ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Pelvic Inflammatory Disease (PID)

Pelvic Inflammatory Disease, PID

Ang pelvic inflammatory disease (PID) ay isang impeksyon sa mga fallopian tube, matris, o mga obaryo. Bagaman hindi isang STI, karamihan sa mga babae ay nagkakaroon ng PID pagkatapos makakuha ng mga STI, tulad ng chlamydia o gonorrhea.

Paano Ito Makuha

Kung ang PID ay hindi nagamot o hindi naagapan, kumakalat ito sa mga ibang parte ng sistemang reproduktibo, at maaaring magdulot ng mga problema tulad ng pagkakapilat sa mga obaryo, mga fallopian tube, at matris, pagkabaog, pangmatagalang pananakit ng balakang, at ectopic na pagbubuntis.

Ano Ang Mga Sintomas

Kasama sa mga karaniwang sintomas ang:

  • Sakit at pamamaga ng puson; sakit sa taas at bandang kanan ng puson.
  • Mabaho o abnormal na kulay ng uhog galing sa ari.
  • Pangingirot o pananakit tuwing nakikipagtalik.
  • Pagdurugo sa pagitan ng mga pagregla.
  • Panginginig o lagnat.
  • Pagduduwal, pagsusuka, o pagtatae.
  • Walang gana kumain.
  • Pananakit ng likod at maaari ring hirap sa paglakad.
  • Pangingirot habang umiihi o umihi nang mas madalas kaysa sa karaniwan.

Paano Ang Pagsuri

Ang isang tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan ay maaaring magsagawa ng pelvic exam upang masuri kung ikaw ay may pelvic inflammatory disease. Magsasagawa rin ng pagsusuri para sa chlamydia, gonorrhea, o iba pang mga impeksyon, sapagkat madalas silang nagdudulot ng PID.

Paano Mapupuksa Ito

Ang isang tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan ay maaaring magreseta ng mga antibyotiko na dapat mong inumin, at hilingin na magpahinga ka muna at umiwas makipagtalik. Sa mas malalang kaso ng PID, maaaring kailanganin magsagawa ng operasyon upang ayusin o tanggalin ang mga organong reproduktibo.

  • Kung sa palagay mo maaaring nagkaroon ka ng ugnayan sa isang taong may chlamydia o gonorrhea, magpasuri agad. Karamihan sa mga babae na may mga STI na ito ay walang mga sintomas at maaaring humantong sa PID nang hindi nalalaman ito.
  • Mainam na iwasan ang paghuhugas sa loob ng iyong ari. Maaaring kumalat ang mga impeksyon mula sa ari papunta sa matris at mga fallopian tube, na pinatataas ang peligro ng PID.
  • Kung ang PID ay hindi naagapan at hindi napagamot, maaaring magresulta ito sa mga seryosong komplikasyon na maaaring malagay ang buhay sa panganib.

Pinagmulan:

http://www.ourbodiesourselves.org/health-info/pelvic-inflammatory-disease/

Please follow and like us:
error

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon