ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Pagninilay-Nilay

meditation, mindfulness

Ang pagninilay-nila ay hindi lamang para sa Buddhist o para sa nag-yoyoga; pwede mo rin itong gawin! Ang pagninilay-nilay at pag-iisip ay may maraming benepisyo sa kalusugan, kabilang ang paghusay sa inyong pagtalik.

Ang pagninilay-nilay ay ang pagtuon sa iyong pansin, konsentrasyon, at isipan sa kahit anong napiling bagay sa pagninilay-nilay—at oo, maaaring isama ang mahusay na pagtatalik.

Ang stress ay maaaring makaapekto sa pagtalik, at ang pagninilay-nilay ay makakatulong na mapawi ang stress at mamahinga ang iyong isip bago ka makipagtalik. Ang pagninilay-nilay ay tumutulong din sa iyo na maging mas nakatuon sa kasalukuyan at sa iyong mga pandama, at ang paggamit ng kasanayang ito sa panahon ng pagtalik ay maaaring gawing mas kamangha-mangha ang karanasan at orgasmo!

Paano Magsanay Ng Pagninilay

Magandang mapalakas ang kasanayang ito sa isang hindi sekswal na sitwasyon muna bago ilapat ito sa pagtalik. Hindi mo magagawa ang isang bagay sa panahon ng pagtalik kung hindi mo pa sinubukan ito, kaya sanayin ang sarili!

Huwag mag-isip ng anuman, maliban sa iyong paghinga at kung ano ang nangyayari sa sandali. Magsimula sa maiikling oras, mga 30 segundo araw-araw, at unti-unting dagdagan ang oras araw-araw. Isipin ito bilang ehersisyo para sa utak!

Pinagmulan:

https://www.prevention.com/sex/a27044695/sexual-meditation/

Please follow and like us:
error

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon