fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Plus-Size Pleasure: Ang mga pinakamagandang sex positions para sa mga plus-size na babae

Sa lipunan na ang payat na pangangatawan ang inaasam, ang mga babae na mas malaki ang katawan ay karaniwang hindi nasasama sa mga usapin tungkol sa sex at sekswalidad. Ngunit, napakagandang karanasan ang sex at lahat ay dapat malayang natatamasa ito nang walang pangamba.

Ang pangangatawan ay maaaring maging hadlang para sa mga babae na magkaroon ng masayang sexual experience. At maliban pa doon, hindi lahat ng sex positions ay posible para sa lahat, na maaaring makahadlang sa mga babae dahil sa hindi pagiging komportable.

Sa kabutihang-palad, maraming iba pang sex positions na komportable at kaaya-aya, nang hindi alintana ang laki ng katawan. Narito ang ilan sa mga sex positions na makakatulong sa mga curvy na babae na yakapin ang kanilang sekswalidad at makipagtalik nang buo ang kumpiyansa sa sarili.

Doggy Style

Para gawin ang klasikong posisyon na ‘to, ang receiving partner ay luluhod at liliyad. Ang giving partner ay pupwesto sa likuran, nang nakaluhod rin o nakatayo, at papasok sa puwerta o anus. Pwede nilang gamitin ang balakang ng kanilang partner para ayusin ang anggulo o para sa mas malalim o mas mabilis na penetrasyon.

Nakakapagod rin ang posisyon ito sa mga braso kapag tumagal, kaya pwede rin gawin ang bersiyong nito — ang resting doggy style. Ang receiving partner ay pwedeng maglagay ng unan sa ilalim ng tiyan para sa suporta at sumandal sa kanilang forearms.

Missionary

Nakatihaya ang receiving partner, habang ang giving partner ay hihiga sa ibabaw o luluhod sa harapan para makapasok sa kanilang partner. Pwede ring maglagay ng unan as ilalim ng balakang ng receiving partner para sa suporta at mas madaling penetrasyon.

May mga nagsasabi na mas napapalapit sila sa kanilang partner sa ganitong posisyon dahil napagmamasdan nila ang mukha ng kanilang partner.

Spooning

Tulad nang pag-cuddle sa iyong partner, pero may dagdag na sabik!

Ang parehong partner ay hihiga nang tagilid, at nakaharap sa parehong direksyon. Maaaring itaas ng receiving partner ang kanyang binti para mas madaling makapasok ang giving partner.

Pwedeng mag-eksperimento sa mga angulo para makita ang pinakamabuti para sa inyo. Pwede ring gamitin ng giving partner ang kanyang mga kamay para sa istimulasyon ng mga suso o clitoris ng kanyang partner habang nangyayari ang penetrasyon.

Butterfly

Ang butterfly ay ang sinasabing pinakamagandang posisyon para sa lahat, anuman ang laki at hugis ng katawan.

Ang receiving partner ay hihiga nang nakatihaya sa dulo ng kama, at ang kanyang pwet ay dapat nasa bingit. Kung gusto niyo maging malikhain, pwede rin itong gawin sa iba’t ibang lugar tulad ng mesa o kitchen counter. Ang giving partner ay tatayo sa gitna ng binti ng receiving partner para makapasok.

Kung ikaw ang receiving partner, pwede mong iangat ang iyong mga binti o yakapin ang iyong mga tuhod. May iba ring nagsasabi na kapag pinatong ang kanilang binti sa balikat ng kanilang partner, mas masarap ang sensasyong nararamdaman sa puwerta, kasama ang G-spot.

Para suwabe ang penetrasyon, dapat katamtaman ang taas ng lugar kung saan niyo ito nais gawin. Ang receiving partner ay maaari ring maglagay ng unan sa ilalim ng balakang para mas maganda ang angulo. Tulad ng missionary, mabuti rin ang butterfly para sa higit pang paglapit at paghalik ng magpartner.

Reverse Cowgirl

Hihigang nakatihaya ang giving partner habang ang receiving partner ay “sasakay” sa pamamagitan ng pagpatong sa ibabaw. Kagaya ito ng cowgirl na posisyon. Pero sa reverse cowgirl, nakatalikod ang receiving partner imbes na nakaharap.

Maraming paraan para gawing komportable ang posisyong ito. Pwede ilagay ng receiving partner ang kanyang mga kamay sa gilid ng mga binti ng kanyang partner para pwede siyang sumandal paharap. Pwede rin naman niyang laruin ang kanyang clitoris habang sinasakyan ang kanyang partner!

Iba pang payo at paalala

Hindi kayo limitado sa mga posisyong binganggit dito. Ang gumana sa iba ay baka hindi gumana para sa ‘yo. Lagi namang may kalayaan maging malikhain! Alamin kung ano ang gumagana sa ‘yo at sabihin sa iyong partner kung may gusto kang subukan o kung mayroon bang hindi komportable.

Gumamit ng mga unan para ayusin ang angulo o para suportahan ang iyong katawan habang nakikipagtalik. Pwede rin naman kayong gumamit ng sex toys.

Naiilang ka man sa itsura ng iyong katawan, pero ang mga mas malalaking babae ay pwede rin naman magkaroon ng malusog at masayang sex life tulad ng iba.

Maging bukas lang sa iyong partner at ipaalam sa kanila kung ano ang gusto at ‘di mo gusto, at huwag kalimutan na ugaliin ang ligtas na pakikipagtalik!

Mga pinagmulan:

https://flo.health/menstrual-cycle/sex/pleasure/sex-positions-for-overweight-people

https://www.webmd.com/sex/sex-positions-for-overweight-people

https://www.thesun.co.uk/fabulous/7316677/these-are-the-five-best-sex-positions-for-larger-women-from-the-randy-rider-to-sexy-spoons/

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon