ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Pag-uusap Tungkol Sa Pagtatalik

reproductive health, family planning, sex

Narito ang ilang mga paraan upang matulungan ka at ang iyong kasintahan na simulan ang pag-uusap tungkol sa pagtatalik:

  • Pag-usapan kung ano ang iyong mga alinlangan, kung ano ang nakakapukaw sa iyo at kung ano ang inaasahan mo. Makinig din sa mga saloobin at damdamin ng iyong kapareha tungkol sa pagtatalik.
  • Pag-usapan kung paano mo mapoprotektahan ang iyong sarili mula sa mga impeksyong naipapasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik (STIs), pati na rin ang hindi planadong pagbubuntis. Pag-aralan ang iba’t ibang pamamaraan sa pagpaplano ng pamilya kung naghahanap ka ng karagdagang impormasyon upang makapagpasya sa pamamaraan na bagay sa iyo.
  • Kung ikaw ay naging aktibo sa pagtatalik dati, pumunta sa isang klinika at magpasuri para sa STIs.

Kahit na nakipagtalik ka na noon, hindi ito nangangahulugan na handa ka na. Kung hindi ka pa komportable, walang masama sa pagtanggi at dapat igalang ng iyong kapareha ang iyong desisyon. Sa kabilang banda, kung ang kapareha mo naman ang ayaw, igalang mo ang kanyang desisyon. Kahit ano pa ang gusto niyo, pag-usapan ninyo ito!

Iilang tao lamang ang nauunawaan ang pakikipagtalik sa unang beses na sinubukan ito at maaaring mangailangan ka ng maraming taon upang malaman mo kung ano ang gusto mo. Kung kayo man ay makikipagtalik, ang pinakamahalagang bagay ay ikaw at ang iyong kapareha ay maging ligtas at komportable.

Pinagmulan: http://www.teensource.org/relationships/romance#HealthyRelationships

Please follow and like us:
error

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon