fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Posible bang sumobra ang antas ng estrogen?

Is it possible to have too much estrogen?

Ang mga hormones ay responsable para sa maraming mga function ng katawan. Gumagana ang iyong katawan ayon sa nararapat kapag balanse ang iyong mga hormones. Ngunit ang iyong katawan ay gumagawa ng maraming iba’t ibang mga hormone. Kahit na isa lamang sa kanila ang mas mababa o mas mataas kaysa sa normal na antas, maaari itong magdulot ng iba’t ibang problema sa iyong kalusugan. Kaya, ano ang maaaring mangyari kapag mayroong masyadong maraming estrogen? Alamin natin ang mga sintomas at sanhi ng mataas na antas ng estrogen.

Ano ang estrogen

Ang estrogen ay isang “female sex hormone.” Ganito man ang tawag rito, ang mga lalaki ay naglilikha din ng estrogen, pero sa mas mababa ang antas kumpara sa mga babae.

Sa mga babae, ang estrogen ay may malaking papel sa pagsisimula ng sexual development. Kinokontrol din nito ang menstrual cycle at reproductive system, kasama ang isa pang female sex hormone na progesterone.

Ang mga lalaki naman ay nangangailangan rin ng estrogen para sa kanilang sexual function.

Ang mga abnormal na antas ng estrogen ay maaaring makagambala sa maraming function ng katawan at magdulot ng ilang problema sa kalusugan.

Ano ang mga sanhi ng estrogen dominance

Mayroong ilang mga posibleng sanhi ng estrogen dominance. Kabilang dito ang:

  • Obesity. Ang fat tissue ay naglilikha ng estrone; kaya, ang labis na timbang ng katawan ay maaaring humantong sa mas mataas na antas ng estrogen.
  • Mga kondisyon. Ang polycystic ovary syndrome (PCOS), uterine fibroids, endometriosis, at ilang mga kanser ay nauugnay sa estrogen dominance. Ang insulin resistance ay maaari ring humantong sa labis na antas ng estrogen.
  • Stress. Ang mga antas ng cortisol ay tumataas kapag ikaw ay na-stress. Maaaring bawasan ng hormone na ito ang mga antas ng progesterone at humantong sa estrogen dominance.

Ang ilang mga gamot, at maging ang pag-inom ng alak ay nagdudulot rin ng pagtaas sa mga antas ng estrogen.

Ano ang mga palatandaan at sintomas

Sa mga babae

Ang mga karaniwang sintomas ng estrogen dominance sa mga kababaihan ay:

  • bloating
  • pagtaas ng timbang, lalo na sa paligid ng baywang at balakang
  • sakit ng ulo
  • Disrupted sleep
  • Hair loss
  • pamamaga ng mga suso
  • fibrocystic lumps sa mga suso
  • fibroids sa matris
  • mababang sex drive
  • hindi regular na regla
  • mas malala pang sintomas ng premenstrual syndrome (PMS).
  • mood swings
  • pagkabalisa at panic attacks

Sa mga lalaki

Kapag hindi balanse ang antas ng estrogen at testosterone sa mga lalaki, maaaring maapektuhan ang kanilang sexual development and functions.

Ang mga sintomas ng estrogen dominance sa mga lalaki ay:

  • Gynecomastia. Maaaring mahikayat ng estrogen ang paglaki ng tissue ng dibdib. Ang mataas na antas ng estrogen sa mga lalaki ay maaaring magdulot ng gynecomastia, isang kondisyon na humahantong sa mas malalaking suso.
  • Erectile dysfunction, ang kahirapan mapatigas o mapanatiling matigas ang ari.
  • Pagkabaog. Mahalaga rin ang estrogen sa paglikha ng malusog na mga esperma. Ang mataas na antas ng estrogen ay maaaring humantong sa pagbaba sa mga antas ng esperma, kaya nagiging sanhi ng pagkabaog.

Paano ito magagamot

Maaaring hilingin sa iyo ng doktor na magpa-blood test kung sa tingin nila ay mayroon kang mataas na antas ng estrogen. At depende sa dahilan, maaari rin silang magreseta ng mga gamot o pagbabago sa pamumuhay upang makatulong sa pag-kontrol sa antas ng estrogen.

Para sa mga may kanser na sensitibo sa estrogen o may mataas na panganib na magkaroon ng kanser sa suso o obaryo, maaaring magrekomenda ang doktor ng oophorectomy. Ito ay isang surgical procedure kung saan inaalis ang mga ovary, dahil gumagawa sila ng karamihan sa estrogen. Ang pag-alis ng mga ovary ay nakakabawas ng antas ng estrogen, at nagiging sanhi ng surgical menopause.

Mga pinagmulan:

Vellinga, J. (August 3, 2021). What Are the Symptoms and Treatments of High Estrogen Levels? Temecula Center. https://www.tcimedicine.com/post/what-are-the-symptoms-and-treatments-of-high-estrogen-levels 

Holland, K. (April 19, 2018). Signs and Symptoms of High Estrogen. Healthline. https://www.healthline.com/health/high-estrogen 

Estrogen dominance & Progesterone deficiency. (January 29, 2020). The Holland Clinic. https://thehollandclinic.com/perimenopause/estrogen-dominance-progesterone-deficiency/ Martin, L. (January 31, 2023). What are the symptoms of high estrogen? MedicalNewsToday. https://www.medicalnewstoday.com/articles/323280

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon