fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Pa-kiss nga: Mga benepisyo ng kiss sa kalusugan

What's in a Kiss: How kissing benefits your health

Ang paghalik ay isang magandang paraan para panatilihin ang matibay na koneksyon ng mga mag partner at para malaman ng mga nagde-date pa lang kung sila at ang isang potensyal na partner ay nababagay sa isa’t isa. Sinasabi pa nga ng ilang babae na “masasabi nila kung ang isang relasyon ay gagana pagkatapos ng unang halik,” ayon kay Michael Caine, may-akda ng The Art of Kissing.

Nakakamangha talaga ang dinami-dami ng posibilidad ng isang halik: matamis, matindi, o sakto lang. Maliban sa pagiging napakasarap, ang paghalik ay may maraming benepisyo para sa iyong kalusugan. Baka nga ang nakakakilig na pakiramdam na nararanasan mo sa tuwing humahalik ay ang pag-angat ng iyong health bar!

Alamin natin kung anu-ano ba ang mga benepisyo ng paghalik sa iyong kalusugan.

Pampagana ng happy hormones

Ang paghalik ay pampagana sa produksyon ng oxytocin, dopamine, at serotonin, na nakukuha mo rin kapag nag-eehersisyo ka. Ang mga feel-good hormones na ito ay nakakarelaks at nagpapasigla sa iyo, at kahit na nagpapababa ng mga antas ng cortisol (stress hormone).

Binabawasan ang presyon ng dugo

Ang paghalik ay mabuti para sa iyong puso — sa emosyonal AT pisikal na aspeto!

Ang paghalik ay nagpapabilis ng tibok ng iyong puso at nagpapalawak ng iyong mga daluyan ng dugo. Kapag nangyari ito, gumaganda ang daloy ng dugo at sa gayon ay agad na bumababa ang presyon ng dugo.

Pampa-iwas ng mga cavities

Ang paghalik ay nagpapasigla sa mga salivary glands at nagpapalabas ng mas maraming laway sa iyong bibig. Ang sobrang laway ay nakakatulong magpaalis ng plaque (o mga bakterya) at naiwang bakas ng pagkain sa bibig upang hindi dumikit sa iyong mga ngipin. Kaya, tumutulong na maiwasan ang mga cavity at  pagkabulok ng ngipin.

Nakakapawi ng pananakit ng puson at ulo

Ang paglawak ng daluyan ng dugo at pagganda ng daloy ng dugo ay hindi lamang nakikinabang sa puso; nakakapawi rin ‘to sa pananakit ng puson at ulo. Ang paghalik ay maaari ding makatulong sa pag-iwas sa pananakit ng ulo sa pamamagitan ng pagpapababa ng antas ng stress, na isang karaniwang trigger ng pananakit ng ulo.

Nakakabawas sa calories

Siyempre, hindi mapapalitan ng paghalik ang regular na ehersisyo, ngunit maaari itong makabawas ng humigit-kumulang 2 hanggang 26 calories depende sa kung gaano katindi ang inyong halikan. Isa pa rin itong magandang paraan para mabawasan ang ilang calories sa isang araw!

Nakakaangat ng self-esteem

Habang pinapataas nito ang iyong mga happy hormones, nakakababa rin ito ng cortisol, ang mga stress hormones — at ito ay may potensyal na makaangat sa iyong self-esteem!

Sa isang pag-aaral noong 2016, mas mataas ang antas ng cortisol sa mga kalahok na hindi kuntento sa kanilang pisikal na hitsura. Natuklasan ng isa pang pag-aaral sa Germany na ang mga asawang lalaki na humahalik sa kanilang asawa tuwing umaga bago sila umalis patungo sa trabaho ay nagtamasa ng mas mabuting kalusugan, nabuhay nang mas matagal, at kumikita ng mas maraming pera.

Higit pang pananaliksik ang kailangan para tuklasin ang koneksyon ng paghalik at self-esteem, ngunit ang pansamantalang pagbaba sa antas ng cortisol ay magandang paraan na para pasiglahin ka anumang araw!

Nakakabawas sa stress at pagkabalisa

Ang paghalik, pagyakap, at iba pang magiliw na mga kilos ay nagpapababa ng stress at nakakaapekto rin sa mga physiological processes na nauugnay sa stress management.

Nagkokontrol sa antas ng kolesterol

Ipinakita ng isang pag-aaral na ang mga mag-asawa na mas madalas na naghalikan ay mas maganda ang kabuuang antas ng serum cholesterol. Ang pagkakaroon ng malusog na antas ng kolesterol ay nakaka-iwas sa ilang mga sakit, kabilang ang sakit sa puso at stroke.

Nakakaganda

Baka ang ‘fountain of youth’ ay ang labi ng iyong partner pala!

Humigit-kumulang 2 hanggang 34 na muscles sa mukha ang iyong ginagamit tuwing humahalik. Ang regular na paggamit sa mga labi at facial muscles na iyon ay parang isang pag-eehersisyo para sa iyong mukha — at leeg, kung matinding halikan talaga ang trip niyo!

Pinapalakas nito ang iyong mga kalamnan sa mukha at hinihikayat ang paggawa ng collagen, na tumutulong sa pagpapabata ng iyong itsura at pagkinis ng balat.

Mga pinagmulan:

Longhurst, A. (July 13, 2018). 16 Reasons to Smooch: How Kissing Benefits Your Health. Healthline. https://www.healthline.com/health/benefits-of-kissing 

Reiss, V. (October 31, 2014). 8 health benefits of kissing. CNN Health. https://edition.cnn.com/2014/01/14/health/upwave-kissing/index.html

Davis, J. (n.d.). What’s So Great About Kissing?. WebMD. https://www.webmd.com/sex-relationships/features/kissing-benefits#1

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon