fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Pagpapanatiling Malinis Ng Ari (Ng Babae)

Vagina, hygiene, Sexual Health, Family Planning

Sa kabila ng kung ano ang sinasabi ng mga patalastas, ang iyong ari ay hindi dapat kasing amoy ng “mga sariwang bulaklak.” Ang pag-aalaga ng iyong ari ay napaka-simple, at hindi mangangailangan ng mga mamahaling produkto — ngunit dapat bang hinuhugasan ang iyong pwerta? Hindi, ngunit ang iyong vulva ay kailangang hugasan.

Ang pwerta (vagina) at bulba (vulva)

Kaya ano ang pagkakaiba? Ang pwerta ay ang panloob na kanal sa loob ng iyong katawan. Ang bubla ay tumutukoy sa mga maselang bahagi ng katawan ng babae sa labas ng ari, tulad ng:

  • Klitoris
  • Klitoral hood
  • Ang panloob at panlabas na labia

Mabuting hugasan ang mga bahaging ito, ngunit hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa iyong pwerta; kaya nitong alagaan ang sarili.

Likas na kapaligiran ng pwerta

Ang pwerta ay gumagawa ng sarili nitong mabuting bakterya at likas na uhog na tumutulong mapanatiling malinis ang sarili. Ang paggamit ng sabon sa paghuhugas ng iyong pwerta ay maaaring hadlangan ito sa paggawa ng sariling mga tungkulin sa paglilinis at sirain ang likas na balanse nito. Kung nais mong panatilihing malusog ang pwerta, hayaan itong gawin ang sariling trabaho.

Paghugas ng iyong bulba

Palaging pinapaisip sa atin ng lipunan at kultura na marumi ang ari ng babae, ngunit hindi talaga nangangailangan ng matinding pagkuskos o malupit na mga produkto upang malinis ito. Paano ba talaga dapat linisin ang bulba?

  • Gumamit ng maligamgam na tubig at banayad na sabon. Sapat na ang maligamgam na tubig pang linis ng iyong bulba; ngunit kung mas komportable sa paggamit ng sabon, gumamit ng banayad at walang halong pabango. Hindi dapat masyadong mainit ang tubig at dapat ibanlaw nang husto ang sabon.
  • Maging banayad. Dahan-dahang ibuka ang mga labia gamit ang mga daliri, at hayaan lamang ang maligamgam, at mabulang tubig na dumadaloy sa paligid ng klitoral hood at sa pagitan ng labia — hindi na kailangan ng pagkuskos! Sensitibo ang balat at hindi na kailangan ng washcloth o loofah. Gayundin, siguraduhin na hindi papasok ang sabon sa pwerta. Mahusay din na hugasan ang anus at ang lugar sa pagitan ng anus at bulba. Kung gagawin mo ito, tandaan na maghugas mula sa harap papuntang likod upang iwasan mapunta ang bakterya ng anus sa pwerta at yuritra.
  • Dampiin para matuyo. Matapos mong lubusang hugasan ang iyong bulba, dampiin ito gamit ang isang malambot na tuwalya para matuyo.
  • Magsuot ng malinis at gawa sa cotton na panty. Matapos maligo o hugasan ang iyong bulba, tiyakin na ang panty na iyong isusuot ay malinis at nalabhan. Ang panty gawa sa cotton ay ang pinakamabuti dahil sa ganitong uri ng materyal “nakakahinga” ang iyong ari.

Regular na palitan ang iyong napkin o tampon kung ikaw ay nireregla. Maaari mo ring hugasan ang iyong bulba nang higit sa isang beses sa isang araw kung nais manatiling presko o nag-aalala ka na mangamoy.

Ano ang Iwasan

  • Douching. Ang douching ay ang pag-agos ng tubis sa loob ng pwerta upang ito ay “malinis” at maalis ang natural na mga uhog. Ginugulo nito ang likas na kapaligiran ng pwerta at ang mga bakterya na nagpoprotekta dito, kaya mahihirapan ito na linisin ang sarili. Mas mabuting iwanan ang paglilinis sa pwerta — alam nito kung ano ang gagawin.
  • Mga feminine spray at wash. Ang mga produktong tulad ng feminine spray at wash ay karaniwang may mga pabango at kemikal na maaaring maging sanhi ng pangangati o iritasyon sa sensitibong balat ng iyong ari. Kung nag-aalala ka tungkol sa amoy, hugasan nang regular ang iyong bulba gamit ang maligamgam na tubig, o gumamit ng banayad ata walang pabangong sabon..
  • Vaginal steaming. Ang vaginal steaming ay ang pagkulo ng mga herb sa mainit na tubig at pag-upo sa ibabaw ng tubig upang dumaloy ang singaw sa loob ng pwertai. May mga nagsasabi na nakakatulong ito sa pananakit ng puson, kabag, at iba pang mga kondisyon, ngunit walang mga pag-aaral na patunayan na ang vaginal steaming ay nakakatulong na mapabuti ang kalusugan ng ari. Maaaring masunog ng mainit na singaw ang sensitibong tisyu ng pwerta at makagambala sa likas na kapaligiran, kaya hindi inirerekumenda na mag-vaginal steaming.
  • Masikip na damit. Ang masikip na damit ay maaaring pigilan ang likas na bentilasyon, at maaaring gawing makati, mainit-init, at mahalumigmig ang iyong ari — sa ganitong kapaligiran karaniwang lumalago ang mga bakterya. Iwasan ang pagsusuot ng masisikip at mamasa-masang damit nang matagal upang mapanatiling presko ang iyong ari.

Mga Pinagmulan: 

https://www.healthline.com/health/how-to-clean-your-vagina#steaming

https://www.nhs.uk/live-well/sexual-health/keeping-your-vagina-clean-and-healthy/

Please follow and like us:

63 thoughts on “Pagpapanatiling Malinis Ng Ari (Ng Babae)

  1. Hello po. Good day. Bakit po after sex mabaho po yung lumalabas na fluid galing sa babae? Ano pong magandang gawin? Palagi naman naghuhugas at malinis sa katawan. Salamat po.

  2. Normal lang po ba yung malansang amoy pagkatapos magsex? Tsaka sa babae po ba galing yung malansang amoy? Ano po ba dapat gawin para mawala yung ganung amoy? Salamat

    1. Hi Alma! Ang malansang amoy po ay maaaring sanhi ng paghahalo ng vaginal discharge at ng semilya ng lalake. Para po maiwasan ito, mainam na gumamit ng condom gaya ng Trust o Premiere.

  3. Hello Po.. May tanong po ako.. Ano po ang gagawin Kung nasugatan mo ang iyong vagina dahil sa pag shave?

    Sana mapansin po 🙏 Salamat

    1. Hi Cha! Ang mga maliliit na sugat sa pwerta ay karaniwang kusang naghihilom sa loob ng ilang araw. Mainam na umiwas muna magtalik at huwag hawakan ang sugat. Siguraduhin rin na palaging malinis ang ari – hugasan ito araw-araw gamit ang maligamgam na tubig, at dahan-dahan dampiin para matuyo bago magsuot ng malinis na panty. Kung umabot ito higit sa isang linggo, lumala pa, nagdugo, nakakaranas pa ng ibang sintomas, at nakakasagabal na sa araw-araw na gawain, mainam na magkonsulta na sa obgyn kaagad ukol dito.

  4. hello po.
    tanong ko lang po. sobrang dami na po ang discharge na galing sa pwerta ko. palagi po basa yung panty ko sa sobrang dami po halos yung short ko sobrang basa na rin. para akong may regla kaso tubig yung lumalabas. halos araw2x ko pong nararanasan to mag dadalawang buwan na. irregular din pi menstruation ko. sana po masagot katanongan ko. thank you.

    1. Hi Precious! Normal lang na lumikha ng vaginal discharge ang iyong katawan. Ngunit, kung nakakabahala na sa iyo ang dami niya, mabuting magpasuri sa doktor para mapayuhan sa angkop na solusyon para dito.

  5. ..papaconsult lang sana ako.napakasensitive po nito..ako po kasi ay ilang araw ng nakakaramdam ng pangangati sa paligid ng aking ari..sa totoo lang po..itinigil ko na po paghuhugas gamit ang sabon..tubig na lang po ginagamit ko..tumigil naman po ito..kaso nitong nagkaroon po ako ng buwanang dalaw ay umulit po siya ng pangangati.ano po kaya ang maaari kong gawin.

    salamat po

    1. Hi Rhoda! Mahalagang paalala lang po na hindi kami mga doktor. Maraming posibleng sanhi ng iyong pangangati, tulad ng impeksyon. Madalas po ba magsuot ng masisikip na damit? Palagi po bang nagsusuot ng malinis na panty pagkatapos maghugas? May sabon po bang ginagamit kapag naghuhugas? Ang angkop na gamot o solusyon po kasi dito ay nakadepende sa sanhi.

  6. Hi ,Good day po ask ko Lang po Kung bakit po ba kumakati Ang dlawang pisngi ng Ari ng Babae pero Wala Naman pong sugat Makati Lang sya subra, lagi naman naghuhugas ,ano Po ba pwedeng gwin at gamut po.salamat😔😊

    1. Hi Charlotte! Maraming posibleng sanhi ng iyong pangangati. Madalas po ba magsuot ng masisikip na damit? Palagi po bang nagsusuot ng malinis na panty pagkatapos maghugas? May sabon po bang ginagamit kapag naghuhugas? Ang angkop na gamot o solusyon po kasi dito ay nakadepende sa sanhi.

  7. Hi po. Ano po puede ko gawin. Twing ng sesex kmi ng asawa ko ng bleeding ako. Tuyong tuyo din pwerta ko kahit kainin nia pa. Parang sobrang dry na. Ano po gamot puede dito o pagkaincpag dagdag pampadagdag likido ng ari. Salamat pi

    1. Hi Narj! Uminom po ng maraming tubig araw-araw, at gumamit ng water-based lubricant tulad ng EZ Lubrcating Jelly (na nabibili sa mga convenience stores at drugstores) tuwing nagtatalik.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon