fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Paano nalalaman ng mga babae kung naabot na nila ang orgasmo?

Maraming babae ang nahihirapan matukoy kung naabot na ba nila ang orgasmo. Sa mga palabas sa telebisyon, pelikula, at porn, karaniwang pinapakita ito na parang isang pasabog na “nakakayanig ng mundo,” at madalas na inihahambing sa mga paputok.

Pero ang mga orgasmong nakikita sa mga palabas ay pag-aarte lamang ng mga artista, at hindi naman talaga eksakto sa mga tunay na orgasmong karaniwang nararansan ng mga babae. Kaya, ang unang bagay na dapat mong malaman ay ang iyong orgasmo ay hindi kailangan katulad ng mga napapanood mo.

Madaling matukoy kapag nag-orgasmo na ang mga lalaki dahil sila’y nagbubulalas. Pero sa mga babae, ang kanilang orgasmo ay hindi gaanong pinag-uusapan at halata tulad ng ipinapakita sa mga palabas. Iba-iba ang karanasan, at pwedeng pabago-bago rin ang pakiramdam. Kaya maraming babae ang hindi makatukoy kung naabot na ba nila ang orgasmo.

Narito ang ilang bagay na dapat mong malaman tungkol sa orgasmo ng babae, at kung paano mo malalaman na naabot mo na ito.

Iba-iba ang karanasan ng bawat babae

Gaya ng pakikipagtalik, ang orgasmo ay napakapersonal na karanasan. Naiiba ito sa bawat babae, at pwede ring iba-iba ang pakiramdam.

May kanya-kanyang paraan para ilarawan ang pakiramdam ng orgasmo, pero ito ang tatlong pinaka karaniwang sinasabi tungkol sa mga orgasmo: 

  • Ang rurok o kasukdulan ng sexual pleasure sa anumang sexual activity
  • Iba ang pakiramdam kumpara sa ibang sensasyon
  • Biglang pagkawala ng naipon na pleasure

Ayon sa ibang babae, kapag naabot na raw nila ang orgasmo, parang daw silang “nanginginig,” nakakaramdam ng “pananakit na masarap,” at “maliliit na bugso ng pleasure.”

Iba-iba rin ang bawat orgasmo

Hindi lahat ng orgasmo ay pare-pareho ang tindi. Pwedeng napaka lakas nila sa ibang araw, at mahina naman minsan.

Hindi naman mahalaga kung gaano katindi o kasarap ang iyong orgasmo, basta ika’y nasisiyahan at nag-eenjoy sa buong karanasan.

Pero alam mo ba na may kakayahan kang makaranas ng iba’t ibang orgasmo? Ganyan kahiwaga ang katawan ng mga babae!

May ilang karaniwang klase ng orgasmo, pero pwedeng iba-iba ito sa bawat tao:

  • Clitoral orgasm. Ito ay karaniwang nararamdaman sa surface ng katawan, at nagpapakawala ng nakakakilabot na sensasyon sa balat at ulo. Naaabot ito sa pamamagitan ng clitoral stimulation.
  • Vaginal orgasm. Nararamdaman ito sa loob ng katawan, at maaari ring maramdaman ng partner kapag may penetrasyon dahil ang mga paligid nito ay pupulso. Ito’y kadalasan sanhi ng penetrasyon sa pwerta.
  • Anal orgasm. Nararamdaman rin ito sa loob ng katawan, sa paligid ng anal sphincter. Parang maiiihi ka kapag naramdaman mo na ang mga contractions. Nararanasan ito sa pamamagitan ng anal stimulation o anal play.
  • Blended orgasm. At ang mas mahiwaga pa? Ang mga babae ay maaaring makaranas ng dalawang orgasmo nang sabay! Ang pinaka karaniwang kombinasyon ay ang vaginal (lalo na kapag na-stimulate ang G-spot) at clitoral orgasm. May ibang babae na pwede ring magbulalas kapag naabot ito.
  • Erogenous zone orgasm. Pwede ka ring makaranas ng orgasmo kapag na-stimulate ang iyong mga erogenous zones.

Pwedeng mapabuti ang mga orgasmo

Practice makes perfect, ‘ika nga nila. At ganun rin pagdating sa mga orgasmo.

Oo, pwedeng makaranas ng mas masasarap na mga orgasmo sa pamamagitan ng masturbasyon. Malalaman mo kung ano ang mga orgasmong kaya mong maabot, at kung anong istimulasyon ang kailangan ng iyong katawan para maabot ang orgasmo.

Baka may gusto kang partikular na haplos at presyur sa partikular na parte ng katawan, na nakakatulong sa iyo maabot ang orgasmo. Kapag natukoy mo na kung ano ang mga gusto mo, pwede itong ibahagi sa iyong partner para malaman niya rin kung paano gagawing masaya ang karanasan para sa iyo. 

May ilang mga pisikal na senyales kapag ika’y nag-orgasmo

Kung hindi ka pa rin sigurado kung nag-orgasmo ka ba o hindi, may ilang mga senyales na ipapakita ng iyong katawan kapag nalalapit ka na sa rurok. Ulit, iba-iba ang posibleng karanasan at reaksyon ng bawat tao, pero ang karamihan ay nakakaranas ng involuntary physiological response.

Narito ang ilan sa mga pinaka karaniwang senyales na ika’y nag-orgasmo:

  • Nanginginig ang iyong katawan
  • Nakakaramdam ka ng tensyon, at biglang pagkawala nito
  • Pumupulso ang mga kalamnan
  • Nakakaramdam ng saya at pagrelaks
  • Nagbabago ang iyong paghinga at pagtibok ng puso
  • Bigla kang inaantok
  • Namumula ang iyong mukha

Maaaring maging sensitibo ang iyong ari pagkatapos mag-orgasmo, na hindi mo muna gustong mahawakan nang ilang minuto. Pwede namang ibang parte muna ng katawan ang bigyan ng istimulasyon kung nais ipagpatuloy ang pakikipagtalik pagkatapos ng orgasmo.

Mga pinagmulan:

https://www.healthline.com/health/healthy-sex/female-orgasm-feels-like

https://www.refinery29.com/en-us/how-to-know-if-you-orgasm

https://www.bustle.com/wellness/what-does-orgasm-feel-for-woman

https://www.bustle.com/p/how-do-you-know-if-youve-had-orgasm-its-not-always-obvious-9216473

https://www.elitedaily.com/dating/what-does-an-orgasm-feel-like

https://www.healthline.com/health/healthy-sex/types-of-orgasms

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon