ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Pagpapanatiling Ligtas

reproductive health, family planning, staying protected

Kung makikipagtalik ka, mayroon lamang isang paraan upang maprotektahan ang iyong sarili laban sa mga sakit na naipapasa sa pakikipagtalik (STIs), at iyon ay sa pamamagitan ng ligtas o protektadong pakikipagtalik. At hindi lamang ito ginagawa paminsan minsan, o kahit kadalasan; ang ligtas na seks ay kailangang ugaliin sa bawat oras.

Ang pinakamahusay at pinakamadaling paraan upang maprotektahan ang iyong sarili mula sa mga STI ay ang paggamit ng alinman sa panlalaking condom o pambabaeng condom.

Maaari ka ring gumamit ng condom para sa proteksyon sa oral seks. Mahalaga ito lalo na kung hindi mo alam ang katayuan sa kalusugan ng iyong kapareha o kung ikaw ay nasa isang non-monogamous o hindi eksklusibong relasyon. Responsibilidad mong protektahan ang iyong sarili. Ngunit narito ang ilang mga payo upang matulungan kang manatiling protektado:

  • Ugaliin ang tama at palagiang paggamit ng condom kung magkakaroon ng vaginal o anal na pakikipagtalik. Ang condom na gawa sa latex ay ang pinakamahusay na proteksyon laban sa mga STI. Para sa mas ligtas at mas mahusay na pakikipagtalik, gumamit ng kaunting pampadulas na water-based kasama ang condom.
  • Magkaroon ng regular check-up para sa mga STI, lalo na kung mayroon kang bagong kapareha o nagkaroon ka ng maraming mga kapareha.
  • Tiyaking alam mo ang mga karaniwang sintomas ng mga STI. Magbasa tungkol sa iba’t ibang mga STI. Ipagbigay-alam kaagad sa iyong doktor kung napansin mo ang anumang mga palatandaan. Tandaan na maraming mga STI ang hindi kakikitaan ng mga sintomas kaya mahalaga pa rin ang magpasuri.
  • Iwasan ang douching (paghuhugas sa loob ng ari ng babae) dahil inaalis nito ang ilan sa mga normal na bakterya na nagsisilbing proteksyon sa ari, at pinatataas ang panganib na makakuha ng ilang mga STI.
  • Huwag makipagtalik sa isang taong ayaw gumamit ng proteksyon, o isang taong hindi mo alam ang katayuan ng kalusugan.
  • Iwasan ang makipagtalik kapag ikaw ay nasa ilalim ng impluwensya ng droga o alkohol. Kapag wala ka sa iyong sarili, madaling gumawa ng mga desisyon na pagsisisihan mo.

Mga Pinagmulan: https://www.plannedparenthood.org/learn/teens/relationships/all-about-communication/talking-your-partner-about-condoms-and-birth-control

https://www.bedsider.org/features/247-how-to-make-sex-safer-in-4-simple-steps

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon