fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Paano Magtalik Nang Walang Penetrasyon

Sex Without Penetration

Pwedeng magtalik nang walang penetrasyon!? Oo, pwedeng pwede! At maraming paraan gawin ito.

Ang pagtalik nang walang penetrasyon ay madalas na tinatawag na outercourse, at ang mga itinuturing na outercourse ay maaaring magkakaiba sa bawat tao. Para sa ilan, lahat ito maliban sa penetrasyong penis-in-vagina (PIV). Habang sa iba ang outercourse ay kahit anong aktibidad na sekswal nang walang penetrasyon ng anumang uri, kabilang ang mga daliri, laruang sekswal, at anal sex.

Ang kahulugan ng outercourse ay depende sa iyo, ngunit maaaring kabilang dito ang alinman sa susunod:

Paghalik

Ang paghalik ay magandang paraan upang makipag-ugnay sa iyong kasosyo. Ang paghalik sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay makakatulong sa iyo at sa iyong kasosyo na malaman kung ano ang nakaka-turn on sa inyo.

Pagmasahe

Nagiging seksi at erotiko ang mga masahe sa tamang kondisyon. Magsindi ng mga kandila at kumuha ng langis pang masahe (o pwede rin ang pampadulas!) upang ihanda ang eksena. Bigyan ang iyong kasosyo ng seksing paghaplos na hindi nila nakukuha sa spa at bumulong ng mga erotikong detalye kung paano at saan niyo nais na mahawakan.

Dry Humping

Ang paghalik hanggang sa paggiling ninyo ng katawan at maselang bahagi ng katawan sa isa’t isa ay maaaring nakakasabik sa anumang edad! Maaari mo ring galugarin ang mga posisyon, mga damit, at role play na gusto niyo na maaaring gawin mas nakakatuwa at nakakasabik ang pagtalik.

Mutual Masturbation

Ikaw ang nakakaalam kung paano mo nais mahawakan, kaya samantalahin mo iyon! Ang masturbesyon (pagbati) ay madalas na gawing solo na aktibidad, ngunit maaari itong maging mas masaya na gawin kasabay ang iyong kasosyo. Maaaring kayong magbati nang magkasama habang naghahalikan, nakikipag-usap, at ipinapakita ang bawat isa ano ang gusto niyo.

Paggamit Ng Mga Laruanng Sekswal (sa ibang mga depenisyon)

Malawak ang mundo ng mga laruan sekswal, at siguradong makakahanap ka ng isa na makakalugod sa iyong mga pagnanasa. Magbasa tungkol sa iba’t ibang mga laruang sekswal at alamin kung alin ang maaaring makakasaya sa iyo.

Isang paborito ng mga tao ay ang vibrator. Maaari itong gamitin sa genital stimulation (pagpapasigla sa ari) nang walang penetrasyon — gamitin ito sa clitoris o sa ulo ng ari ng lalaki. Pwede ring igitna ang vibrator sa pagitan ng maselang bahagi ng katawan mo at ng iyong kasosyo para mas nakakasabik ang dry humping. Ang mga posibilidad ay walang hangganan!

Paggamit Ng Kamay (sa ibang mga depenisyon)

Ang mga kamay ay kaya ring gumawa ng mga hiwaga sa kama. Ang kailangan mo lang ay ang iyong mga kamay upang gumawa ng mga nakakasabik na galaw sa kama nang walang penetrasyon, at kasama dito ang mga handjob at clitoral stimulation (o pag-finger nang walang penetrasyon sa pwerta). Makakatulong din ang pampadulas (personal lubricant) na gawing mas senswal at kapana-panabik ang aktibidad.

Oral Sex

Ipakita mo ang talento ng iyong bibig! Blowjob, cunnilingus, at rimming ay ilan lamang sa mga paraan na magagamit mo ang iyong bibig sa mga maselang bahagi ng katawan at iba pang mga erogenous zone ng iyong kasosyo. Maging malikhain!

Anal Sex (sa ibang mga depenisyon)

Ang anal sex ay pwede maging kasiya-siya para sa sinuman anuman ang kasarian, at maaaring gumamit ng ari (ng lalaki) o laruang sekswal. Ang mga laruang sekswal na mahusay para sa mga gawaing anal ay maaaring hindi tulad para sa iba pang mga bahagi ng katawan, kaya’t ito rin ay magandang panahon upang galugarin at subukan ang mga iba’t ibang laruan.

Paglaro Ng Utong

Maraming tao ang nasisiyahan kapag pinupukaw ang kanilang utong. Ang pagdila, pagsuso, malumanay na pagkagat, paghawak, pagkurot, o kahit ang paggamit ng mga laruanng sekswal ay ilang mga paraan kung paano mo mapukaw ang utong ng iyong kasosyo. Ang ilang mga tao ay nakakaranas din ng “nipplegasm” mula sa pagpukaw lamang ng mga utong.

Posible ba ang pagbubuntis kung outercourse lamang?

Kahit na ang outercourse ay walang PIV na penetrasyon, mayroon pa ring maliit na tsansa na mabuntis. Maaaring mangyari ito kung ang semilya ay pumasok o napalapit sa pwerta at kung ang mga laruan o daliri na nadikit sa semilya ay nakapasok sa pwerta.

Kung nais mong hawakan o magpasok ng anumang bagay sa pwerta, tiyaking maghugas nang maigi at gumamit ng proteksyon.

Posible bang makakuha o makapasa ng mga STI?

Ang pagkuha o pagpasa ng mga sexually transmitted infection (STI) ay posible sa ilang mga kaso. Mayroong panganib ng mga STI kapag ang outercourse ay nagsasangkot ng mga genital o sexual fluid (tulad ng semilya at vaginal fluid). Ang mga STI ay maaari ring maipasa sa pamamagitan ng oral sex, anal sex, at pagbabahagi ng mga laruang sekswal.

Upang mabawasan ang panganib, pinakamahusay na paraan ay gumamit ng proteksyon tulad ng mga condom.

Ano ngayon?

Karamihan sa mga tao ay palaging iniisip ang seks o pagtalik bilang isang kurso ng pagkilos: foreplay, penetrasyon, at orgasmo.

Maraming mga paraan upang matamasa ang seks, at may mga pangangailangan at kagustuhan na hindi palaging umaangkop sa tradisyonal na ideya ng pakikipagtalik.

Anuman ang iyong dahilan sa paggawa ng outercourse, ito ay isang masaya na paraan upang subukan ang mga bagong bagay, galugarin ang iba’t ibang mga kasiyahan, at tuklasin ang iba pang mga aspeto ng sensualidad.

Mga pinagmulan:

https://www.healthline.com/health/healthy-sex/outercourse#sti-risk

https://www.refinery29.com/en-us/outercourse-non-penetrative-sex-ideas

Please follow and like us:

2 thoughts on “Paano Magtalik Nang Walang Penetrasyon

  1. Ask ko lang po kase natatakot po yung friend ko na baka daw po mabuntis siya dahil nung onetime daw po na fininger siya ng bf niya nagdugo daw po ang ari niya kaya napaparanoid po siya.

    1. Hi Liezel! Kung wala namang semilya ang daliring pinasok, hindi po siya mabubuntis. Ang posibleng sanhi ng pagdurugo ay ang priksyon nung pinasok ang mga daliri. Mabuting gumamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon