fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Regular Na Pagpapasuri Ng Mga Lalaki

reproductive health, family planning, male routine health check, testicular self-examination

Pagsusuri sa Sariling Bayag

Ang testicular self-examination (TSE) o pagsusuri ng sariling bayag ay isang madaling paraan para sa mga lalaki na masuri ang kanilang sariling bayag upang mapanatili ito na walang kahina-hinalang bukol o umbok — na maaaring maging senyales ng kanser sa bayag.

Bagamat bihira ang kanser sa bayag sa mga tinedyer na lalaki, ito ang pinaka-karaniwang uri ng kanser sa kalalakihan na edad 15 hanggang 35. Mahalaga na magsagawa ng TSE kada buwan para maging pamilyar ka sa normal na laki at hugis ng iyong bayag upang mas madali mong matukoy kung may kakaiba or hindi normal dito sa hinaharap. 

Sundin ang mga hakbang na ito sa pagsasagawa ng TSE:

  1. Mainam itong gawin pagkatapos maligo nang maligamgam na tubig kung kailan nakarelaks ang balat ng bayag o scrotum. Kung maaari, tumayo sa harapan ng salamin. Suriin ang scrotum para sa anumang pamamaga.
  2. Suriin ang bawat bayag gamit ang parehong kamay. Ilagay ang gitnang daliri at hintuturo sa ilalim ng bayag at ang hinlalaki sa ibabaw. Maging kalmado at dahan-dahang i-rolyo ang iyong bayag sa pagitan ng hinlalaki at mga daliri upang maramdaman mo kung may kakaiba sa ibabaw at hugis ng iyong bayag.
  3. Hanapin ang iyong epididymis, ang malambot at mala-lubid na istruktura sa likod ng iyong bayag. Kung pamilyar ka sa istrukturang ito, hindi mo ito mapagkakamalan na kahina-hinalang bukol.

Kung may mapansing kakaibang pagbabago o iregularidad, kumunsulta kaagad sa iyong doktor.

Sakit na Naipapasa sa Pakikipagtalik

Pareho mang maaring magkaroon ng STI o Sexually Transmitted Infections ang lalaki at babae, mas malaki ang tyansa ng lalaki lalo kung nakikipagtalik siya sa kapwa lalaki.

Ayon sa tala ng Department of Health (DOH), itinatayang nasa 58% ng pagkakahawa sa STI ay galing sa mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki.

Mas mainam din na masuri para sa mga STI kung ikaw ay aktibo sa pakikipagtalik o nagsisimula ng isang bagong relasyon at interesado na malaman ang katayuan ng iyong kalusugan.

Gayunpaman, hindi ito kinakailangan maliban kung nagpapakita ka ng mga sintomas. Pinapayuhan na magpasuri para sa STI ang mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki.

Pinagmulan: http://www.webmd.com/sexual-conditions/mens-sexual-problems?page=2#4

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon