fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Paramihin ang Kargada!

Paano dagdagan ang dami ng iyong semilya

Kung ikaw ang tipo ng lalaki na sobrang natutuwa sa pag bulalas, maaaring sa palagay mo, ito ang pinakamalupit na bahagi ng pakikipagtalik. Maaari ring ikaw ang tipong natutuwa na “magpaputok” sa tiyan, dibdib, o mukha ng partner mo.

Kung oo, maaaring makatulong sa’yo ang mga payong ito. Ang mga tips na ito ay makakatulong na dagdagan ang semilyang mailalabas mo sa dulo ng pagtatalik, para sa mas kapanapanabik na pagtatapos.

Ano ang ibig sabihin ng mas maraming semilya?

Ayon sa Turek Clinic, wala talagang malinaw na koneksyon ang pagkakaroon ng mas maraming semilya sa sekswal na galing ng isang lalaki. Ang mga kayang magpalabas ng mas maraming semilya ay hindi naman talaga mas may kakayahang makabuo ng anak. Pero, may mga pag-aaral nang nakapansin na ang pagkakaroon ng mas mababang bilang ng semilya ay konektado sa mas mababang fertility.

Ang kakayahang maglabas ng mas maraming semilya ay nangangahulugan lamang na meron kang pamumuhay na maganda sa iyong seminal vesicles, ang mga organ na gumagawa ng semilya.

Paano madadagdagan ang semilya?

Kung nais mong dagdagan ang semilyang nailalabas mo, heto ang mga pinakamagandang gawin.

Tumigil sa paninigarilyo.

Ayon sa isang pag-aaral noong 2019 tungkol sa epekto ng pagyoyosi sa kalidad ng semilya, ang paninigarilyo ay maaaring maging sanhi ng pagbaba ng iyong sperm count o bilang ng sperm cells na sumasama sa iyong semilya.

Ibig sabihin, ang mga lalaking nagnanais maging ama ay dapat umiwas sa paninigarilyo. Makakatulong ito sa produksyon at kalusugan ng iyong semilya. Mapapaganda rin nito ang pagtatapos ng sexy time mo.

Uminom ng maraming tubig.

Ang semilya ay likido, at ang likidong ginagamit para makagawa ng semilya ay galing sa iniinom natin. Sa pag-inom ng maraming tubig, mabibigyan mo ng maraming “bala” ang ating seminal vesicles, at pwedeng dumami ang semilyang mailalabas mo.

Maghinay-hinay sa pagsasarili.

Sa pagbabawas ng pagsasarili, mas magkakaroon ang katawan mo ng panahon na gumawa ng semilya.

Sa susunod na maging “in the mood” ka, magdalawang-isip ka kung kailangan mo ba talagang diskartehan ‘yon. Baka pala mas masarap kung makakapaglabas ka ng maraming semilya sa susunod na pagtatalik niyo ni babe.

Kumain ng mga pagkaing masustansya sa zinc.

Ang zinc ay isang importanteng bahagi ng produksyon ng semilya. Ang seminal fluid mismo ay naglalaman ng zinc. Ito rin ay nakakatulong sa pagpapataas ng testosterone levels na importante sa produksyon ng semilya.

Ang talaba, munggo, mani, at karne ng baka at tupa ay may matataas na bilang ng zinc. Ang regular na pagkain ng mga ito ay makakatulong sa kalusugan at paggawa ng semilya.

Mag-exercise.

Ang pag-eexercise ay nakakatulong sa pagpapaayos ng daloy ng dugo papunta sa iyong bayag, at masisiguro nito na magkakaroon ng sapat na nutrisyon ang iyong organs.

Ang mga exercise para sa ibabang bahagi ng katawan gaya ng squats, lunges, at leg presses ay magandang gawin para sa mas malusog at mas maraming semilya.

Mainam na tandaan na bagama’t ang magputok ng maraming semilya sa iyong partner ay maaari mong ikatuwa, marami ka pang ibang pwedeng gawin para sa mas masayang pagtatalik at para palakasin ang iyong kumpiyansa sa kama.

Pero gaya ng sabi namin, sa pag-aalaga sa iyong kargadang semilya, maaalagaan mo na rin ang kalusugan ng ari mo. Baka mas ikatuwa mo pa ang pagkakaroon ng malusog na ari kaysa sa masigabong putukan!

Mga Pinagmulan:

Please follow and like us:

One thought on “Paramihin ang Kargada!

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon