fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Paano Malalagpasan Ang Takot Sa Pagpapalagayang-loob?

reproductive health, family planning, fear of intimacy

Tayo bilang tao ay relasyonal na mga nilalang, at likas sa lahat ng mga relasyon ang pangangailangan para sa pisikal at emosyonal na pagpapalagayang-loob.

Kailangan nating bumuo at makaranas ng malapit at matatag na relasyon kasama ang ibang tao. Para sa iba, gayunpaman, ang pagpapalagayang-loob ay isang kumplikadong bagay, at para sa ilang mga tao, maaari itong maging sanhi ng takot, pag-alala, at paghihirap. Sa artikulong ito, titingnan natin ang mga posibleng dahilan kung bakit may mga taong nagkakaroon ng takot sa pagpapalagayang-loob at kung paano pagtagumpayan ang sitwasyong ito.

Ano ang takot sa pagpapalagayang-loob?

Ang takot sa pagpapalagayang-loob ay maaaring maidulot ng mga positibong damdamin o pagka-malapit, ang pagpili sayo ng isang kapareha, ang makaranas ng kanilang pagmamahal — ay maaaring magdulot ng matinding takot sa pagpapalagayang-loob.

Sa madaling salita, ang takot sa malapit na relasyon at pagpapalagayang-loob sa iba ay isang unconscious na proseso, na madalas nakakaapekto sa kakayahan ng isang tao na makabuo o magpanatili ng malapit na relasyon. Ang takot na ito sa parehong pisikal at emosyonal na pagpapalagayang-loob ay madalas nagiging suliranin sa mga pinakamakabuluhang relasyon ng isang tao.

Ang takot sa pagpapalagayang-loob ay maaari din maunawaan bilang isang kumbinasyon ng mga kumplikadong pag-uugali, damdamin, at kaisipan na maaaring pumigil sa isang tao na magkaroon ng makabuluhan at pangmatagalang relasyon o makagambala sa kasalukuyang mga relasyon. Ang mga takot na ito ay hindi lamang nangyayari sa mga romantikong relasyon ngunit sa loob din ng pamilya at platonic na mga relasyon.

Ang takot sa pagpapalagayang-loob ay isang kumplikadong bagay, at madalas na saklaw nito ang iba pang mga kumplikadong damdamin, tulad ng kawalan ng katiyakan tungkol sa mga isang relasyon.

Dahil ang takot sa pagpapalagayang-loob ay isang unconscious na proseso, may mga taong hindi sinasadyang tanggihan ang pagmamahal o pag-aalala mula sa ibang tao. Sa halip, sa mga panahong may nagpaparamdam sa kanila ng pagmamahal, naghahanap sila ng mga paraan upang iwasan ito, na madalas na humahantong sa maagang pagtatapos ng isang relasyon, bago pa man ito maging ganap at magkaroon ng malalim na pundasyon.

Paano at bakit nabubuo ang takot sa pagpapalagayang-loob?

Ang takot sa pagpapalagayang-loob ay maaaring magmula sa isang iba’t ibang mga kadahilanan, ngunit para sa maraming mga tao, mayroon itong ugat sa pagkabata at sa relasyon sa pagitan ng sanggol at pangunahing tagapag-alaga. Ipinapahayag ng mga sanggol ang kanilang mga pangangailangan (kagutuman, pagtulog, kaligtasan atbp.) Sa pamamagitan ng pag-iyak o pakikipag-ugnay sa tagapag-alaga o magulang.

Sa paglipas ng panahon, natututunan ng mga sanggol kung ang kanilang mga pangangailangan ay matutugunan nang may galak, galit, o pagka-irita. Minsan ang mga pangangailangan ay hindi natutugunan, at habang ang siklo ay nagpapatuloy sa mga unang ilang taon ng ating buhay, nakabubuo tayo ng mga koneksyon sa ating isipan tungkol sa kung ano ang ibig sabihin sa atin ng mga relasyon. Ang koneksyong ito na nabuo simula nang tayo ay sanggol pa lamang ay nagpapatuloy hanggang sa ating pagtanda. 

Ang mga pangunahing paniniwala na nabuo sa pagkabata ay maaaring magbunga ng saloobin tungkol sa ating sarili ng tayo hindi sapat, o kahit papaano ay kulang sa mga magagandang katangian, na tayo ay masama, hindi karapat-dapat sa pagmamahal o may kulang sa atin. Bagaman ang mga saloobin na ito ay hindi kasiya-siya, masakit, ito ay pamilyar sa atin, at sa isang banda marahil ay komportable. Maaari tayong masanay sa presensya sa ating unconscious na isip, na lumilikha ng mga pag-uugali, reaksyon, at proseso sa ating mga relasyon.

Paano ito malalagpasan?

Kahit na ang takot sa pagpapalagayang-loob ay isang unconscious na proseso, maaari pa rin nating obserbahan kung paano ito nakaapekto sa ating pag-uugali. Kapag itinutulak natin papalayo ang ating kapareha o kapag tinatanggihan natin ang kanilang pagmamahal, kumikilos tayo ayon sa takot. Ang pagpigil sa mga positibong katangian na gusto sa atin ng ating kapareha ay isa pang paraan na tayo ay kumikilos ayon sa takot na ito. Madalas nating subukan na gawing hindi kaibig-ibig ang ating sarili, para hindi tayo matakot na mahalin ng iba. Ang mga pag-uugaling ito ay maaaring nakababawas ang ating alalahanin tungkol sa pagiging masyadong malapit sa isang tao, ngunit may malaking kapalit ito sa atin. Ang pagkilos ayon sa ating mga takot ay nagpapanatili ng mga negatibong saloobin natin tungkol sa ating sarili at pinipigilan tayo mula sa pagkakataong maging masaya.

Gayunpaman, kaya nating lagpasan ang takot sa pagpapalagayang loob. Maaari nating paunlarin ang ating sarili upang pigilin ang matakot sa pag-ibig at hayaan ang isang tao makapasok sa ating buhay. Maaari nating makilala ang mga pag-uugali na dala ng ating takot at labanan ang mga reaksyong ito na pumipigil sa kakayahan nating umibig. Maaari tayong manatiling mapagtanggap sa ating relasyon sa pamamagitan ng paglaban sa ating mga pantasya at pagpigil sa mga pag-uugaling dulot ng takot. Maaari nating mapanatili ang ating integridad, matutong lumaban kahit nahihirapan, at hayaan ang iba na mahalin tayo. Sa pamamagitan ng paghamon sa ang ating takot sa pagpapalagayang-loob, maaari nating mapalawak ang ating kakayahan sa parehong pagbibigay at pagtanggap ng pagmamahal.

Mga pinagmulan: https://www.counselling-directory.org.uk/counsellor-articles/understanding-fear-of-intimacy-a-brief-exploration

https://www.psychalive.org/5-ways-to-overcome-your-fear-of-love/

https://www.psychalive.org/fear-of-intimacy/

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon