pula ang kulay. Kapag ito ay kulay rosas, iyon ay isang senyas na ang dugo ay may kahalong likido ng serviks (cervical fluid). Iyon ay dahil ang mga babae ay karaniwang gumagawa ng mas maraming cervical fluid sa panahon ng obulasyon.

Iba pang mga uri ng pagdurugo

Ang pagdurugo sa obulasyon ay isang uri lamang ng hindi pangkaraniwang pagdurugo, ngunit kadalasan ay hindi dapat ito ikabahala.

Ang ilang mga palatandaan ng pagdurugo sa panahon ng obulasyon ay:

  • Pagdurugo sa panahon ng obulasyon
  • Ang pagdurugo ay nangyayari lamang isang beses bawat buwan, sa halos pare-parehong panahon.
  • Kusang tumigil ang pagdurugo sa loob ng ilang araw, at hindi ito mabigat o masakit.

Ang hindi pangkaraniwang pagdurugo na hindi umaangkop sa pattern na ito ay baka may iba pang sanhi. Ang mga babaeng hindi regular ang siklo ng regla ay maaaring mahirapan matukoy ang pagkakaiba sa pagitan ng hindi pangkaraniwang pagdurugo at ng normal na buwanang regla. Mabuting kumunsulta sa doktor upang malaman ang sanhi kung nakakaranas ka ng mga pagkakaiba sa mga siklo ng regla.

Spotting VS Regla

Kadalasang mas magaan ang spotting kaysa sa regla. Ang spotting ay mas magaan na daloy, rosas, mamula-mula, o kayumanggi ang kulay, at karaniwang tumatagal ng dalawang araw lamang. Habang ang pagdurugo ng regla ay karaniwang may sapat na bigat at dami upang kailanganin ng napkin, tampon, o menstrual cup, at karaniwang tumatagal ng halos limang araw.

Dapat na bang pumunta sa doktor?

Karaniwan, walang dapat alalahanin sa mga spotting na nangyayari sa kalagitnaan ng siklo ng regla, lalo na kung palagi ito nangyayari sa pare-parehong panahon bawat buwan. Ang obulasyon ay isang karaniwang sanhi ng spotting sa gitna ng bawat regla, ngunit hindi lamang ito ang posibleng dahilan.

Mainam na kumunsulta sa doktor kapag nakakaranas ka ng hindi pangkaraniwang pagdurugo. Kung napansin mo rin ang alinman sa mga sumusunod na sintomas, tiyak na dapat nang pumunta sa doktor:

  • Mga pagbabago sa siklo ng regla. Halimbawa, dinadatnan ng regla sa loob ng mas mababa sa 21 araw o higit sa 35 araw na pagitan.
  • Ang pagdurugo ay nagiging mas mabigat o mas magaan kaysa sa dati.
  • Ang labis na pagdurugo, tulad ng pagpuno ng napkin sa loob ng dalawang oras o pagkakaroon ng malalaking buo-buong dugo.
  • Iba pang mga sintomas tulad ng labis na pananakit kapag nireregla, hirap magbuntis, pananakit sa panahon o pagkatapos ng pagtalik, pagkahingal, pagkahilo, o pananakit ng dibdib.
  • Pagdurugo pagkatapos ng menopos.

Ang pagsubaybay sa iyong siklo ng regla ay maaaring makatulong sa iyo na mapansin ang anumang mga pagbabago o abnormalidad, at magpasya kung oras na bang pumunta sa doktor. Makakatulong din ito sa doktor na matukoy kung ano ang posibleng sanhi ng hindi pangkaraniwang pagdurugo.

Mga pinagmulan:

https://www.healthline.com/health/pregnancy/ovulation-bleeding#takeaway

https://www.medicalnewstoday.com/articles/325847.php#summary

Please follow and like us:

92 thoughts on “Ovulation Spotting

    1. Hi, Jane! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo na walang kinalaman sa regla, kasama na rito ang stress, timbang, diyeta, pagbabago sa antas ng mga hormon, at iba pa. Baka makatulong po sa inyo ang pagbabawas sa stress at paggawa ng libangan na nakakarelaks. May ibang sintomas pa po bang nararanasan? Mabuting makipag-ugnay rin sa OB/GYN o malapit na health center para masuri kung ano sanhi nito at mapayuhan ka kung ano pwedeng lunas, lalo na kung nakakaranas ng iba pang sintomas o nahihirapan kumilos sa araw-araw na gawain. Basahin rin po ito: https://doitright.ph/tl/abnormal-na-pagdurugo-ng-ari-ng-babae/

  1. Nagtalik kami ng bf ko sakto s ovulation day ko…nagtatake ako pills para safe kami…pero 3 days after ko mtapos ang pills ko,,bigla akong parang nag spotting…at pag umiihi ako my mga sumasamang parang mga buong dugo…sign po ba iyon na buntis ako o epekto lamang ng pills??ang expected date ng regla ko ay sa july 27 pa..

  2. Hello po sana mapansin

    Nagtalik kami last month with protection then after two weeks dumating na yung period ko. Nung mayari na ang period ko, sa ovualation ko ata nagkaspotting ako then until now delay ang period ko. Bakit po?

    1. Hi, Hannah! Maraming pwedeng magdulot ng mga pagbabago sa regla, at kasama rito ang ilang mga impeksyon, sakit, stress, diyeta, at biglaang pagbabago ng timbang. May ibang sintomas pa bang nararanasan? Mabuting makipag-ugnay sa OB/GYN o malapit na health center para magpasuri kung ano ang sanhi at mapayuhan ka kung ano pwedeng solusyon para dito. Baka makatulong rin ito sa iyo: https://doitright.ph/tl/mga-dapat-malaman-tungkol-sa-iregular-na-siklo-ng-regla/

  3. Hello po. Normal lang ba na kakatapos lang ng mens ko last 19 tapos nag ka spotting ako ng 29. Ngayun pang 4 na araw napo ako nag kaka spotting. Wala din po ako nararamdaman ng kahit ano na masakit saakin. At magaan lang din sya, hindi sya heavy flow.

    1. Hi, Shane! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo na walang kinalaman sa regla, kasama na rito ang stress, timbang, diyeta, pagbabago sa antas ng mga hormon, at iba pa. Baka makatulong po sa inyo ang pagbabawas sa stress at paggawa ng libangan na nakakarelaks. May ibang sintomas pa po bang nararanasan? Mabuting makipag-ugnay rin sa OB/GYN o malapit na health center para masuri kung ano sanhi nito at mapayuhan ka kung ano pwedeng lunas, lalo na kung nakakaranas ng iba pang sintomas o nahihirapan kumilos sa araw-araw na gawain. Basahin rin po ito: https://doitright.ph/tl/abnormal-na-pagdurugo-ng-ari-ng-babae/

  4. Hi po.nag talik pokami ng 26 then nung 29 may lumabas na brown po tapos kinabukasan sumakit po puson nya tapos kinabukasan po ule may lumabas po ule buntis puba yun

  5. Hi po, sana mapansin to.

    Delay po kase ako ng regla. Last February 27, 2021 po ang last ko then nag spotting naman po ako netong April 10, 2021 ilang araw din po akong nag spotting. Dalawang beses nadin po ako nag PT pero negative naman po. Ano po kayang dahilan neto? Maraming Salamat po at sana mapansin po.

    1. Hi, Dana! Maraming pwedeng magdulot ng mga pagbabago sa regla, at kasama rito ang ilang mga impeksyon, sakit, stress, diyeta, at biglaang pagbabago ng timbang. May ibang sintomas pa bang nararanasan? Mabuting makipag-ugnay sa OB/GYN o malapit na health center para magpasuri kung ano ang sanhi at mapayuhan ka kung ano pwedeng solusyon para dito. Baka makatulong rin ito sa iyo: https://doitright.ph/tl/mga-dapat-malaman-tungkol-sa-iregular-na-siklo-ng-regla/

    1. Hi, Mertyljane! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo na walang kinalaman sa regla, kasama na rito ang stress, timbang, diyeta, pagbabago sa antas ng mga hormon, at iba pa. Baka makatulong po sa inyo ang pagbabawas sa stress at paggawa ng libangan na nakakarelaks. May ibang sintomas pa po bang nararanasan? Mabuting makipag-ugnay rin sa OB/GYN o malapit na health center para masuri kung ano sanhi nito at mapayuhan ka kung ano pwedeng lunas, lalo na kung nakakaranas ng iba pang sintomas o nahihirapan kumilos sa araw-araw na gawain. Basahin rin po ito: https://doitright.ph/tl/abnormal-na-pagdurugo-ng-ari-ng-babae/

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon