fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Roleplaying 101 Para sa mga Lalaki

A couple's arms and hands in bed, the woman is cuffed.

May mga nag-aakalang ang sexual roleplay ay simpleng pagko-costume lamang para magmukhang sexy. Ito’y mababaw na pagkakaintindi lamang sa konsepto dahil ang roleplaying ay mas malalim at malawak pa kaysa rito. Hindi lang ito tungkol sa pagsusuot ng costume o simpleng paggaya sa isang karakter para sa sexy time.

Sa article na ito, may mga babasagin kaming maling akala tungkol sa roleplaying. Kilatisin natin kung ano talaga ang aktibidad na ito, bakit ito importante, and kung paano ito magagawa nang maayos ng mga lalaki.

Ano ang Sexual Roleplaying?

Intindihin muna natin ang konsepto ng roleplaying. And salitang roleplaying ay tumutukoy sa proseso ng pagkilos, pagsalita, o pag-iisip na parang ibang tao. Para itong pagkukunwari o paglalaro. Ang sexual roleplaying naman ay ang pagro-roleplay na may intensyong mang-akit o i-turn on ang iyong partner.

Bakit Natin ito Dapat Subukan?

Ang pinakasimpleng sagot ay: dahil nakakatuwa o exciting ito! Pero meroin pa itong mga aspetong mas makabuluhan. 

Ang sexual roleplaying ay meron ding sikolohikal at emosyonal na benepisyo para sa inyo ng partner mo. Maari kayong makaranas ng mga pantasya sa pamamagitan ng roleplaying. At makakatulong ito sa pag-explore ng inyong sekswalidad.

Paano Natin Ito Magagawa nang Tama?

Una, mainam na makipag-usap sa partner mo. Kailangan niyong malaman ang mga pantasya na gusto niyong maranasan.

Sunod, kailangan niyong maghanda. Nakakatulong sa roleplaying ang pagbihis at paggalaw na tugma sa mga karakter na gusto niyong gampanan. Importante ang tamang bihis, props, at pagkilos sa pagro-roleplay nang maayos. ‘Pag meron na kayo ng lahat ng ‘yan, oras na para maging kinky!

Maganda ring magdahan-dahan kahit na hindi niyo first time. May mga taong kailangang mag-adjust sa mga karakter na ginagampanan o pinapanood.

Mahalaga ring mag-set ng boundaries. Tandaan niyong ang gusto niyo lang naman ay mapasaya ang isa’t-isa, kaya malaking tulong ang pagsisiguro na komportable kayong pareho. Pwede ring gumamit ng safe words at maging sensitibo sa nararamdaman ng partner.

Ang huling tip ay mag-enjoy. Ang punto ng sexual roleplaying ay maging intimate o mapusok sa isang makabagong paraan, at dapat siguraduhing naeexcite kayo ni partner.

Ang roleplaying ay hindi dapat ikahiya. Wala namang masama sa pagkakaroon ng mga pantasya at fetish, basta’t ang ikinikilos natin ay nasa tama at hindi makakasakit sa kahit sino. Sa madaling salita, #DoItRight palagi dapat!

Mga Pinagmulan:

  • 10 surprising (and real) benefits to exploring role playing in the bedroom. FindATopDoc. (n.d.). https://bit.ly/3WjvMsv
  • Zane, Z. (2021, December 23). How to role-play in bed and not be embarrassed. Men’s Health. https://bit.ly/3q0KeL4
  • Imahe mula sa Freepik
Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon