fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Paano ko malalaman kung ako’y nago-obulasyon?

Ang ovulation, o obulasyon, ay ang proseso kung saan ang obaryo (ovary) ay nagpapakawala ng mature na selulang itlog — ito’y paghahanda rin para sa pertilisasyion (fertilization)! Ang selulang itlog ay dumadaloy sa fallopian tube, kung saan may tsansa itong makatagpo ng esperma. Ito rin ang dahilan kung bakit ang obulasyon ay tinatawag na fertile days kasi ito ang panahon kung kailan napakataas ng tsansa mabuntis.

Kailan nangyayari ang obulasyon?

Ang siklo ng regla ay karaniwang tumatagal ng 28 hanggang 30 araw. Kadalasang nangyayari ang obulasyon sa kalagitnaan ng siklo, o sa ika-14 na araw kung regular ang iyong siklo.

Ngunit, pwede ring iba-iba ang timing nito para sa bawat babae. Mas mahirap tantyahin kung kailan ang iyong obulasyon kapag iregular ang iyong siklo, pero karaniwang nagaganap ito 14 na araw bago ang iyong regla. Ibig sabihin nito na may tsansa ka pa ring mabuntis kahit iregular ang siklo ng regla.

Gaano katagal ang obulasyon?

Ang obulasyon ay nangyayari sa loob ng 24 oras lamang. Napaka taas ng iyong tsansang mabuntis sa panahong ‘to, partikular sa tatlong araw bago ang obulasyon at sa araw mismo ng obulasyon. Ito ang tinatawag na fertile window.

Ano ang mga senyales ng obulasyon?

Maraming mga apps para sa mobile phones na nakakatulong masundan ang iyong siklo ng regla at fertile window. Pero kahit wala kang app, kaya mo pa rin matukoy ang panahon na ng iyong obulasyon sa pamamagitan ng pagmasid sa ilang mga pansamantalang pagbabago sa iyong katawan.

Pagbabago sa vaginal discharge at cervical mucus

Ang iyong katawan ay karaniwang mas marami ang nililikhang mucus bago ang obulasyon, at tinatawag na mga “slippery days” ang mga araw na ‘to. Clear, madulas gaya ng puti ng itlog, at madikit sa mga daliri ang mucus na iyong nililikha.

Pananakit ng mga suso

Ang biglang daloy ng antas ng mga hormones bago at pagkatapos ng obulasyon ay maaaring magsanhi ng pananakit ng mga suso. Nararanasan ito ng ilang babae bago ang obulasyon, at ang iba naman ay pagkatapos na ng obulasyon.

Kaunting pananakit ng puson

Oo, may ilang babae na nararamdaman ang kanilang obulasyon! Nakakaranas sila ng kaunting o biglaang pananakit sa kanilang puson, kadalasan sa iisang gilid lamang. Karaniwan, ‘di ito sobrang sakit, pero maaaring magtagal ng ilang minuto hanggang ilang oras. Para sa ilan, tumatagal ito ng isa o dalawang araw.

Kaunting spotting

Pwedeng makaranas ng kaunting spotting sa panahon ng obulasyon. Ang tawag dito ay ovulation spotting, at wala naman kailangang ikabahala.

Paano ko masusundan ang aking obulasyon?

Maliban sa pag-obserba sa mga pagbabagong nararanasan, may iba pang mga paraan para mas madaling matukoy kung panahon na ng iyong obulasyon.

Pagsunod sa kalendaryo

Ang pagsunod sa kalendaryo ay magandang paraan para maging pamilyar sa iyong siklo ng regla.

Sa loob ng anim na buwan, markahan ang mga araw na ika’y niregla, pati na rin ang mga araw na nakaranas ng mga pagbabago sa katawan (hal. Pagbabago sa vaginal discharge at cervical mucus, pananakit ng puson, spotting, atbp.)

I-check ang iyong basal temperature

Habang obulasyon, bahagyang mas mataas ang iyong basal body temperature (o ang temperatura ng iyong katawan kapag nagpapahinga) kumpara sa ibang araw ng iyong siklo ng regla.

Gumamit ng digital thermometer para kunin ang iyong basal body temperature tuwing umaga bago bumangon. Gawin ito araw-araw at ilista ang mga resulta.

Maaaring bahagyang tumaas ng mga 0.3 C ang iyong basal body temperature kapag ika’y nag-oobyula. Kumpirmadong panahon na ng iyong obulasyon kapag ilang araw na sunod-sunod na bahagyang mataas ang iyong temperatura.

Gumamit ng ovulation test kit

Ang mga fertility test kit, gaya ng TRUST BLOOM Ovulation Test, ay nakakatulong matukoy kung obulasyon mo na sa araw na ginamit mo ito. Ito’y nabibili sa mga pangunahing botika.

Maaari ring mabili ang TRUST BLOOM Ovulation Test kit online!

Shopee: https://bit.ly/3xpkDLo 

Lazada: https://bit.ly/3HWX5Ce 

Mga pinagmulan:

https://www.webmd.com/baby/am-i-ovulating#1

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/getting-pregnant/expert-answers/ovulation-signs/faq-20058000

https://www.parents.com/getting-pregnant/ovulation/signs/signs-of-ovulation/

https://www.thebump.com/a/ovulation-symptoms-signs-of-ovulation

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon